Chapter 15
Last Continuation
"Bakit? Gusto mo na bang mag-asawa?" kaswal na tanong ni Archie.
Napatunghay si Amethyst at nagtatakang tiningnan si Archie. Seryoso itong nakatingin sa kanya. Tinaas ni Amethyst ang dalawang kilay at nag make sound ng "Mm?" Hindi na kasi siya makapagsalita dahil puno ang bibig nito ng pagkain.
"Sabi mo pwede na akong mag-asawa, 'di ba?" Tumango si Amethyst. Lulunukin na sana ni Amethyst ang pagkaing laman ng bibig niya pero nasamid siya dahil sa narinig niyang sinabi ni Archie. "Handa ka na bang mag-asawa?"
Agad napatayo si Archie nang makitang nabilaukan si Amethyst. Kumuha ito ng tubig at inabot sa dalaga. Kinuha iyon ni Amethyst at ininom. Habang nainom si Amethyst ay hinihimas naman ni Archie ang likod ng dalaga.
"Hinay hinay kasi," paalala ni Archie.
"I-Ikaw kasi! Ku-kung anu-anong pinagsasasabi mo!"
Tumigil sa paghimas ng likod si Archie at bumalik na sa upuan niya.
"Nagtatanong lang naman ako." Bumalik na sa pagkain si Archie habang si Amethyst naman ay nagtatakang tinitigan si Archie. Kita sa mukha ng binata ang pagkakalma nito.
"Psh. Lagi na lang siyang kalmado. Samantalang ako.. hay.." bulong ni Amethyst sa sarili. Pinagpatuloy na lamang niya ang pagkain. Wala naman siyang magagawa.
Tiningnan ni Archie si Amethyst. Nakita nitong mukhang malungkot nanaman ito.
"Wala pa sa isip ko ang magkagirlfriend," sabi ni Archie, out of the blue, na dahilan para mabitawan ni Amethyst sa gulat ang kanyang kutsara. Nagpipigil naman ng inis na tiningnan ng dalaga ang binata.
"A-alam ko, okay? Ilang beses ko na ba yang narinig na sinabi mo kanina sa palengke?" sabi ng dalaga. "Kanina pa sinasampal sakin ang katotohanan na 'yan. Ano ba?!" inis na sabi nito sa sarili at umiwas ng tingin kay Archie. Hindi na nito matagalan ang pagiging kalmado ng binata sa lahat ng sitwasyon. Para sa kanya, ang unfair lang ng lahat.
"Pero natatakot ako na baka maging girlfriend ka ng ibang lalaki."
Nagulat ang dalaga sa kanyang narinig. Hindi pa nito alam kung tama ba ang narinig niya. Agad niyang nilingon si Archie.
"H-H-ha?"
"Takot ako na baka makuha ka ng iba. Gusto kong solohin ka pero natatakot din ako."
Confusion ate up Amethyst. Hindi ito nakapagsalita. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa kanyang narinig o malulungkot.
Ilang beses sinubukan ni Amethyst ang magsalita pero sa tuwing gagawin niya, bumubuka lang ang bibig niya at wala kahit isang salita ang lumabas sa bibig niya.
Huminga siya ng malalim at pumikit upang pakalmahin ang sarili. Kasabay ng paglabas niya ng hangin ay ang pagmulat ng mata niya. Ang kalmadong mukha agad ni Archie ang nakita niya.
"Pwede ba? I-explain mo naman sakin kung bakit ganyan ang nararamdaman mo? Gulung-gulo na ako."
"Tinatamad akong magpaliwanag," Archie answered stubbornly and continued eating. Napakagat na lamang sa labi si Amethyst sa narinig niyang sinabi ng binata.
"Mababaliw ako sa lalaking to!" inis na sabi niya sa sarili. Uminom na lamang siya ng tubig upang pakalmahin ang sarili. Pero nakulangan siya sa tubig kaya binusog na lang niya ang sarili niya.
Samantalang sa kabilang dako naman, kakatapos lang isuot ni Samantha ang dress na napili sa kanya ni Felix. Namangha siya sa sarili ng makita niya ang kanyang itsura.
BINABASA MO ANG
Waiting To Hear You Say "I Love You"
RomanceI'm PLANNING to revise the first season of this story (LFAC:HYM,TIY). I'm also PLANNING to revise this sequel. May mga chapters kasi that I find irrelevant to the story. Original plan din kasi ay 50 chaps lang pero naging 60 na. But if you're still...