Chapter 31
Making Up
Hindi mapakali si Samantha kakahintay sa oras. Ilang minuto na lang ay aawas na siya. She's excited and nervous both at the same time. Panay ang tingin niya sa wall clock ng classroom nila.
Nang magpaawas na ang kanilang guro, tumayo agad si Samantha at lumabas ng classroom nila habang bitbit-bitbit ang kanyang bag.
Diretso lamang ang tingin niya at patakbo na sanang pupunta sa may hagdan nang may pamilyar na boses ang tumawag sa kanya mula sa likod. Hinarap nya iyon at nakita niya si Felix na pinapalibutan ng mga babae niyang kaklase. Pati ang mga kaklase nya ay nakatingin sa kanya na may kasamang pagtataka. Naglakad si Felix papalapit sa kanya. Hindi nito alam kung ano ba ang nararamdaman ng binata dahil hindi nya mabasa ang ekspresyon nito. Pero kahit ganun pa man ay naglakas loob siyang lapitan ito ng nakangiti at agad na binati. "Sorry ah. Kanina ka pa ba dyan?"
"No. I just came here."
"Ang cold niya," she thought. But that didn't bring her down.
"You didn't even notice me," dagdag pa ng binata. Halata sa tono ng boses nito ang pagtatampo. Hindi naman niya kasalanan na hindi niya ito agad napansin paglabas niya. Napapalibutan siya ng mga kaklase niya kaya natakpan siya. Though Felix was tall, it's hard for her to notice him because her mind was already set of going to Felix, not him going, rather waiting, for her.
"Sorry." Wow. Palpak ka agad, Sam. Ayos yan.
"Forget it. Let's just go. I'm hungry."
"O-Osige!" She happily said.
Felix walked towards the parking lot near the school but still hidden. It's where he hids his car. Dahil nahihiya si Samantha sa nagawa nyang hindi pagpansin sa binata kanina, kahit hindi naman talaga nya sinasadya, hindi ito nagsasalita at tahimik lang na nakasunod dito. Nagulat na lamang ito nang makita nya si Felix na buksan ang isang sasakyan na magara kung titingnan. Binuksan nito ang pinto sa may passenger seat. "Hop in."
"H-Ha?"
"Sakay," he translated.
"T-teka. Okay lang ba? Kanino tong sasakyan?"
"Sino ka ba, ha?! Panigurado namang mahirap ka lang din katulad namin!"
Doon lang naisip ni Felix ang lahat. Na hindi alam ni Samantha na mayaman sila. Bigla naman nitong naalala ang sinabi ng dalaga noong pangalawang beses nya itong makilala. Oh, right. She thinks I'm poor.
"I... I borrowed it." This is the first and last lie I'll tell her, he promised to himself.
No one should ever feel happy telling a lie. Even if it's just a white lie. Not even Felix is an exception. But is he to blame if Samantha's smile just now made him smile too?
Hindi nawala ang ngiti sa labi ng dalawa hanggang sa magsimulang mag-drive si Felix.
Samantha is really looking forward to lunch. Kahit sya ang nag-aya, mukhang si Felix ang may nakahandang plano.
"I have a class later. It's 2 PM, so we can't be gone for too long. I picked a place near our school. I hope you don't mind," walang lingun-lingong sabi ni Felix. Since he was looking straight ahead, Samantha was forced to talk instead of nodding, despite the unknown thing stuck in her throat.
"O-Okay lang."
She wished she didn't stutter. Kahit kasi tahimik sa loob ng sasakyan at mahina ang boses nya, rinig na rinig ang pagkakautal nya. But it's Felix she's talking. Hindi maiiwasang hindi mautal.
BINABASA MO ANG
Waiting To Hear You Say "I Love You"
RomanceI'm PLANNING to revise the first season of this story (LFAC:HYM,TIY). I'm also PLANNING to revise this sequel. May mga chapters kasi that I find irrelevant to the story. Original plan din kasi ay 50 chaps lang pero naging 60 na. But if you're still...