Chapter 14 --- Another Continuation

29 1 0
                                    

Chapter 14

Another Continuation

"Grabe. Talagang nagjeep pa tayo, eh kaya naman palang lakarin lang," sabi ni Amethyst kay Archie.

"Nakakatamad maglakad eh," kaswal na sagot ni Archie at naglakad papasok ng palengke.

"Next level katamaran nito aba," iiling iling na bulong ni Amethyst sa sarili at sumunod na lamang kay Archie.

"Akala ko ba ayaw mo sa matao? Eh mas matao kaya dito kaysa sa mall. At saka sa pagkakaalam ko, mas maingay pa dito," sabi ni Amethyst kay Archie.

"Mamamalengke lang tayo. Doon tayo sa apartment ko kakain."

Agad na napatigil sa paglalakad si Amethyst sa narinig niyang sinabi ng binata. "Sa...sa apartment niya? Ka-kami lang dalawa?"

Nang maramdaman ni Archie na wala na siyang kasabay maglakad ay nilingon niya si Amethyst. "Tara na. Magluluto pa tayo."

Kahit kinakabahan ay sumunod pa rin si Amethyst kay Archie. "OA ka lang mag-isip, Amethyst. Walang mangyayari," Amethyst assured herself.

"Anong gusto mong kainin?" pagtatanong ni Archie kay Amethyst habang tumitingin ito sa paligid.

"Kahit ano."

"Nakain ka ba ng omurice?"

"Maalam ka mag-omurice?"

Madalas magluto ang papa niya ng omurice tuwing umaga. Maliban kasi sa madali lang itong lutuin, mabubusog pa sila.

"Favorite ni mama yun eh. Kaya pinag-aralan ko. Ano? Yun na lang?"

Napangiti si Amethyst. Nakangiti kasi si Archie habang nagsasalita. "O sige."

Naglakad na si Archie papunta sa karnehan. Sumunod naman sa kanya si Amethyst. Hindi naman ganoon kalayo ang pinuntahan nila.

"Oh, tisoy! Wala ka bang klase?" bati sa kanya ng tindero. Nang makalapit na ng tuluyan si Amethyst ay sa kanya na napunta ang atensyon ng matanda. "Aba! May kasama kang babae! Kaya pala hindi na tuwid iyang mukha mo! Hahahaha. Girlfriend mo, tisoy?"

Biglang namula si Amethyst. Naramdaman niya ang pag-init ng mukha niya. Hindi tuloy ito nakapagsalita. Ito namang si Archie, magsasalita pa lang sana ay hindi na niya nagawa dahil nagsisisigaw na ang tindero ng karne na madalas niyang bilhan.

"Oy! Oy! Oy! May girlfriend na si tisoy, oh! Hahahaha," sigaw ng tindero habang tinuturo si Amethyst.

Lahat ng tindero at tindera sa gawi nila napatingin. Lalo tuloy nag-init ang mukha ni Amethyst. Habang si Archie naman ay saglitang nagulat sa ginawa ng tindero pero naging kalmado na rin itong muli maya-maya lamang. Pasalamat na lang talaga siya dahil patay na oras na. Ibigsabihin ay wala masyadong namimili. Sino nga ba ang pupunta sa palengke ng sobrang init naman panahon.

Iiling iling na pumili si Archie ng karne na para bang walang nangyari. Habang ang tindero naman ay inabala ang sarili na tanungin si Amethyst. Maging ang ibang tindero at tindera na malapit sa kanila ay nakisawsaw rin.

"Hija, anong pangalan mo?"

"A-Amethyst po."

"Ang puti mo naman! Nakakainggit!" sabi ng isang tindera na katabi lang ng tindahan ng binibilhan ni Archie ng karne.

"Sa-salamat po."

"Kailan pa naging kayo ni tisoy?"

"Na-naku, hi-hindi po kami."

"Ha?! Hindi pa?! Ano pa bang hinihintay mo? Sagutin mo na itong si tisoy!"

"Hi-hindi po siya nanliligaw."

Waiting To Hear You Say "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon