Chapter 02 --- A Little Advice From The Parents

85 2 0
                                    

Chapter 02

A Little Advice From The Parents

"Bakit dito tayo maglalunch?" Agad na tanong ni Amethyst sa kakambal nang magkita sila sa mall.

"Nakakasawa ang pagkain sa canteen," Felix answered, bluntly.

"Okay. Pero sa chowking tayo, ha? Gusto kong mag chao fan," sabi ni Amethyst na sinang-ayunan na lamang ni Felix. Habang kumakain ay kinamusta ni Amethyst ang kakambal. Lagi namang kibit balikat ang sagot sa kanya nito.

"May buhay ka pa ba, Felix? Para kasing wala na."

"What does that supposed to mean?"

"Wala kang kaibigan. Wala ding nililigawan. Wala kang kahit anong ginagawa pag nasa bahay ka, at ganon ka din kapag nasa school tayo. Naaawa na ako sa'yo," iiling iling na paliwanag ni Amethyst. Nagkibit balikat na lamang si Felix.

Wala namang pakialam si Felix kung wala siyang kaibigan o girlfriend. Mas masaya naman kasi siya ng siya lang mag-isa. Walang stress.

"If it's because of her, forget it. She's not worth it," biglang nasabi ni Amethyst.

"Don't start, Amethyst." It was obviously a demand plus the threatening tone.

"What? Nagsasabi lang ako ng totoo. Get a life, Felix. Seriously. Get over her. She's just a friend, remember?"

"I said, don't start, Amethyst," sabi ni Felix habang matamang nakatingin kay Amethyst. Inismiran lamang siya ng kanyang kakambal. "For the record, she's a friend that I eventually fell in love with," pagtatama ni Felix nang ipagpatuloy nya ang kanyang pagkain.

"See? It is because of her," sabi ni Amethyst na para bang nanalo siya sa isang debate. "Correction, brother, siya ang babaeng minahal mo na nagpakatanga sa kaibigan mo. Ginamit ka nga lang niya e. You're just stupid not to realize that. Deep inside that quiet girl is a flirt and bitchy trait that you failed to see because of a stupid thing called love."

"That's deep," iiling iling na pahayag ni Felix, totally disregarding what his twin sister just said. "Tahimik at mabait talaga si Queenie. Nagbago lang siya."

"Change? If that's change, then that's the most stupid change she made out of herself."

"Tss. Let's just stop talking about her. Anyway, I'm done eating."

"Ako din. Nawalan na ako ng gana." Tiningnan ni Amethyst ang relos niya. "May kalahating oras ka pa. May balak ka bang puntahan?"

"Nothing in my mind. How about you?"

"Arcade!" masiglang sabi ni Amethyst.

"Let's go then."

"Teka, paano ka? Ako, mahaba pa vacant ko. Eh ikaw?"

"It's okay. I brought my car."

"Nagkotse ka pa papunta sa mall na five minutes drive lang ata ang layo mula sa school?" hindi makapaniwalang saad ni Amethyst.

"Cars are made for that. Geez. Don't make it sound as if I made a huge mistake." hinila na ni Felix ang kakambal bago pa ito magsalita at magsabi ng kung anu-ano.

Naglaro ang kambal sa arcade katulad ng gusto ni Amethyst. Fifteen minutes before one o'clock, umalis na ang dalawa at bumalik na sa university nila. Kahit mahaba pa ang vacant time ni Amethyst ay bumalik na lamang ito sa classroom nila kanina. Naabutan niyang nakaupo si Archie sa dulo at nakatingin lang sa bintana. Nakatalikod ito sa kanya, pati na rin ang upuan nito. Naka indian sit pa si Archie at kumakain ng tinapay.

Waiting To Hear You Say "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon