Chapter 43
Look His Way
Hindi agad umuwi si Samuelson pagkagaling niya sa hotel. He drove off and went to his bandmate's apartment. Dahil madalas syang magpunta don, alam na nya kung saan nakatago ang susi nito. Kinuha nya iyon sa ilalim ng paso sa tabi ng pinto pagkatapos ay binuksan ang pinto.
"Shit!" Gulat na pagkakasabi ni Ronan, ang drummer nila. "Sam, naman. Ginulat mo ko!"
Naupo si Samuelson sa sahig at sumandal sa kama. Pagkatapos non ay pinatong nya ang ulo doon at pumikit. Naramdaman nyang naupo sa tabi nya si Ronan pagkatapos ay nakarinig sya ng pagbubukas ng bote.
"Tapos na yung party? Ang aga naman."
Ininom ni Ronan ang bottled softdrink na hawak nya pagkatapos ay nilingon si Samuelson. Akala nya'y nakatulog na ito nang bigla itong magsalita.
"Samantha."
Awtomatiko nyang naalala ang sinabi noon ni Samuelson sa kanya. Noong gabi na nag-iinuman sila sa apartment na iyon para i-celebrate ang success ng first gig nila.
"Pag bigla akong may sinabing pangalan ng babae. Yon ang palatandaan mo na sa unang pagkakataon, may nagustuhan na ako."
"Shit?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ronan. "Seryoso?"
Tumango si Samuelson, nanatili pa ring nakapikit. "Uwah," manghang sabi ni Ronan. "Maganda?"
Doon nagmulat ng mata si Samuelson at lumingon kay Ronan. Nanlaki naman ang mga mata ni Ronan nang makita ang namumulang mukha ni Samuelson. "Sobra."
"Shit!" Gulat na sabi nito pagkatapos ay tumawa ng tumawa habang nakatatak sa isip ang namumulang mukha ni Samuelson. "Sexy?"
"It's all in the right places."
Lalo ng natawa si Ronan. May paghampas pa ito sa kanyang hita sa sobrang pagkagalak. "I never thought I'll hear you say that, dude. Akala ko forever sensitive ka na!"
Nailing na lamang si Samuelson. His bandmates always tease him, saying he'll stay sensitive, sentimental, and maiden at heart.
"So, physically attracted ka?"
"Of course, I am." Who wouldn't be? Lalaki pa rin naman sya. At tanga na lang sya kung hindi pa sya magagandahan kay Samantha nang nakaayos ito ng ganoon.
"Sobrang ganda nga siguro ng Samantha na yan para magustuhan mo sya. Ilang babae na ba ang nang-akit sa'yo pero kahit maalarma ka man lang eh, hindi nangyari." After that, Ronan gave him a meaningful look.
"I'm not sexually attracted to her, Ron," sabi naman ni Samuelson nang maintindihan nya ang gusto nitong iparating. "Hindi lang din dahil sa maganda sya kaya nagustuhan ko sya."
"What? Then ano? Mabait?"
"I hardly know her."
"Oh. Eh ano nga?"
"I don't know."
Napa-poker face naman si Ronan sa narinig. "Ang gulo."
"Yeah. But that's the thing. Gusto ko rin na magulo."
"Takte. Ha?" Gulung-gulong tanong ni Ronan.
"There's something about her that made me want to know her more. Hindi ko nga nagawang alisin ang tingin ko sa kanya kanina sa buong party."
"Edi ligawan mo."
"May sabit e."
"Takte. Ha?" Gulat at litong tanong ulit ni Ronan. "Paanong may sabit? May boyfriend?"
BINABASA MO ANG
Waiting To Hear You Say "I Love You"
RomantikI'm PLANNING to revise the first season of this story (LFAC:HYM,TIY). I'm also PLANNING to revise this sequel. May mga chapters kasi that I find irrelevant to the story. Original plan din kasi ay 50 chaps lang pero naging 60 na. But if you're still...