Nakarating kami sa tinutuluyan nila Drew. Si Knight ang nagbuhat kay Drew papasok sa loob ng bahay. Nilapag niya ito sa kama at hinalikan niya ito sa noo. Napangiti ako nang makitang may ngiti ding umukit sa labi nito.
Naitikom ko ang aking bibig nang biglang lumingon sa akin si Knight.
"What?" masungit nitong tanong sa akin
"W-wala" sabi ko at nilagpasan siya at nilapitan ang aking kapatid. Inayos ko ang kumot nito at hinaplos ang kanyang buhok at pisngi.
"Bye, bye my baby Drew" at binigyan ito ng halik sa kanyang noo. Pagkalabas namin ng pinto ay nakaabang na agad si Manang sa amin.
"Good evening po Manang" magalang na sabi ni Knight. Ngumiti naman ito sa lalaki bago lumapit sa akin.
"Sigurado akong nag enjoy si Drew ngayong araw dahil nakasama ka niya. Araw araw kang nam miss ng kapatid mo Delancey" mapait akong napangiti sa sinabi nito.
"Mukha nga po. Ang bilis pong nakatulog ngayon eh" napansin ko ang palipat lipat na pagtingin sa akin ni Manang at kay Knight. Hindi ko pa nga pala ito pormal na napapakilala kay Manang.
"Manang si Knight nga po pala ang......" napatingin ako kay Knight. Hindi ko kasi alam kung paano ko nga ba siya ia address.
"Ang asawa niya po" nagulat ako nang si Knight na mismo ang tumapos sa aking pagpapakilala.
"Napakagwapo pala nitong napangasawa mo iha" puri ni Manang.
Tinignan ako ni Knight at nag angat ng kilay sa akin na tila nasatisfy siya sa narinig mula kay Manang.
"Manang, mauna na po kami. Kayo na po ang bahala kay Drew"
"Sige mag ingat kayo" hinatid kami ni Manang hanggang sa pintuan "Delancey, paano nga pala kita maabisuhan kung may mangyari kay Drew o kapag matigas na naman ang ulo at ayaw uminom ng gamot?"
Paano nga ba? Wala naman akong cellphone....
Bago pa man ako makasagot ay may inabot na si Knight na parang calling card kay Manang.
"Number ko po yan. Ako na lang po ang tawagan or itext niyo kapag may problema kay Drew"
"Ay sige hijo. Salamat ha. Alagaan mo tong alaga ko ha medyo pasaway yan pero napakabuti ng puso niyan" isang magandang ngiti ang ibinigay ko kay Manang dahil sa sinabi nito.
Lumapit ako dito at binigyan siya nang isang mahigpit na yakap.
"Mauuna na po kami Manang" paalam ko dito
"Mag iingat kayo"
Pagkapasok sa sasakyan ay muli kaming bumalik sa dating senaryo. Hindi na ako nito muling kinibo.
Back to old scenario, I am his slave again.
Nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang biglang magtanong si Knight.
"Anong gamot ang iniinom ni Drew?"
"Ah, may congenital disease kasi si Drew simula pagkabata"
"Kaya pala ganun na lang ang pag aalala mo kanina"
"Oo naman. Dalawa na lang kami. Hindi ko na kakayanin kung pati siya ay mawala" malungkot kong pahayag.
Muling tumahimik matapos nang sinabi ko. Mukhang makakauwi kami sa bahay nang walang kibuan.
Ganun nga ang nangyari pagkaparada ng sasakyan ay hindi na ako nilingon ni Knight. Dire diretso itong pumasok sa loob ng bahay. Napabuntong hininga ako bago pumasok at nagpahinga na din dahil sobrang napagod din talaga ako ngayong araw.
Nanunuod ako ngayon ng tv sa sala. Mag iisang linggo na rin simula nang huli kong makita si Drew. Ilang araw ko na ring hindi nakikita si Knight dahil hindi siya umuuwi.
Asan na kaya yun? Di kaya kasama niya si Ava? Teka nga bakit ba siya ang iniisip ko. Erase erase!
Nasa alapaap pa ang isip ko nang may lumipad na throw pillow sa akin.
"Aray" daing ko. Tiningnan ko kung saan nanggaling ang unan at nakita ko si Knight na nakatayo sa pintuan.
"Problema mo?" naiirita kong tanong dito
"Nagugutom ako" sabi niya bago ako talikuran at umakyat sa kwarto niya
Padabog akong tumayo at tumungo sa kusina.
"Kung gutom ka sabihin mo nang maayos hindi yung nananakit ka" reklamo ko sa hangin pero bumagal ang paglalakad ko nang matanaw ang nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
May kahon at may note na nakasulat.
Slave,
Miss ka na daw ni Drew. Tawagan mo agad dahil nangako akong tatawag ka ngayon at magluto ka ng masarap na pagkainLumapad ang ngiti sa labi ko at excited na binuksan ang kahon. Kinuha ko ang cellphone at hinalikan iyon. In-on ko ang cellphone at agad na pumunta sa contacts.
Dadalawang number lang ang nandun. Isa kay Drew at ang isa ay may pangalang Master, for sure kay Knight tong number na to.
Dinial ko agad ang number ni Drew.
"Ateeeee" sigaw ni Drew pagkasagot sa tawag ko.
"Hi baby"
"Yehey! Kuya Knight keep his promise."
"Dyan ba siya galing?" tanong ko
"Yes ate. Dito siya natulog po para bantayan po ako" natuwa ako sa sinabi nito.
Eh bat di ako sinama? Dun din naman pala siya pupunta?
Isang oras mahigit din kaming nag usap ni Drew. Ang dami niyang kwento lalo na ng mga ginawa nila ni Knight nang magkasama sila. Nang matapos ang pag uusap namin ni Drew ay pinaghanda ko na nang makakain si Knight.
Kumatok ako sa kwarto niya before I open his door. Pagkabukas ko ng pintuan ay nakita ko siyang nakahiga sa kama niya.
Dumako ang tingin niya sa akin."Ayoko nang kumain" napanganga ako sa sinabi nito dahil nag effort pa akong ipagluto siya sabay di na siya kakain.
"Why? Nag effort ako dito oh! Sayang naman"
"Mamaya nilagyan mo pa yan ng gayuma"
Pagak akong natawa sa sinabi nito."Wow ha ang gwapo mo naman po pala para gawin ko sayo yun" mapang asar akong tumawa sa kanya.
"I know hindi mo na kailangang sabihin" confident nitong sabi at bumangon. Naglakad siya at huminto sa harapan ko. Hinawakan niya ang tray na hawak ko. Hinila ko naman yun.
"Akala ko ba ayaw mo nang kumain?"
"I changed my mind" tipid nitong sabi at hinila ang tray.
"Touch move! Walang bawian. Ako na lang ang kakain nito" at binawi ulit ang tray.
"Isa! Akin yan eh! Magluto ka nang sayo" napanguso ito at nakita ko kung paano ito lumunok habang nakatitig sa pagkain ko. Halata sa mukha nitong natatakam siya sa niluto ko.
"Sige na nga. Pa thank you na din dahil inaalagaan mo ang kapatid ko" inirapan ko siya bago inabot sa kanya ang tray. Tinanggap naman nito ang tray. Palabas na ako nang magsalita siya.
"Three days from now start na ng klase kaya mag ready ka na and one more thing no one should know about our set up! Kapag nasa school act like you don't know me. Understand?"
"Yes po master" nginitian ko siya at sumaludo sa kanya bago isinara ang pintuan.
Hmp! Akala mo kung sino! Bakit sino bang nagsabing gusto kong ma link sayo! Napaka feeling talaga! Pasalamat ka naging mabait ka sa kapatid ko ngayong araw kaya sige pagbibigyan kita ............