Chapter 21
Still Want To Go Home?
The whole family of MacKenzie-Gonzalez had their vacation, alright. Pero halata sa kambal na gustung-gusto na nilang umuwi. And they still have two days bago sila umuwi.
"The kids are not enjoying this vacation, babe," sabi ni Scarlet sa asawa. Nasa suite room sila habang ang kambal ay nasa sarili nitong suite room.
Itinigil ni Zayn ang pagtingin sa website niya at tumingin sa kanyang asawa na katabi niyang nakaupo sa kama. "Kaya nga eh. Paano kayang gagawin natin?"
"I don't know. This is the first time that the twins hated going out of the country."
They always have their vacation out of the country. Gusto lang talaga makatakas ng kambal mula sa mga kaklase nila na lintik kung makapang istalk sa kanila.
"Hindi nga sila nag enjoy kanina," malungkot na sabi ni Zayn. They both sighed.
"Gusto na kasi nilang umuwi. Maybe they miss Philippines?" dagdag pa ni Zayn.
Then a realization hit Scarlet. "They don't miss our country. They miss who are left in our country."
Nagtatakang tiningnan ni Zayn si Scarlet. "What? You didn't get me?"
Tumango naman bilang sagot si Zayn. Napairap naman si Scarlet. Natawa si Zayn sa ginawa ng asawa. "Ngayon mo na lang ako ulit inirapan, babe. Namiss ko," sabi ni Zayn. "Mahal na mahal mo na kasi ako kaya hindi mo na ako magawang pagtarayan."
Lalong napairap si Scarlet. "I can't believe you! Ano ba yang mga sinasabi mo?!"
Zayn laughed then hugged Scarlet. "Babe, yung kambal natin," pagmamaktol ni Zayn.
"Look, I have a plan," Scarlet said. Nilatag ni Scarlet kung ano man ang plano na naisip niya at napangiti si Zayn. Tumango tango siya. "Sige ako ng bahala," Zayn said.
"I'll count on you, okay?" Scarlet said.
Tumango si Zayn at hinalikan sa labi ang asawa. "You can always count on me, babe." Ngumiti si Zayn at parang magnet ay napangiti na rin si Scarlet. "I know."
Pinulupot ni Scarlet ang kanyang kamay sa braso ni Zayn at inihilig ang ulo sa balikat ng asawa pagkatapos ay pumikit, dinamdam ang bawat segundo ng kasama ang asawa na para bang ngayon na lamang sila ulit nagkasama.
Tinawagan ni Zayn ang kakilala niyang maaaring mag ayos ng mga papeles na kakailanganin. "Kung kaya, sana bukas nandito na sila?"
"Pipilitin ko po, Mr. Gonzalez," sabi ng lalaki sa kabilang linya.
"Ipasa mo na rin sakin ang mga contact number nila para makausap ko at maipagpaalam ko na rin sa magulang nila."
"Sige po, Mr. Gonzalez."
"Salamat."
When their conversation ended, Zayn put his phone on the sidetable, pati na rin ang laptop niya. Pagkatapos ay inayos niya ng higa ang asawa. Humiga na rin siya pagkatapos ay inihilig ang ulo ni Scarlet sa kanyang dibdib. Bahagyang gumalaw si Scarlet kaya saglitang natigilan si Zayn, ingat na ingat na huwag magising ang asawa.
Nang hindi na ito gumagalaw, inayos niya ang ulo ni Scarlet saka niyakap ang asawa at tinapik tapik ang likod nito. Komportableng nakatulog si Scarlet dahil sa ginawa ni Zayn.
Kinabukasan ng araw na iyon, maagang gumising ang mag asawa sa kadahilanang may kakaunin pa sila sa airport.
---
Amethyst woke up first, like the usual. Nag-ayos ito ng sarili bago tuluyang lumabas ng suite room at bumili ng umagahan nila ng kanyang kakambal na si Felix.
BINABASA MO ANG
Waiting To Hear You Say "I Love You"
RomanceI'm PLANNING to revise the first season of this story (LFAC:HYM,TIY). I'm also PLANNING to revise this sequel. May mga chapters kasi that I find irrelevant to the story. Original plan din kasi ay 50 chaps lang pero naging 60 na. But if you're still...