Mabilis kong naramdaman ang pagkakatanggal ng piring sa aking mga mata. Hindi agad naging malinaw sa akin ang taong nasa harapan ko dahil sa matagal na pagkakapiring at dahil na rin sa pag iyak.
"Gag*! Ang sabi ko sunduin niyo hindi kidnapin" inis na sabi ng lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Para may thrill naman. Exciting, see edi nalaman natin na hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang Knight in shining armor ng isang Delancey Devans" nakilala ko ang boses ni Tristan pero hindi ko siya nilingon.
"Eto kasing si Lance daming alam eh umiyak pa tuloy ang bebe ni Knight" sabi ni Adam.
"Tangin* niyo talaga kahit kailan! Tinakot at pinaiyak niyo pa" iritadong sabi ni Knight pero mahihinang tawa ang sagot sa kanya ng mga kaibigan.
Pero kahit malabo ang mukha ng taong nasa harapan ko ay hinding hindi ko makakalimutan ang hubog at pigura ng kanyang mukha at pangangatawan.
Walang mapaglagyan ang kabang nararamdaman ko. Lumambot ang tuhod ko nang makita ang mukha nang lalaking matagal ko nang hinihintay.
"Are you hurt baby?" ito ang bungad niya sa akin. Nang marinig ang boses niya ay tuluyang dumaloy ang mga luha ko.
Inangat ko ang aking kamay at kahit nanghihina ay pinadapo ko ito sa kanyang pisngi. Bakas ang gulat sa mukha ni Knight nang lumapat ang palad ko sa pisngi niya.
"Ohhhhh" sabay sabay na reaksyon ng mga Hacienderos.
Sunod sunod ang hikbing ginawa ko dahil hindi ko alam kung dahil ba sa sakit ng pagkakawala niya ng ilang taon o sa sayang nasa harapan ko siya ang nararamdaman ko ngayon.
Bumaba ang kamay ko sa dibdib niya. Mahihinang suntok ang pinadapo ko dito.
"Hi-hi-hinintay ki-kita... Na-na-nawala k-ka l-lang bi-bigla. I-iniwan mo ko. Pinaasa m-mo a-ako. Ang ta-tagal k-kong na-naghintay s-sayo" humihikbi kong sabi sa kanya habang hinahampas ang dibdib niya.
"Baby ko" sabi nito at hinawakan ang palapulsuhan ko para pigilan ako sa ginagawa. Hindi ko na kayang tiisin si Knight ang tagal tagal kong hinintay ang pagkakataong ito.
Agad kong ipinulupot ang mga braso ko sa kanyang leeg at sa balikat niya ako umiyak nang umiyak. Paulit ulit niyang hinagod ang aking likuran para patahanin ako.
"I freaking miss you everyday Knight. Walang araw na hindi kita naisip. Bawat araw mukha mo ang tumatakbo sa isipan ko. Ikaw mula paggising hanggang sa pagtulog" iyak ko sa kanyang mga balikat.
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ni Knight at ang paglapat ng kanyang mga labi sa aking balikat."I miss you more everyday baby. It's like a torture seeing you but not able to touch you. To watch you but not able to kiss nor hug you. Seeing you was my happiness" sabi nito sa akin.
"What do you mean?" takang tanong ko dito. Mahinang tumawa si Knight.
"I live next to yours baby" nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at humiwalay sa kanya. Malaki ang ngiting nasa mga labi niya nang makita ang gulat kong reaksyon.
Lumapat ang kanyang palad sa aking pisngi at pinunasan ang mga luha na dumadaloy dito.
"I'm living beside your Tito Arthur's mansion. I am that man who lives next door to you. Yung palagi mong pinapadalhan kay Nana ng spaghetti at lumpia kapag may special occassion sa inyo. Ang palaging kalaro ni Drew. Ako ang tutor ni Drew. Ang palaging nagpapadala ng bulaklak sa office mo. Ang palaging sumisilip sa balcony para makita ka lang. Ang first ever customer mo nang ilabas mo ang mga designs mo. I just can't reveal myself to you baby dahil yun ang pinangako ko sayo, sa parents mo, sa parents ko, at kay Tito Arthur. I will let you achieve your dreams first before I will achieve my dream and that is you baby, you are my dream and now I am ready to get you" mahigpit ang hawak ni Knight sa kamay ko na tila ba ayaw niya na akong pakawalan.