Chapter 11
Deal? Deal.
"Don't you think they're too quiet tonight, babe?" pabulong na tanong ni Scarlet sa kanyang asawa habang nakatingin sa kanyang kambal na anak. Kasalukuyan silang kumakain ng dinner at pansin ng mag-asawa na masyadong tahimik ang dalawa at parang mga lantang gulay.
"Kaya nga eh," nag-aalalang pagsang-ayon ni Zayn.
"Well, do something."
Tumango si Zayn, umayos ng upo atsaka nagsimulang magsalita.
"Kamusta ang araw niyo?" pagtatanong ni Zayn, trying to sound normal.
"Fine," walang kagana ganang sagot ni Felix habang iniikot ang kanyang kutsara sa plato nito.
"Ayos lang po," walang kagana ganang sagot naman ni Amethyst habang inaalis ang green peas sa kanyang plato.
Tumingin si Zayn kay Scarlet at binigyan naman siya ng asawa ng isang tingin na nagsasabing subukan niyang muli. Tumango naman si Zayn at tumingin kay Felix.
"Felix, hindi man lang nabawasan ang pagkain mo?"
"I'm not hungry."
Huminga ng malalim si Zayn at tumingin naman kay Amethyst. "Eh ikaw, Amethyst? Ayaw mo ba ng niluto ko?"
"Busog pa po ako."
Muli napatingin si Zayn sa kanyang asawa. Mukhang walang balak makipag-usap sa kanila ang kanilang kambal.
Hinawakan ni Scarlet ang kamay ng asawa, assurance na okay lang kahit wala itong nagawa. "Let me try," pabulong na sabi ni Scarlet. Tumango naman ang asawa.
Padabog na nilapag ni Scarlet ang kanyang kubyertos pero hindi pa rin iyon pinansin ng kambal. Sa inis ay sinigawan na niya ang kanyang mga anak.
"Both of you will be grounded for three freaking months if none of you will tell us what's wrong!"
Lahat sila nagulat sa ginawang pagsigaw ni Scarlet. Lalo na ang kambal.
"What did I do? / Anong ginawa ko?" sabay na tanong ng kambal sa ina.
"We're trying to reach out to you, but you won't let us!" inis na sabi ni Scarlet. Hinawakan ni Zayn ang kamay ng asawa.
"Babe," pagtawag nito. Nang tumingin sa kanya si Scarlet, umiling ito. Pinapatigil niya ang asawa.
"What? It's true! Kung hindi tayo ang pagsasabihan ng problema, then sino? Tayo ang unang makakatulong sa kanila. For pete's sake, tayo ang magulang!" Nilingon ni Scarlet ang mga anak. "Well? Wala ba talagang magsasabi sa inyo ng problema? Waiting for me to make it six months?"
Nagkatinginan ang kambal. Mukhang seryoso ang kanilang ina. Napailing na lang si Zayn. Kung hindi nga naman madaan sa santong dasalan, idaan sa santong paspasan.
"Uhm.. ano po kasi.." paumpisa ni Amethyst.
"See? It worked," naka-smirk na bulong ni Scarlet sa asawa.
"Well, go on. We're listening," nakangiting sabi ni Scarlet.
"Nakita ko po kasi si Archie kanina..."
"Archie? Sinong Archie?" pagtatanong ni Zayn sa asawa.
"He's 'that' boy, babe," sagot naman ni Scarlet.
"Ah," sabi ni Zayn. Tanggap nanaman nito na nagkakagusto na ang kanyang mga anak. "Oh tapos? Nag-away ba kayo?" pagtatanong nito sa anak.
"Hindi po. Hindi nga po kami nagkausap eh," malungkot nitong sabi.
BINABASA MO ANG
Waiting To Hear You Say "I Love You"
RomanceI'm PLANNING to revise the first season of this story (LFAC:HYM,TIY). I'm also PLANNING to revise this sequel. May mga chapters kasi that I find irrelevant to the story. Original plan din kasi ay 50 chaps lang pero naging 60 na. But if you're still...