Chapter 10
Jealous
"Stop it, Amethyst!" singhal ni Felix sa kanyang kakambal.
"Eh, dali na! Hahaha," pabirong pakiusap naman ni Amethyst.
"I won't do it! Stop it already! Geez."
Pero mukhang walang balak tumigil si Amethyst sa pagtusok tusok nito sa tagiliran ni Felix.
Lunch break nila ngayon at katulad ng madalas nilang gawin, sabay silang kumakain sa canteen.
Tapos na silang kumain at itong si Amethyst ay ang kapatid ang napiling pagtripan. Kinukulit niya itong mag 'selfie' silang dalawa at pagkatapos ay magpaparamihan sila ng likes sa facebook. Ang matalo ay kailangang magbago ng relationship status, from single to in a relationship. At hindi lang iyon. Dapat ay may nakatag na tao sa status na iyon.
"Takot ka lang matalo eh. Hahahaha," paghahamon ng kakambal.
"I'm not, okay?" naiiritang sabi ni Felix. Tumigil naman si Amethyst sa ginagawa sa kakambal at umayos na ng upo.
"Edi hindi."
"Anyway, if you lose, who will be your boyfriend on facebook?" curious na tanong ni Felix sa kakambal.
Saglitang natahimik si Amethyst. "Oo nga, no? Hindi ko naisip yon."
Napa-facepalm naman si Felix sa narinig na sinabi ng kakambal. Pareho pala silang walang ma-i-i-tag na karelasyon nila kung sakali mang pumayag si Felix sa gusto nito.
Patuloy pa rin sa pag-iisip si Amethyst sa kung sino nga ba ang maaari niyang i-tag nang mapunta ang tingin niya sa bagong pasok lang sa canteen.
"Oh, si Samantha iyon 'di ba?" pagtatanong ni Amethyst. Napangisi siya nang makita niyang may kasamang lalaki ang dalaga. "Sino yung kasama niya?"
Binigyan niya ng makahulugang tingin si Felix. Pero hindi na iyon nakita ni Felix dahil masama na itong nakatingin sa direksyon kung na saan sina Samantha at ang kasama nito.
Nagpabalik balik ang tingin ni Amethyst. Tingin kay Felix, tingin kay Samantha, tingin kay Felix, tingin kay Samantha.
Hanggang sa nakaupo na ang dalawa, hindi pa rin nilulubayan ng tingin ni Felix si Samantha.
Napunta naman ang tingin ni Amethyst sa coke in can na hawak ni Felix nang marinig niya itong mapiyaot. Sa sobrang pagkakakuyom ng kamay ni Felix, napiyaot na nito ang hawak niyang coke in can.
Napatawa si Amethyst kaya napunta sa kanya ang tingin ng kakambal.
"What's so funny, Amethyst?" iritadong tanong ni Felix.
"You're jealous, aren't you?" natatawa pa ring tanong ni Amethyst.
"What? To that dude?" may inis pa ring tanong ni Felix at tinuro ang kasama ni Samantha. "No way! I'm way better than him. Geez. That Samantha have serious eye problem," dagdag pa nito at ininom ang coke niya. Doon lang niya napansin na napiyaot pala niya ito kaya binitawan na lamang niya ito.
Amethyst just shrugged and looked at the guy, Samantha is with. "Siya ba yung Romeo?"
"Yeah," walang kagana-ganang sagot ni Felix.
"In fairness, gwapo siya, ha? Matangkad, maputi, matangos na ilong, mapula at manipis na labi at hindi lang yon, ha? Singkit pa. Ang gwapo. Bagay sila ni Samantha."
"You need your eyes check, too. Why don't you and Samantha go to an opthalmologist?" inis na sabi ni Felix. "Wait.. Do you know that guy?"
Binalik ni Amethyst ang tingin niya sa kanyang kakambal. "Kilala ko lang sa pangalan. Siya kasi yung bukambibig ni Samantha nung sinamahan ko siya kahapon sa mall," she lied. Hindi naman talaga iyon ang pinag-usapan nila. Kung tutuusin, ang topic nila ay ang nangyari noong sabado.
BINABASA MO ANG
Waiting To Hear You Say "I Love You"
RomanceI'm PLANNING to revise the first season of this story (LFAC:HYM,TIY). I'm also PLANNING to revise this sequel. May mga chapters kasi that I find irrelevant to the story. Original plan din kasi ay 50 chaps lang pero naging 60 na. But if you're still...