Chapter 09
Expectations
Nag-aalangan pa rin si Amethyst kung papasok ba siya sa klase niya ngayon. Nakatayo ito malapit sa railings ng rooftop, pinagmamasdan ang buong university mula sa pwesto niya at nag-iisip.
"Kung pumasok ako, pwedeng..."
At nag-umpisa ng mag-imagine si Amethyst. Pagkapasok niya, magbubulungan ang mga kaklase niya habang nakatingin sa kanya. At pagkaupo niya, nakatingin sa kanya ang mga kaklase niya. Habang si Archie naman ay nakaupo lang sa upuan nito at natutulog katulad ng madalas nitong ginagawa. Mag-isa lang siyang makakaramdam ng pagkailang at uneasiness, 'di tulad ni Archie na panigurado ay kalmado lang.
Agad na inalis ni Amethyst ang naiisip. Ayaw niyang siya lang ang nagdudusa habang si Archie ay kalmado lang.
"Eh kung..."
At nag-umpisa nanamang mag-imagine si Amethyst. Pagkapasok niya ay susugurin niya si Archie. Tatapikin niya ang ulo nitong natutulog at pagtunghay nito sa kanya ay sinampal niya ito. Sisigaw sigawan niya ito tungkol sa ginawa sa kanya ni Archie.
"Pero aksidente ang nangyari sa atin," sabi ni Archie sa kanyang imahinasyon. Doon natigil ang pag-i-imagine ni Amethyst.
"Oo nga pala," sabi ni Amethyst. "Hindi ko siya dapat sisihin. Aksidente ang nangyari."
Napabuntong hininga naman siya. "Pero siya ang lalaki. Dapat magsorry siya."
Dala ng pagkainis, ginulo na lamang ni Amethyst ang kanyang maikling buhok. "Kinakausap ko nanaman ang sarili ko! Ano ba 'yan?!"
Napahinto siya sa ginagawa sa sarili nang biglang may humawak sa kanyang mga kamay. Agad niyang nilingon kung sino ang humawak sa kanya at nakita niya ang lalaking hindi pa niya kayang harapin.
He's looking at her with his usual look. A look that's hard to read.
"A-Archie?" pagtatanong niya. Nakatingala siya dahil sa tangkad ni Archie.
"Fifteen minutes na lang, mag-uumpisa na ang klase. Wala ka bang balak pumasok?"
"Ayan nanaman siya. Ang kalmado nanaman niya," sabi ni Amethyst sa sarili.
"Me-meron!" Subukan man ni Amethyst na magsalita sa normal niyang pananalita, hindi niya magawa. "Bitawan mo nga ako!"
Agad naman siyang binitawan ni Archie at umatras ang binata ng ilang hakbang lang palayo mula sa dalaga.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" biglang natanong ni Amethyst.
"Hinihintay kitang pumasok."
Hindi inaasahan ni Amethyst ang narinig niyang sagot ng binata. Ang inaasahan nitong sagot ay dahil natutulog ito, pero hindi.
"Hinihintay mo ko?"
"Oo. Kanina pa ko nandito."
"Ka-kanina pa?" Tumango ang binata. "Hindi nga?"
Tumango lang muli ang binata. "Narinig mo ba yung mga sinasabi ko kanina?"
"Hindi. Andun lang ako sa may pinto. Nilapitan lang kita kasi sinasaktan mo sarili mo."
Agad na nakaramdam ng hiya ang dalaga. "Hi-hindi ko sinasaktan sarili ko, no," sabi nito at tumingin sa ibang direksyon.
"Sige. Sabi mo eh," kaswal na sabi ng binata. "Bakit nga pala ayaw mo pang pumasok?"
"Kasi panigurado pagbubulungan ako ng mga kaklase natin. Alam mo na.. dahil dun sa nangyari."
"Ganun ba?"
BINABASA MO ANG
Waiting To Hear You Say "I Love You"
Roman d'amourI'm PLANNING to revise the first season of this story (LFAC:HYM,TIY). I'm also PLANNING to revise this sequel. May mga chapters kasi that I find irrelevant to the story. Original plan din kasi ay 50 chaps lang pero naging 60 na. But if you're still...