Chapter 13 --- Continuation

27 2 0
                                    

Chapter 13

Continuation

"Let's just do what we should've done," seryosong sabi ni Felix habang nakatingin kay Samantha.

Napalitan ng pagtataka ang ekspresyon ni Samantha. "Ha?"

"Let's have a date today."

"Pff. Sige. Pero libre mo ha? Wala akong pera."

"Of course."

---

Nawala ang ngiti sa labi ni Amethyst nang may maalala siya. Agad niyang kinuha ang cellphone sa bag at tadtad na siya ng missed calls galing kay Felix at text naman galing kay Samantha.

Nakita ni Archie na mukhang troubled ang mukha ni Amethyst kaya nakaramdam ito ng pag-aalala sa dalaga. "May nangyari ba?"

Tumingin si Amethyst kay Archie. "May three hours vacant tayo 'di ba?"

Tumango ang binata. "Samahan mo ko sa mall. May kailangan akong gawin."

"Ha?" Hinawakan ni Amethyst ang kamay ni Archie at basta basta na lamang itong hinila. "Teka, yung bag ko."

Binitawan ni Amethyst ang kamay ni Archie kaya nakabalik ang binata sa loob ng classroom nila at kinuha nito ang bag niya. Pagkalabas niya ng classroom nila ay hinawakan niya ang kamay ni Amethyst at nagsimula na silang maglakad papunta sa pinakamalapit na mall mula sa eskwelahan nila.

Habang naglalakad sila ay nakatingin lang si Amethyst sa kamay nilang magkahawak. Napangiti na lamang ito at ginantihan ng paghawak kamay si Archie.

Nang marating nila ang mall ay tinawagan niya si Samantha.

Pero nung mga oras na iyon ay nasa CR si Samantha at nag-aayos ng sarili. At dahil na kay Felix ang cellphone ng dalaga, siya ang nakasagot ng tawag.

"Sam, sorry! Nahuli kasi ako ng professor ko na nagtetext sa klase kaya ayun, kinausap pa ako! Asan ka?"

"We're at the mall, Amethyst."

"FELIX?!"

Agad na nailayo ni Felix ang cellphone sa tainga nang sumigaw ang kanyang kakambal. Maya maya'y itinapat niyang muli ang cellphone sa tainga niya. "Yeah, Amethyst. It's me. Your plan was a success. We're together at the mall."

"Hahaha. Sorry na! Pero hoy, may balak naman akong sumunod sa inyo. Kaso nawala sa isip ko. May nangyari nga kasi."

"Let me guess. You got the chance to talk with your Archie?"

"Waaah!---" Nailayo muli ni Felix ang cellphone sa tainga pero hindi ganoon kalayo kasi rinig pa rin niya ang kapatid. "---PAANO MO NALAMAN?!"

"Will you stop shouting?! Geez."

"Ay. Sorry! Hahaha." Kakasabi lang na huwag sumigaw pero sumigaw muli ang dalaga. Napakakulit talaga nito. Napailing na lamang si Felix. "Eh teka. Paano mo nga kasi nalaman?"

"Because you're surprisingly happy, sis. Despite what happened yesterday."

"Ganun? Eh paano kung may ibang dahilan kaya pala ako masaya?"

"That's impossible. Your happiness is different."

"Hihihi." Halata namang kinikilig ito. "May maganda kasing nangyari eh."

Buti na lamang at medyo malayo si Archie mula kay Amethyst kaya hindi niya ito naririnig. Naglalakad na kasi ang dalawa papasok sa mall at nangunguna si Archie habang nakasunod lang si Amethyst.

"So magkasama na kayo? Asan kayo?"

"She's in the comfort room."

"Ah. Tapos na kayo kumain?"

Waiting To Hear You Say "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon