Chapter 48 --- Man to Man Conversation

18 1 0
                                    

Chapter 48

Man to Man Conversation

The dinner surprisingly went well. Samuelson knows his way with words – how to politely dodge a personal or sensitive topic, how to put words lightly when he’s telling the truth but is an insulting or will trigger confusion to Samantha’s family, and how he carefully admitted that he likes her and that he has good intentions. He even confessed that she was the first girl he ever love. After confessing that though, if he read right, he thinks that he just somewhat earned their trust.

Nawala nga ang kaba ni Samantha at naging panatag pa dahil normal kung mag-usap ang lahat habang kumakain. She didn’t even noticed the time.

It was after dinner that Samantha started fidgeting. Inaya kasi agad ng kanyang ama si Samuelson na magsimula ng uminom. Dahil hindi na niya alam ang gagawin ay humingi na siya ng tulong sa ina.

“Caesar, mamaya na kayo umalis. Ipagluluto ko kayo ng pulutan.”

Her father willingly agreed. She took it as an opportunity and sat beside him.

“Pa,” she whispered. Nasa kabilang upuan lang kasi si Samuelson. She doesn’t want him to hear her.

“Bakit?”

“Baka naman po pwedeng dito na lang kayo sa bahay uminom? Kahit doon lang po sa harap-bahay, oh. Malamig din naman po doon eh.”

Napabuntong hininga si Caesar bago pumayag. Napangiti naman si Samantha. Tumayo na ang kanyang ama na sinundan lamang niya ng tingin. “Tara sa harap-bahay, hijo.”

Agad tumayo ang binata. “Sige po.”

Nilingon sya ng ama at ibinilin na isunod na lamang ang niluluto ng ina kung saan sila mag-iinom. Tumango naman bilang sagot si Samantha. Pagkatapos non ay nagsimula ng maglakad ang kanyang ama. Sumunod naman si Samuelson dito, smiling at her before completely going out of the house.

---

Napatigil sa pagkain sina Scarlet, Zayn, at Amethyst nang marinig ang sinabi ni Felix. Lahat sila ay nagulat at ngayon ay nagtataka kung tama ba sila ng narinig.

“Anong sinabi mo?” hindi makapaniwalang pagtatanong ni Amethyst sa kapatid. “Pinili mo si Samantha?”

Felix nodded without looking at his sister, still eating his dinner.

“I don’t get it. Why?” she asked again. Si Scarlet at Zayn naman ay nakikinig lamang sa kanila. “Akala ko ba gusto mo ng umiwas? Akala k–“

“I’ll be the one chasing Samantha this time,” Felix looked at her. Scarlet smiled upon seeing the determination in her son’s eyes while Amethyst can’t help but be dumbfounded with it. “And I won’t stop until I hear her say she loves me.”

---

“Anak, dalhin mo na to sa labas.” Agad tumayo si Samantha at lumapit sa ina pagkatapos ay kinuha ang mangkok ng chicken sisig na binudburan ng sili.

Kinakabahan man ay lumabas sya ng bahay dala ang pagkain. Nakita niya agad si Samuelson na nakangiting nakatingin sa kanyang ama – walang bahid ng kahit katiting na takot.

Tumikhim siya nang marating niya ang lamesa. Nilingon siya ng dalawa. Si Samuelson ang naunang ngumiti.

“Pulutan niyo raw sabi ni Mama.” Ipinatong niya ang mangkok sa lamesa pagkatapos ay nilingon ang ama. “Kailangan niyo po ng kalamansi at toyo, Pa?”

“Hindi na, anak. Pumasok ka na sa loob. Matulog ka na rin. Anong oras na.”

“Hihintayin ko na po kayong matapos na dalawa.”

Waiting To Hear You Say "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon