Chapter 05 --- Mango Cake Girl

64 3 0
                                    

Chapter 05

Mango Cake Girl

"Felix!"

"What the freaking hell?!" tumayo mula sa pagkakahiga si Felix at binuksan ang pinto ng kanyang kwarto. Basta basta namang pumasok ang kakambal niyang si Amethyst. Isinara ni Felix ang pinto at humarap sa kapatid niya. Naka-cross arms ito at masama ang tingin sa kanya.

"What?" painosenteng tanong nito.

"Wag mo kong ma-what what diyan ha! Who's that girl?!"

"I don't know."

"Why do I want to believe that you really don't know who's that girl?"

"Because I really don't know who she is. As simple as that." Naglakad si Felix papunta sa mini sofa ng kwarto nito at doon naupo.

"Then why are you going on the date with her?"

"Because. That's why."

Napapoker face na lamang si Amethyst. Mukhang walang balak makipag-usap sa kanya ng matino ang kanyang kakambal. Naramdaman naman ni Felix ang tingin sa kanya ng kakambal niya kaya napabuntong hininga ito.

"The truth is, she's the mango cake girl," panimula ni Felix.

"Mango cake?" Nag-isip naman si Amethyst. Pilit inaalala kung sino ang babaeng tinutukoy ng kakambal. "Ah! Yung babaeng pinaiyak mo on the first day! Haha. Feeling guilty?"

"No."

"Ha? Don't tell me you like her?"

"No!"

"Eh bakit ka nga makikipag date sa kanya?"

"Look, I don't feel guilty of what I did to her on the first day. I just told her the truth."

"What truth?"

"That she's ugly."

Amethyst face palmed. Sumasakit na ang ulo nito sa kakambal. Masyadong masakit ito magsalita. Hindi nito iniisip ang mararamdaman ng ibang tao. Akala pa nito, tama ang ginagawa niya.

"Then, dad slap me with some facts on that day. He told me something about being a man shouldn't make a girl cry. I don't quite remember what he told me."

"So, babawi ka sa ginawa mong pagpapaiyak sa kanya?"

"No," he answered bluntly. "She already slap me the next day. That makes us even."

Gusto pa sana nitong tanungin kung paano siya nasampal nito, but she let it slide. Hindi nanaman siguro iyon importante.

"The date is for a closure. You see, she hated me so much," sabi nito at kinuha ang psp niya na nakapatong sa mini table. Pagkatingin nito sa nakapatay na screen ng psp niya, nakita niya ang mukha ng babaeng pinaiyak nito. "And I saw her cry."

Nakita ni Felix ang sakit sa mga mata ng babaeng kanyang pinaiyak. Iyon ang unang beses na nakakita siya ng babaeng umiiyak dahil sa kanya. Madalas man siyang mag-reject ng babae, hindi na niya nakikita ang mga itong umiyak sa harap niya. Karamihan kasi sa babaeng nagtatapat sa kanya, ayaw na ang ipakita sa kanya ang pagluha nila. Yung iba ay tumatakbo palayo sa kanya, yung iba naman, nauuna na siyang umalis bago pa man umiyak ang mga ito.

"You made her cry on the first day," Amethyst said as if it is the most obvious thing in the world.

"Yeah. But I didn't saw it. I left her before I see it to myself."

Waiting To Hear You Say "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon