Chapter 18
Text Message
Sabay na bumaba ang kambal para mag-umagahan. Ayos na sila pareho at tanging pagkain na lamang ang kulang para makapasok na sila.
Nagtaka na lamang ang dalawa nang pagkababa nila sa dining area ay wala pa ang kanilang mga magulang. Kadalasan naman ay nauuna ang mga ito dahil maaga silang napasok para sa kani-kaniyang trabaho.
Pagkalapit ng isang katulong na galing sa kusina, ay nagtanong agad si Amethyst dito. Samantalang si Felix naman ay naupo na sa upuan nito at nagsimula ng kumain. Wala man lang itong pakialam na wala pa ang kanilang magulang sa hapag-kainan.
"Manang, sina mommy po?" magalang na tanong ni Amethyst sa katulong. Habang inilalapag ng kasambahay ang dala-dala niyang plato ng ham ay sinagot niya ang amo.
"Nasa taas pa po, ma'am. Hindi pa po nababa." Pagkalingon ng katulong sa direksyon ni Amethyst, nakita niya sina Scarlet na nasa likod ng dalaga. Agad naman itong tumungo ng bahagya bilang pagbibigay galang.
Napansin ng dalaga na sa likod niya nakatingin ang katulong at hindi sa kanya kaya nilingon niya ito. Doon ay nakita niya ang kanyang mga magulang. Napanganga pa ang dalaga sa nakita niyang suot ng mga ito.
Si Scarlet ay nakayellow dress at summer straw hat. Habang si Zayn naman ay naka blue and white stripes polo shirt at simpleng puting tokong.
"Good morning, Amethyst," bati ng ina. Habang ang ama naman nito ay ngumiti lang. Maya-maya pa ay bumaba ang isa sa kanilang mga lalaking kasambahay at may dala-dala itong mga bag.
"Deretso ko na po ito sa kotse, sir?" pagtatanong nito kay Zayn na tinanguan naman ng amo.
"Saglit. Sabay na ako," habol ni Zayn. Tumigil naman sa paglalakad ang kanilang katulong. Nilingon ni Zayn ang kanyang asawa. "Maghihintay na lang ako sa labas," paalam nito sa asawa. Humalik sa pisngi nito si Scarlet at saka tumango bilang sagot.
"Saan kayo pupunta?" pagtatanong ni Amethyst nang makaalis ang kanyang ama.
"Late vacation," maikling sagot ni Scarlet at nilingon ang anak na si Felix na abalang kumakain. "Felix, you won't be using your car for now."
Napalingon si Felix sa direksyon nina Scarlet. "What?! Why?!"
"We'll be using your dad's car. Don't worry, it's just for today."
Magrereklamo pa sana si Felix pero hindi na niya nagawa. Naglakad na kasi palabas ang kanilang ina. Pero bago pa ito tuluyang makalabas, nilingon pa niya ang mga anak.
"Hurry up. We'll be late for our flight," bilin ni Scarlet at tuluyan ng lumabas ng dining area.
"Tara na, Felix. Sa canteen na lang tayo kumain," sabi ni Amethyst. Hindi na nagreklamo pa ang binata kahit labag pa sa loob nito ang gagawin. Tumayo na ito at naglakad palabas. Nakasunod naman sa kanya si Amethyst.
"I can't believe they're still doing this. Malalaki na tayo. Hindi na nila tayo kailangang ihatid. Tsk," naiinis na bulong ni Felix sa kakambal.
"Hayaan mo na. Magbabakasyon kaya sina mommy. At saka hindi mo ba siya narinig kanina. Sabi niya, flight. Ibigsabihin, sa ibang bansa sila magbabakasyon ni daddy. Mga isang linggo siguro silang mawawala."
"I guess."
Nang makalabas ng bahay ang kambal ay nasa harap na nila ang sasakyan ng ama. Sumakay naman sila sa likod.
"Saan nga po pala kayo magbabakasyon?" pagtatanong ni Amethyst habang nasa byahe. Mahaba-haba na ang biyahe nila at tahimik lamang silang lahat kaya naman nagsalita na ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Waiting To Hear You Say "I Love You"
RomanceI'm PLANNING to revise the first season of this story (LFAC:HYM,TIY). I'm also PLANNING to revise this sequel. May mga chapters kasi that I find irrelevant to the story. Original plan din kasi ay 50 chaps lang pero naging 60 na. But if you're still...