Chapter 51
Fair Chance or Not?
The first day camp was a roller coaster ride for Samantha because of Felix's actions that confused the hell out of her, but nonetheless, she's relieved that they both set things straight and got in good terms before the day ends. At night time, Samuelson came to her cabin and introduced his whole band to her. Turns out, the volunteers for their camp was the band members where Samuelson is involved. Nalaman din niya na nagvolunteer ang binata para makasama siya. At dahil kailangan pa ng ilan pang volunteer, iprinisinta na niya ang mga kabanda niya.
Iba-iba ang ugali ng mga kabanda nito pero hindi nawala ang kakulitan sa mga ito. Tawa siya nang tawa sa mga hirit ng mga ito kapag pinagtutulungang pagtripan si Samuelson. Panay rin ang tudyo ng mga ito sa kanilang dalawa na nakapagpainit naman ng kanyang mga pisngi dala ng hiya. Good thing Samuelson was there to shield her from all the embarrassment.
That was her whole first day camp.
And so, the next day came.
The volunteers were in charge of getting the ingredients for breakfast. Some of the ingredients was from the nature itself. Some were delivered to them. Bago pa man sumikat ang araw sa bundok ay ginising na ang lahat ng volunteers para ihanda ang mga rekados na kakailanganin ng mga estudyante. Samuelson was the most eager to start the day while the other volunteers was pulling their butts off their bed with their utmost effort.
It wasn't easy.
-
Napabalikwas ng bangon si Samantha sa tunog ng kalderong nahahampas ng sandok. "Gising na! Gawin niyo na ang mga gusto niyong gawin! Pagkatapos ng isang oras, aakyat na tayo!"
Napaungot si Samantha, biglang naalala ang pangalawang araw niya sa camping noong first year siya. Ganitung-ganito manggising ang propesor niya noon tuwing umaga. Ito ang isa sa mga kinainisan niya sa naturang propesor. "Hindi na lang manggising ng normal," naiiling na saad ni Samantha sa sarili.
Pinilit niya ang sarili na tumayo agad bago pa siya mapagdiskitahan ng propesor. Nilalapitan kasi nito ang mga ayaw agad bumangon para hampasin ang kaldero sa taas lang mismo ng tainga ng estudyante. Kinuha niya ang toiletries niya at agad pumunta sa CR para hindi na niya kailanganing pumila pa.
Nang matapos gawin ang morning rituals ay bumalik na sa cabin si Samantha, binalik ang mga gamit sa bag pagkatapos ay lumabas para pumila. Naupo na muna siya sa malaking bato habang naghihintay. Dahil walang magawa ay kinuha niya ang stick na nakita sa gilid at sinulat ang pangalan sa lupa. Habang nagsusulat ay may nakita siyang isang pares ng sapatos na tumigil sa harap niya. Pag-angat niya ng tingin ay pinigilan niya ang sariling makaramdam ng kahit na ano nang makita niya si Felix na nakatingin pabalik sa kanya nang may ngiti sa mga labi.
"U-Uy!" sana ay kaswal na sabi ni Samantha kung hindi lang sana siya nautal. Lalong napangiti si Felix.
"Good morning, Ate Sammy."
Tila may nag-switch on sa dibdib ni Samantha para makaramdam ng dagundong sa kanyang dibdib. Hindi siya sanay sa tawag ng binata sa kanya pero hindi na niya pwedeng bawiin ang pagpayag niya sa tawagang iyon. Kahit na ba tila magkaka-cardiac arrest na siya sa tuwing tatawagin siya nito ng Ate sa malambing nitong boses at nakangiting mga labi.
"G-Good morning din." Wag ka naman mabulol nang mabulol, Samantha! Napapikit siya sa lakas ng sigaw sa kanyang isip. Narindi siya.
"Hmm." Napamulat siya sa pag-hmm ng binata. Nakita niya itong bahagyang nakatingin sa itaas na maya maya'y tumingin sa kanya pabalik. "There's a "Kuya Felix" after that, right?"
BINABASA MO ANG
Waiting To Hear You Say "I Love You"
RomanceI'm PLANNING to revise the first season of this story (LFAC:HYM,TIY). I'm also PLANNING to revise this sequel. May mga chapters kasi that I find irrelevant to the story. Original plan din kasi ay 50 chaps lang pero naging 60 na. But if you're still...