Chapter 17 --- Pissed Twins

28 2 0
                                    

Chapter 17

Pissed Twins

Hapon na ng umawas si Felix. Bago lumabas ng classroom ay sinuot ni Felix ang headphone niya na nakakabit na sa music player niya at nakinig sa kanta ng naka-full volume.

Habang naglalakad ito ay deretso lang ang tingin niya, walang pinapansin na kahit sinong bumabati sa kanya.

Naiinis pa rin ito dahil hindi na nga niya narinig ang gusto niyang marinig na sabihin ni Samantha, ay nagsorry pa ito sa paghalik nito sa kanya.

Inis niyang binuksan ang pinto ng kotse niya sa likod at doon nilagay ang bag niya. Sunod naman ay binuksan niya ang pinto ng driver's seat. Pagkasakay niya ng kanyang sasakyan ay bigla siyang nanigas sa kinakaupuan. May bigla kasi siyang naaninag na katabi niya mula sa kanyang peripheral vision. Dahan dahan niyang nilingon ang passenger's seat sa tabi niya at napahawak na lamang siya sa kanyang dibdib nang makita niya ang kakambal niya na deretsong nakaupo dito na para bang isang estatwa. Deretso din itong nakatingin sa harap kaya hindi niya agad napansin na kakambal lang niya iyon. Inalis niya ang headphone sa tenga niya nang medyo may pagkairita.

"Amethyst," pagtawag ni Felix habang kinakalma ang sarili. Hindi man nilingon ng kakambal ay sinabi pa rin nito ang gusto nitong sabihin. "Next time, just wait for me outside the car."

Bumuntong hininga si Amethyst at napalingon sa side ni Felix. Bahagya pa itong nagulat. "Oh? Kanina ka pa?" pagtatanong nito.

Napailing na lamang ang binata. Mukhang lutang ang isip ng dalaga kaya hindi man lang nito napansin na may katabi na siya.

He started the engine and drove off. Habang nasa biyahe sila ay tahimik lang si Amethyst, ganun din naman si Felix. Pareho pa silang nakakaramdam ng inis kaya punung puno ng itim na awra ang loob ng kotse ni Felix. Nang maabutan sila ng traffic, doon lang nagsalita si Felix.

"What's with the long face?" Felix asked without glancing at Amethyst. Kahit naman nagtanong ito, mukhang wala pa rin naman siyang pakialam kung ano man ang dahilan kung bakit iba ang mood ng kanyang kakambal. Iniisip rin kasi niya ang pagkainis niya kay Samantha.

"Ikaw? Bakit kunot noo kang nagda-drive? 'Di ba dapat masaya ka?"

Felix sighed and Amethyst sighed afterwards. "Si Archie kasi. Ang gulo niya."

"It's Samantha. She's confusing."

Nagkatinginan ang dalawa. They gave each other a knowing look. Maya-maya pa ay niyakap ni Amethyst ang kakambal.

"Feel kita, Felix! Damang dama ko!" mangiyak ngiyak na sabi ni Amethyst.

"I feel you too, sis." And Felix gave his twin a tap on the back.

Nang makarinig sila ng busina mula sa labas ay naghiwalay na sila mula sa pagkakayakap sa isa't isa at tumingin sa harap. Umuusad na pala ang traffic. Pinaandar na ni Felix ang kotse niya.

"What's wrong with the both of you?" pagtatanong ni Felix nang hindi hinihiwalay ang tingin mula sa harap.

"Eh kasi naman! Sabi niya takot daw siya na makuha ako ng ibang lalaki pero takot din daw siya na masolo niya ako. Parang gusto niya ako pero ayaw niya." Ibinaling ni Amethyst ang kanyang upo paharap kay Felix. "Ang gulo niya, 'di ba?"

Tumango na lamang si Felix.

"Eh kayo? Akala ko ba okay na? Nag-date pa nga kayo ah?" Umayos na ng upo si Amethyst at binaling ang tingin sa unahan. "Balita ko nga hinalikan ka pa niya sa pisngi eh."

"She said sorry for doing it."

Nilingon ni Amethyst ang kakambal. "Hala. Bakit daw?"

"I don't know, either." Tinigil ni Felix ang sasakyan dahil sa traffic. Nilingon naman niya ang kakambal at nakita itong nagtatakang nakatingin sa kanya. "Bakit ba ang komplikado niyong mga babae?"

Waiting To Hear You Say "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon