Chapter 50 --- Sign

35 2 0
                                    

Chapter 50

Chance

Nang makapag-ayos na ng gamit si Felix ay napagdesisyonan na muna niyang puntahan si Samantha, check on her if she needs anything he could help with.

Pagkalabas ng cabin nila sa bandang itaas, na mula sa paanan ng bundok, ay tanaw na agad ang cabin ng mga babae sa baba. Mga di gaanong katangkad na puno ang nagsilbing linya sa pagitan ng dalawang cabin at ilang metro ng lupa.

Napangiti na lamang siya nang makita niya si Samantha na kakalabas lang ng cabin nito. Nakita niya itong may kausap sa cellphone. Hindi niya masyadong makita ng malinaw ang ekspresyon sa mukha ng dalaga ngunit pansin niya na parang malungkot ito. That bothered Felix.

“Hoy!” Napalingon siya sa direksyon ng pinanggalingan ng boses. Sa ‘di kalayuan ay may nakita siyang dalawang lalaking nag-uusap, ang isa ay may hawak na dalawang tray habang ang isa naman ay nakatalikod sa kanya at tila pamilyar. “Cellphone naman ng cellphone, oh! Sino bang dahilan ng pag-volunteer namin dito?!” galit na sabi noong may hawak ng dalawang tray sa magkabilang kamay.

Binalik ni Felix ang tingin sa cabin nina Samantha. Nakita niya ang dalaga na bumuntong-hininga bago pumasok sa loob ng cabin nito. Maglalakad na sana siya pababa para puntahan ito nang marinig nyang may nagsalitang lalaki sa gilid niya.

Sa pamilyar na boses nito ay napakunot noo siya bago tuluyang lingunin ito. Agad siyang nainis nang tama ang hinila niya.

“Saan ka pupunta? Food’s here,” Samuelson said with his smug face, irritating Felix even more.

“What the fuck are you doing here?”

Samuelson took a glance at the logo of his shirt on his left chest then looked back at Felix. “I’m a volunteer.”

Felix rolled his eyes to the side, closed it shut, as he tries to calm himself down through breathing. But whatever he does, it didn’t work. Irritation is slowly eating him up.

“Samuelson, ano na?!” Parehong napalingon ang dalawa sa isa pang volunteer na sumigaw mula sa loob ng cabin ng mga lalaki. “Pinayagan na kitang makipag-usap sa girlfriend mo kanina! Magtrabaho ka na!”

Napakunot-noo si Felix sa narinig. “Girlfriend?”

Nilingon siya ni Samuelson at nakataas ang dalawang kilay at ngiting-ngiti pa. The sight irritated Felix more than he already is but he tried to keep it to himself. The first one to get pissed and show it, loses.

“Ah. Si Samantha.” He flinched at the name he wishes Samuelson didn’t mention. Samantha’s name called out by another guy just pisses the hell out of Felix. “Hindi ko pa naman girlfriend. Nanliligaw pa lang ako.”

“What?”

“Nagpaalam akong manligaw sa mga magulang ni Samantha. I have their permission so… I’m courting her.”

“And Samantha?”

Samuelson grinned. “I have her permission, too, of course.”

---

Felix was in such a foul mood when he queued with his classmates outside the cabin. Aakyat na sila papuntang camping site ng mga oras na iyon.

Makalipas ang ilang minuto ng paglalakad ay narating na rin nila ang camping site. Nakapila pa rin sila nang maglakad na papunta sa unahan ang mga officers at volunteers na magpapakilala sa kanila. Si Samuelson agad ang una niyang napansin, lumilingun-lingon sa paligid at tila may hinahanap.

He knows all too well who he is looking for. At nang tumigil sa partikular na direksyon ang paningin nito, ngumiti at kumindat, tiim bagang niyang sinundan ang tinitingnan nito.

Waiting To Hear You Say "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon