Chapter 13

572 21 1
                                    

Inaantok pa ako pero hindi ko mapigilang mapakunot ang noo ko nang maramdaman na may makati sa tenga ko.

Kinamot ko iyon habang nakapikit pero ilang sandali pa ay muli ko na namang naramdaman iyon. Inis akong napakamot muli sa parteng nakikiliti.

Napadilat ako ng mata nang marinig na may mahinang humahagikgik malapit sa aking tenga.

I know that voice!

I looked at my back at tama nga ako. It was the voice of my brother.

"Morning ate" nakangiti nitong sabi habang buhat buhat siya ni Knight na ngayon ay nakangiti din sa akin.

Lumapad agad ang ngiti ko nang makita ang kapatid ko. He motioned that he wants to go with me kaya naman naupo ako at ibinigay siya sa akin ni Knight.

"Good morning" nakangiti nitong bati sa akin.

"Thank you" sabi ko dito bago ko pagtuunan ng pansin ang kapatid ko.

"Kuya Knight said we will go out and play today po" excited nitong sabi. Napatingin ako kay Knight.

"We haven't spend time together. I think it's a good idea to go outside since maganda ang panahon" sagot agad nito kahit wala pa naman akong tinatanong.

I just smiled at him before I looked at my brother.

"Did you take your meds ba muna? Hindi tayo aalis if di ka mag d drink nun"

"Yes ate. I drink na. Kuya Knight helped me to drink it" proud na sabi ni Drew.

Umupo si Knight sa tabi ko. Nakatukod ang kamay niya sa kama. Ipinatong niya ang baba niya sa aking balikat.

I looked at him because of his gestures. Napakalapit ng mukha niya sa akin kaya tanaw na tanaw ko ang napakakinis niyang mukha. Wala atang pores ang lalaking ito. Napakatangos din ng ilong niya. Makapal ang mga kilay for sure na kaiingitan mo ang kilay na meron siya. Mahaba din ang mga pilikmata niya sapat para idepina ang maganda niyang mga mata na tila nanghihipnotismo kapag tinitigan mo at huli ay ang mapula at manipis niyang mga labi.

Napatitig ako sa kanyang mga labi at muling bumalik ang alaala ko nang unang beses na nahalikan niya ako.

His lips are soft and sweet.

"Good boy nga tong si Drew kanina eh ang bilis kausap" pang uuto nito sa kapatid ko.

Napangiti ako sa pagbabalik tanaw ko sa nakaraan namin.

"See told you ate. I did great kanina" pangungumbinsi nito sa akin.

Biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang lingunin ako ni Knight kaya nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Napalunok ako at alanganing napangiti kay Drew.

"Good job then baby. Sige na mag aasikaso na si ate para makaalis tayo" pagdadahilan ko para mawala ang presensya ni Knight sa tabi ko dahil habang tumatagal ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Naramdaman ko ang mainit na hininga ni Knight sa aking tenga pero hindi ko siya magawang lingunin.

"You can stare at me all day you want just tell me" mahina ngunit mapang akit nitong sabi bago kunin si Drew sa akin at kargahin ito.

Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi niya. He is smiling from ear to ear.

Tignan mo to nakahanap na naman nang ipang aasar sa akin!

"In your dreams" padabog akong tumayo at nagmamadaling pumasok sa banyo. Napasandal ako sa pintuan nang maisara ko ito. Mahina kong pinalo ang ulo ko.

"Ikaw aga aga kung ano ano ang inaalala mo. Tingin ka pa ng tingin. Oo gwapo ang asawa mo pero wag mo namang ipahalatang nag gwapuhan ka sa kanya" sermon ko sa aking sarili. Napangiti ako nang maalala ang tawag ko sa kanya "asawa".

Hacienderos #1: Ai Lai GuoWhere stories live. Discover now