Hindi naging madali ang mga una naming pagsasama ni Delancey. I always hurt her with my words. Ilang beses siyang umiyak nang dahil sa mga sinabi at ginawa ko sa kanya at sa tuwing nangyayari yun ay mas dobleng inis ang nararamdaman ko sa sarili ko.
I shouldn't feel this way towards her. Mali ito kaya palagi kong ipinapaalala sa sarili ko na si Ava ang mahal ko. I should end up with her but at the end of the day Delancey will always occupies my mind.
I can't help but feel irritated everytime na maririnig kong pinag uusapan siya ng ibang mga students dahil sa kakaibang gandang taglay niya.
"Kayo na humingi ng number" dinig kong sabi ng isang estudyante.
"Mabait naman siya eh. Palagi nga akong nginingitian eh" kinikilig pa ata ang mokong
"Kay Caroline na lang tayo lumapit tutal bestfriend naman sila ni Delancey" suggestion pa ng isa.
Pabagsak kong binuksan ang cubicle ng CR kaya lahat sila ay napalingon sa akin. Lumapit ako sa kanila at tinignan sila ng masama.
"Try to flirt with Delancey at may kalalagyan kayo. No one can come close to her. Naiintindihan niyo?" pananakot ko sa mga ito. Sabay sabay na tumango ang mga lalaki at nagmamadaling umalis.
I can't help but to be possessive of her. Ayokong may ibang nakakalapit sa kanya kaya ganun na lang ang inis at iritasyon na nararamdaman ko sa tuwing nakikita kong kasama siya ni Lance o kahit sino sa mga kaibigan ko. This is the first time na pati kaibigan ko ay kinakakainisan ko dahil sa babae. I never felt this with Ava.
Habang tumatagal mas nakikilala ko si Delancey at hindi ko mapigilang hangaan siya sa lahat ng bagay. Bukod sa maganda ay matalino, mabait, at talented pa siya.
Hindi ko alam kung tama bang isugal ang nararamdaman ko para kay Delancey but what should I do? I don't wanna hurt Ava but I don't wanna fool myself na wala akong pakialam kay Delancey cause it's the other way around.
I wanna know everything about her. I wanna be her person. I wanna be the man she wanted to be with kaya naman napagdesisyunan kong tapusin na ang kung ano mang meron sa amin ni Ava pero bago ko pa man yun nagawa ay muli akong niloko ni Ava.
Sa pagkakataong ito ay hindi ako nasaktan, masaya pa nga ako. Nakahinga ako ng maluwag nang malaman na niloko niya ako cause finally I am free. Free to love the woman I really love.
Nang makalaya sa relasyon namin ni Ava ay hindi na ako nagdalawang isip pa na ipaalam sa lahat na kasal ako kay Delancey. I make sure that everyone knows that Delancey is mine. No one would dare to bully my woman kaya ganun na lang ang galit ko nang makita ang mga poster na nagkalat na may mukha ng asawa ko.
Nagmamadali kong hinanap si Delancey pero huli na ako nakita na niya ang mga poster na pinakalat nila Franco at Ava.
Nakita ko kung paano mamuo ang luha ng asawa ko sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan ang inis na nararamdaman ko kaya hindi ako nagdalawang isip na saktan si Franco.
Walang may karapatang paiyakin ang asawa ko kahit na ako. I promised na babawi ako sa lahat ng ginawa ko sa kanya. I will protect her at all cost.
Matapos ang pagtatapat ko sa kanya ay hindi maipaliwanag ang sayang naramdaman ko lalo na nang malamang mahal niya din ako. Daig ko pa ang nanalo sa lotto. Everyday is like a dream parang hindi ako masasanay sa presensya ng asawa ko.
"Gusto kong ikasal kami ulit" sabi ko sa mga kaibigan ko gabi bago kami umalis para sumama kila Delancey.
"Edi magpakasal kayo" sabi ni Yael.
"Propose first" napalingon ako kay Luke sa sinabi niya.
"I bet you didn't do it the first time. So hindi niya pa nararanasan" sabi ni Lance.
"Yeah, but how? Wala akong ideya." Napakamot ako sa ulo at nagsimulang tumingin sa youtube ng mga wedding proposal.
Tinawanan ako ng mag kaibigan ko nang ilang oras na akong nanunuod ng mga sikat na wedding proposal.
"We got you bro" hinampas ni Tristan ang balikat ko.
"Kami na ang bahala basta dalhin mo lang si Delancey. Huwag ka nang mag alala" sabi ni Adam. Nabunutan ako ng tinik sa dibdib matapos ang sinabi nila sa akin.
G*go man tong mga to pero maaasahan mo din talaga. Hindi ako mapakali nang nasa beach house na kami. Laging nasa bulsa ko ang singsing. Hindi din mawaglit ang mata ko sa aking asawa kahit saan siya pumunta palaging nakasunod ang mata ko.
"We had our chance and I think that's it. We had our past but I think we can't go back" ito ang sinabi ko kay Ava nang muli niyang ipilit ang relasyon namin.
Totoong naging masaya ako kay Ava pero itong nararamdaman ko kay Delancey ay hindi mapapantayan ng kahit anong naramdaman ko kay Ava. Delancey is my heaven.
Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas ako ng CR. Tila naninigas ang buo kong katawan nang makita si Delancey na nalulunod sa pool habang nakatayo si Ava at tinitignan lang ito. Hindi ako nagdalawnag isip na talunin ang asawa ko at iligtas siya.
Walang patid ang takot at kaba sa puso ko nang mahawakan ko ang beywang ni Delancey at maangat siya nang tuluyan. Pulang pula at ubo nang ubo si Delancey dahil sa mga nainom na tubig.
Doon ko napagtanto kung gaano ko kamahal si Delancey. I can't lose her. Mahigpit kong niyakap si Delancey nang maramdaman ang luha sa aking mga mata buti na lang at basa ako at hindi halata ang mga luhang tumulo sa aking mga mata.
Galit ang naramdaman ko kay Ava dahil sa ginawa nya. She tried to take away my wife from me. Hindi ako nananakit ng babae but what she did to my wife was unacceptable. Hindi ko na napigilan ang sariling patulan si Ava at ihulog siya sa pool.
Matapos ang nangyari ay dinala ko si Delancey sa kwarto namin. Tahimik lang siya at nakatitig sa akin. Alam kong may mali kaya tinanong ko siya at nalaman kong narinig niya ang usapan namin ni Ava.
Umiiyak siya sa harapan ko. Tinitigan ko ang mukha ng aking asawa ng maigi. Sigurado na ako, Delancey is the woman I will love for the rest of my life. Itong maamo niyang mukha ang gusto kong pangitiin bawat araw. Ang maganda niyang mukha ang gusto kong palaging bumungad sa aking umaga. Siya ang gusto kong makasama kaya naman nang gabing iyon ay tuluyan ko na siyang inalok ng kasal. I want her to know na kung ano man ang namamagitan sa amin ay totoo at walang halong biro. Anuman ang nararamdaman ko sa kanya ay tunay at handa ko yung patunayan at panindigan.
Halos lumabas ang puso ko sa tuwang nararamdaman nang pumayag si Delancey na muli akong pakasalan. Parehas kaming excited na ibalita ito sa magulang ko pero mukhang kami ang nasorpresa sa aming pag uwi.
Her Tito Arthur is waiting for us. Akala ko okay na. Masaya na kami. Tunay na ang nararamdaman namin at handa na kaming totohanin ang lahat sa pagitan namin pero muli kaming sinubok.
Seeing Delancey crying breaks my heart lalo na nang maisip na ilalayo kami sa isa't isa pero gusto kong patunayan sa lahat na mahal ko siya kaya tinanggap ko ang hamon ng kanyang Tito Arthur. I know that my love for Delancey is true kaya kahit gaano pa katagal ang lumipas I know my love for her will never change. I will let everyone see kung gaano ako kaseryoso sa kanya.
I will win you back baby. Just wait for me......