Simula

1.8K 29 0
                                    

Malakas ang bawat patak ng ulan na dumadampi sa aking balat. Malamig na hangin ang yumayapos at humahagkan sa akin nang maramdaman ang mainit na likidong tumulo sa aking mga mata. Nakaupo ako ngayon sa harapan ng puntod ng aking mga magulang. Wala akong magawa kundi ibuhos lahat ng sama ng loob ko at lahat ng aking luha.

"Bakit kailangan niyo kaming iwan ni Drew?" sambit ko

"Paano na kami? Paano namin haharapin ang mga susunod na araw kung wala na kayo? Paano kami mabubuhay?" patuloy kong tanong sa lapida na nasa harapan ko.

Patuloy ako sa pag iyak nang may lumitaw na panyo sa harapan ko. Tumingala ako at nakita ko ang isang magkasintahan.

Maganda ang babae. May balingkinitan itong pangangatawan at kulay porselana ang balat. Matangos ang ilong at bilugan ang mga mata.

Samantala tila may kakaiba sa lalaking kasama nito. Itim na itim ang mata nito ngunit wala kang mababakas na emosyon mula dito. May mapula itong labi at matangos din ang ilong. Kayumanggi ang kulay nito at may magandang pangangatawan.

"Panyo?" alok ng babae sa akin habang nakangiti

"Salamat" pagtanggap ko

"Ava, and this is Knight, my boyfriend. Pasensya ka na ha. Gusto ko lang sabihin sa iyo na malalampasan mo rin ang pinagdadaanan mo. Sabi nga nila 'kapag may umaalis ay may dumadating'" nakangiti nitong sabi

"Salamat" tanging sagot ko

"Ava, let's go" sabi nung Knight. Nagkatinginan kami. Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang tumambol ang puso ko at sa bawat tingin niya ay nanghihina ang tuhod ko.

"Sige, mauna na kami" paalam ni Ava

Nagsimula silang maglakad palayo sa akin pero napigil ko ang paghinga ko nang muli akong lingunin ng lalaki. Binigyan ako nito nang isang matalim na tingin bago muling nagpatuloy sa paglalakad at hawakan ang kamay ni Ava.

"Ms. Delancey umuwi na po tayo at lalong lumalakas ang ulan" tawag ni Manang Susan.

Tumayo ako at pumasok sa sasakyan. Agad akong nilapitan nang nakababata kong kapatid.

"Are you crying ate?" tanong nito

"No baby. It's just because of the raindrops"

"Ate, where are we going now?"

"We're going home" sagot ko at tumulong muli ang aking luha cause I know that our house will never be our home.

Ginising ako ni Manang Susan pagdating sa bahay namin. Binuhat ko si Drew papasok nang bahay at inilagay sa kwarto niya. Mahimbing itong natutulog . Hinalikan ko siya sa noo at tumungo sa kwarto ko. Bumaba ako sa sala at doon natagpuan ang abogado nang aming pamilya.

"Good evening Ms. Devans" bati nito sa akin.

"Good evening din Mr. Santos. Ano pong dahilan at napunta kayo rito?"

"I just want to tell you something"

"What is it?" sabi ko at naupong katapat nito.

"Alam ko pong kamamatay lang ng parents ninyo at nang malaman ito ng mga taong pinagkakautangan nila ay agad silang nag panic at natakot na hndi sila mabayaran"

"What? May utang sila Mom and Dad?" hindi ko makapaniwalang tanong dito

"I'm sorry to tell you pero yun ang dahilan kung bakit sila pabalik sa Thailand. They are planning to sell your company but unfortunately they encountered a plane crash. Halos lahat ng bangko ay nahiraman nila dito sa Pilipinas ganun din ang mga kilalang tao" pagpapaliwanag nito

Hacienderos #1: Ai Lai GuoWhere stories live. Discover now