Chapter 56 --- Lost

30 1 0
                                    

Chapter 56

Lost

Hindi na tumuloy pa si Felix. Somehow, he felt as if he doesn't belong there. Samantha and Samuelson being happy with each other was so picturesque. Saan pa sya sisingit don? He'll only ruin the mood.

But instead of going back to their cabin, he wandered around. Nagpatuloy siya sa pag-akyat. He needs to think things through.

Masaya na ba sya sa iba?

That question kept bugging him.

Masaya na ba sya sa iba?

Fine.

Yes.

She is.

But what's eating him inside is the painful truth that she is happy but not with him.

Kung iisipin, kailan nga ba nya nagawang mapasaya si Samantha? All he did to her was to inflict pain at her sincere heart that she's so desperately wanted to give him before.

Pagkatapos, nagawa pa niyang piliin ang babaeng ginagamit lang sya all along.

The pain he's feeling? He deserves it. At okay lang 'yon sa kanya. Kasi tanggap niya.

But accepting the fact he needs to let go and give up Samantha to someone else is torture.

Okay lang masaktan pero sana piliin sya ni Samantha. Para worth it yung sakit. But does he even have that kind of privilege?

He looked up the sky. Nagsisimula ng dumilim. Ni hindi niya namalayang nananakit na pala ang mga binti at hita niya sa pagod. He sighed as he decided to take a rest.

After an hour or two, he'll go back.

But not now.

Pagod na talaga sya.

Pagod na pagod na.

-

Bago pa man tuluyang magdilim ay napagdesisyunan na nina Samantha na bumalik sa camping site nila. Para hindi sila abutin ng dilim sa daan.

Inalalayan siya ni Samuelson sa daan kahit kaya na niyang maglakad. She felt happy with his gesture so she didn't bother saying no to him.

Kulay kahel na ang kalangitan nang makabalik na sila sa camping site. Laking pagtataka na lamang nila nang pagdating nila doon ay aligaga ang mga estudyante, lahat ay nagkalat at tila may hinahanap.

Patakbong lumapit ang propesor na kasama nila sa ilog papunta sa isa pang propesor na naiwan sa camping site.

Sila naman ay nakibalita sa mga estudyante na malapit sa kanila.

"Anong nangyayari?" She asked a first year student.

"Si Kuya Felix daw po, nawawala."

Nanlaki ang mga mata ni Samantha sa gulat, takot, at pag-aalala. Bigla siyang nataranta.

"Paanong nawawala?"

Napatingin sa kanya si Samuelson, felt a sting when he heard the worry in her voice.

"Hindi po namin alam, eh."

"Hindi ba siya umattend sa seminar nyo kanina?"

"He was there," answered Samuelson, wanting to divert her attention to him. A subtle hint to remind her he's there. "Nakita ko siya kanina bago ako sumunod sa inyo sa may ilog."

Then he suddenly thought of something after what he heard himself say.

"Alam niya na susunod ako sa inyo," Samuelson said, putting his memories together and decoding something that could've happened. "Baka sumunod din siya."

Waiting To Hear You Say "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon