Chapter 53 --- Karma

32 1 0
                                    

Chapter 53

Karma

Samantha is definitely not in the mood anymore. Pagkarating nila sa bukirin ni Lolo Sen ay pinilit pa niyang isantabi ang kung ano mang inis na namuo sa dibdib niya pero hindi niya talaga magawa. Mas lalo pa siyang nainis dahil hindi niya maintindihan kung bakit naiinis siya.

Dahil ba nag-awagan na parang mga bata sina Felix at Samuelson sa bag niya?

Ganon na ba siya kababaw na tao para mainis ng sobra dahil lang don?

Baka dahil pagod na siyang kalkulahin lahat ng galaw niya? Pwede.

Pwede ngang pagod na siya.

Sasang-ayon pa lamang siya sa naisip nang bigla na lamang sumagi sa kanyang isip ang nakita kanina habang umaakyat sila ng bundok - iyong tumatawa si Samuelson habang bitbit ang bag ni Fami.

Bigla na naman siyang nainis.

"Ineng, malulunod ang mga halaman sa ginagawa mo."

Nagising ang diwa ni Samantha nang marinig ang boses ng matanda sa gilid. Saka lang niya naalala na nagdidilig nga pala siya ng mga halaman nito. Dali-dali niyang nilayo ang pandilig mula sa mga halaman at sinuri ang mga ito.

Napapitik na lamang siya ng dila nang makitang nag-uumapaw ang tubig sa pinagtatanimang lupa ng mga halaman.

"Sorry, Lolo Sen," walang lingun-lingon niyang paghingi ng tawad sa matanda. Hiyang hiya siya. Ngayon na nga lamang sila nagkitang muli, papatay pa siya ng mga halaman nito.

Mahinang tumawa ang matanda.

"Ano bang bumabagabag sa iyo at halaman ko ang gusto mong patayin?"

"Hindi ko naman po papatayin mga halaman niyo, Lolo. Grabe naman kayo," nakanguso na nitong saad.

"Yung mga mata mo kasi, nakakatakot na."

Doon ay nilingon na ni Samantha ang matanda. Ngumiti naman ito sa kanya.

"Anong problema?"

Nag-aalangang ibinuka ni Samantha ang bibig para magsalita nang makita niya si Samuelson na papalapit sa kanya. The moment their eyes met, he automatically beamed a smiled and waved at her. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay nag-iwas siya ng tingin dito. Binaba niya ang pandilig na hawak at nakatungong nagpaalam sa matanda. Saka nagmamadaling nilapitan si Fami na noon nama'y kausap lang ni Felix.

She faked a smile at Felix and immersed herself in a conversation with Fami and only with her alone.

-

"She's definitely avoiding you, Sam."
Napabuntong hininga na lamang si Samuelson sa sinabi ng kanyang kabanda na si Vien. Pansin din naman niya iyon. Simula nang makarating sila sa bukirin ni Lolo Sen ay dumikit na nang dumikit si Samantha sa matanda. Kung hindi naman dito ay kay Fami naman ito didikit.

Halata rin na iniiwasan nito si Felix. Pero ang pinagtataka niya ay kung bakit mas iwas ito sa kanya kaysa kay Felix. Nakita pa niya ang dalawa na mag-usap kanina habang nagtatanim sila. Nag-abala pa nga itong magpeke ng ngiti sa binata. Iyon ang hindi niya matanggap. Bakit sa kanya, kahit matapunan man lang siya ng tingin ay hindi magawa ni Samantha. Kung tungkol naman kasi sa pag-aagawan nilang dalawa sa bag ng dalaga ang dahilan ng pag-iwas nito, dapat ay pareho lang silang iniiwasan. Hindi iyong mas ilag ito sa kanya.

"Ano ba kasing ginawa mo?" pagtatanong naman ni Ronan.

"Wala," agad niyang dipensa.

"Pre, maniwala ka sakin, hindi yan wala. Yung wala para sa ating mga lalaki..." napailing na lamang si Ronan. "Malaking bagay na pala sa mga babae."

Waiting To Hear You Say "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon