Epilogue
"Congrats on graduating, Sis," Felix said as he handed Amethyst three long-stemmed roses. Tinanggap iyon ng dalaga para ihampas sa kanya. "What was that for?!"
"Graduation mo din dapat ngayon, eh," naluluhang sagot nito. Natawa naman sya sa pag-iinarte nito.
"It's okay, Amethyst. He'll graduate after three years. That's not too long," Scarlet said then hugged her daughter. "Congratulations on graduating, Sweetheart."
"Thanks, Mom." Nilingon naman nya ang Ama. Nang magtagpo ang mga mata nila, ang pinipigil nitong luha ay tuluyan ng bumagsak. Agad nya itong niyakap. "Tahan na, Dad."
"Graduate na ang Baby ko," umiiyak na anito.
"Graduate na nga po, Baby pa rin?" Natatawang sabi ni Amethyst sa Ama habang tinatapik tapik ang likod nito.
He let go of the hug and held her daughter's face. "You'll always be a baby to my eyes, Amethyst," he said with a smile.
"Pero may boyfriend na nga po ako, eh. Edi hindi na ako baby," she admitted nonchalantly, causing Zayn's eyes to widen in surprise then slowly turning to an anger.
"Ano?!"
Sakto nama'y lumapit si Archie kay Amethyst ng oras na iyon. He congratulated her as he kissed her cheek. Si Amethyst naman ay pinulupot ang kamay sa braso ng binata pagkatapos ay nilingon ang Ama na namumula na sa sobrang galit dahil sa nakita.
"Sinagot ko na po si Archie. Kanina lang po."
"ANO?!"
Agad nilapitan ni Scarlet ang asawa at hinawakan ito sa braso. Nakakuha na ito ng atensyon mula sa mga tao sa paligid nila.
"Babe, may mga tao," she reminded him.
"Then dalhin mo tong si Archie sa walang tao para pag binalatan ko ng buhay, walang makakita!"
"Dad!" Suway ni Amethyst.
"What? Gusto mo idiretso ko yan sa frying pan? Deep fried?"
Napafacepalm na lamang si Amethyst.
---
"Alessandra!"
Napatigil sa pakikipag-usap si Alessandra nang may tumawag sa kanya. Paglingon nya'y hinahapong si Romeo ang agad nakita ng mga mata nya. Pawisan ito marahil sa pagtakbo. Given pa na suot pa nito ang toga nito. Nakadagdag lang sa init.
"Oh. Bakit?"
He handed her a single purple rose. Napakunot noo naman sya sa nakita.
"Ano yan?"
"Rose. Bulag ka?"
Napairap sya sinagot nito.
"Alam ko. Ibig kong sabihin, para kanino?"
"Sa'yo," medyo napataas ang boses na sabi ni Romeo, nauubos na ang pasensya sa mga tanong nito. "Congrats."
Lalo ng nangunot ang noo ni Alessandra. "Bakit mo ko binibigyan nyan?"
"Kasi grumaduate ka. Susko! Common sense naman, Alessandra."
"Wow, ha?! Sa'yo pa talaga nanggaling yan?!"
"Tatanggapin mo ba o hindi?!"
"Bakit ko tatanggapin yan?!"
"Kasi binibigay ko sa'yo!"
"Porque binibigay mo, tatanggapin ko na?!"
"Oo!"
"At bakit naman?!"

BINABASA MO ANG
Waiting To Hear You Say "I Love You"
RomanceI'm PLANNING to revise the first season of this story (LFAC:HYM,TIY). I'm also PLANNING to revise this sequel. May mga chapters kasi that I find irrelevant to the story. Original plan din kasi ay 50 chaps lang pero naging 60 na. But if you're still...