Chapter 12 --- Sorry

24 2 0
                                    

Chapter 12

Sorry

To: Felix

Let's meet at the mall. Gusto ko mag-sizzling.

*Message sent*

To: Sam

Hi, Sam! It's me, Amethyst. Kita tayo sa mall mamayang lunch break. Doon tayo kumain. Treat ko! Sa sizzling plate tayo magkita, ha?

*Message sent*

*Message received*

From: Felix

Okay. Let's meet at the sizzling plate.

*Message received*

From: Sam

Hi din ^^ . Sige kita na lang tayo sa sizzling plate.

Hindi na nag-abala pa si Amethyst na magreply. Pero pigil na pigil niya ang sarili. Palihim kasi siyang nagte-text habang nasa klase. Excited na siya para mamaya. Ngiting ngiti tuloy ito.

Hindi niya napapansin na mula sa likod ay nakatingin sa kanya si Archie. Kitang kita ng binata ang pagngiti ngiti ng dalaga habang palihim na nagte-text.

Maya maya pa ay may naalala si Amethyst kaya muli siyang nagtext kay Samantha.

To: Sam

Girls only ha! Hahaha. Pansin ko kasi na lagi kayong magkasama ng pinsan mo.

*Message sent*

*Message received*

From: Sam

Haha. Oo sige. Nasabihan ko na si Romeo na hindi ako makakasabay sa kanya ngayon.

*Message received*

From: Sam

Awas na ako. Kita na lang tayo sa sizzling plate?

*Message received*

From: Felix

I'm on my way to the mall.

Hindi na napigilan ni Amethyst ang sarili. Lumapad na lalo ang ngiti niya. "Magkikita na sila!" kilig na kilig na sabi ni Amethyst sa sarili. Agad na nagtext si Amethyst sa kakambal nang may maalala siya.

To: Felix

Don't bring your car! Mag commute ka ha!

*Message sent*

"Amethyst! Are you texting?"

Nataranta si Amethyst nang tawagin siya ng kanyang professor. Itinago niya agad ang cellphone sa bag niya. "Sorry po."

"Mag-usap tayo sa office. Now, class dismiss."

Hindi na nag abala si Amethyst na dalhin ang bag niya at sumunod na lamang sa kanyang professor.

Nang makarating sila sa office ay agad siyang kinausap ng professor niya. Nag-sorry na lamang ang dalaga at nangakong hindi na niya uulitin. Pinatawad siya ng professor at pinaalis na rin.

Habang naglalakad pabalik sa classroom niya ay nakita niya si Romeo na lumabas mula sa isang classroom. Tumakbo siya at nilapitan ito.

"Romeo!"

Nilingon siya nito. Hindi lang si Romeo ang lumingon sa kanya. Halos lahat ng nakarinig lumingon sa direksyon niya. Ang lakas naman kasi ng boses nito.

Waiting To Hear You Say "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon