Tumingin ako sa paligid at nang makitang walang tao ay huminga ako ng malalim at buong lakas na sumigaw.
"I HATE YOUUU KNIIIGHHHTTT! YOU ARE A J*RK! AKALA MO KUNG SINO KA NAPAKAYABANG MO! ANG SAMA-SAMA NG UGALI MO! I HATE YOUUU SOOO MUUUCCCHH"
Hinihingal ako matapos ang pagsigaw na ginawa. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking pisngi dahil sa sobrang inis.
"Ang ingay naman" Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong may ibang tao sa lugar. Hinagilap ng aking mata ang nagsalita at nakita ko ang isang lalaki na nakasandal sa isang malaking puno.
"P-pasensya na akala ko walang tao" paghingi ko ng paumanhin dito. Tumayo ito at lumapit sa akin. Mula sa bulsa ay inabutan ako nito ng panyo
"Sa susunod huwag mong hayaang pinapaiyak ka basta basta. Ang luha hindi yan binibigay sa kung kani kanino lang. Make sure worth it yung iniiyakan mo" napatitig ako sa lalaking nasa harapan ko dahil sa sinabi nito. Kinuha nito ang kamay ko at ipinatong sa palad ko ang panyo.
Kinuha ko ito at pinunasan ang natitirang luha sa aking mata.
"Lance Otarde" pakilala nito
"Delancey Devans" tipid kong sagot
"Sana next time pag nagkita tayo hindi ka na umiiyak" sabi nito bago dire diretsong umalis sa harapan ko.
Nakatulala kong pinagmasdan ang paglayo niya sa akin.
Lance? Thank you!
Nanatili pa ako ng ilang segundo sa oval para naman hindi halatang umiyak ako pagbalik sa room.
"Ang tagal mo ah. Hindi ka tuloy nakapasok ng isang subject. Nahanap mo naman ba?" tanong ni Caroline pagbalik ko sa room
"Oo nahanap ko"
Bagsak ang mga balikat na tinapos ko ang klase. Masama pa din ang loob dahil sa ginawa sa akin ni Knight.
Mabilis na lumipas ang oras at nang uwian na ay nakaramdam ako ng takot sa pag uwi. Nilabag ko ang isa sa mga rules ni Knight at yun ay ang never let my skin touches his skin at panigurado badtrip sa akin yun dahil nasampal ko siya sa harapan pa ng mga kaklase niya.
Napagdesisyunan kong huwag na lang muna umuwi sa bahay at dumiretso ako sa kapatid ko. Mamaya na lang siguro ako uuwi kapag mga gabi na para tulog na si Knight at hindi na mag krus ang landas namin sa bahay.
"O Delancey napabisita ka" gulat na tanong ni Manang.
"Namiss ko po kasi si Drew. Dito na po muna ako Manang." sinilip ko ang kapatid ko sa kwarto nito at nakita kong mahimbing na itong natutulog.
Napangiti ako nang makita ang mahimbing nitong pagtulog. Agad akong umakyat sa kama nito. Tinabihan ko siya at niyakap ng mahigpit.
"I miss you baby Drew" hindi ko namalayan na agad din akong nakatulog. Nagising ako nang paulit ulit na nag ring ang cellphone ko.
Pagkakuha ko ng cellphone ay siya namang pagend ng call. Iminulat ko ang aking mga mata at napatayo ako ng di oras nang makitang ala una na ng madaling araw at sandamakmak na tawag mula kay Knight ang nasa screen ko.
"Manang alis na po ako" sigaw ko dito at dali daling nagpatawag ng taxi. Hindi ako mapakali habang nasa taxi dahil sa kabang nararamdaman.
Pagkadating ko sa bahay ay madilim na ang buong paligid. Nakahinga ako ng maluwag nang maisip na baka nakatulog na si Knight kaya madilim ang bahay.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan, nag iingat na hindi gumawa ng kahit anong ingay sa takot na baka magising ko ang binata.
"Bakit ngayon ka lang?" his voice thundered inside our house. Kasabay nito ay ang pagliwanag ng buong kabahayan.
Bumagsak ang balikat ko. I don't have any energy para makipagtalo pa ngayong araw. Tinignan ko siya ng masama
Ikaw na nga tong may atraso bakit parang ikaw pa ang galit!
Dire diretso akong naglakad at walang balak na kausapin ito pero bago ako makalagpas sa kanya ay nahawakan na niya ang braso ko.
"Kinakausap pa kita!" sigaw nito sa akin
"Ano ba Knight! Nasasaktan ako"
"Sagutin mo ang tanong ko, bakit ngayon ka lang? Madaling araw na ah? Saan ka pa naglagi ha!"
"Malamang nag commute ako dahil wala naman akong sariling sasakyan at mayroon ka namang ibang babaeng sinasakay sa sasakyan mo" bwisit na bwisit kong sabi dito. Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa akin
"Isa pa bakit mo ako sinampal kanina ha. Malakas yun!"pag oopen nito sa topic na pinakaayaw kong pag usapan.
Taas noo akong humarap sa kanya.
"Eh bakit mo ako hinalikan? Bakit niyo ko pinagpustahan? Tingin mo ba nakakatawa yun ha?!"
"Bakit di ba nagustuhan mo naman?" he smirked at me
"Bastos!!!!" itinulak ko siya dahilan kung bakit nabitawan niya ang braso ko.
"Bakit ba ang arte-arte mo ha? Pasalamat ka nga hinalikan pa kita! Pasalamat ka at pinatulan kita. Baka nakakalimutan mong slave lang kita at ang papel mo sa buhay ko ay isang pamba........."
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito dahil alam ko na rin naman kung saan ito patungo.
"Pambayad utang lang ako. Oo na alam ko yun Knight! Hindi mo na kailangang ulit ulitin at ipamukha sa akin! Alam ko na simula nang pumayag ako sa lets*ng kasal na to ay naging pag ma may ari na ako ng pamilya mo. Ay no, let me correct myself, you owned me. I am nothing in your eyes but a plain slave pero sana naman Knight wag mong kalimutan na tao pa din ako! May nararamdaman ako kahit respeto at kahihiyan na lang ang itira mo sa akin wag mo nang tanggalin yun sa akin! Lahat naman ng gusto mo ginagawa ko na di ba? Lahat ng utos mo sinusunod ko. Iniiwasan kita hanggang kaya ko! Tinatanggap ko lahat ng ginagawa mo sa akin pero sana kahit konti lang Knight tirahan mo ko" hindi ko namalayan na nag uunahan nang tumulo ang luha ko dahil tila sumabog na lahat ng frustration ko sa araw na to.
Marahas kong pinunasan ang luhang nasa mukha ko.
"Gusto ko nang magpahinga. Bukas ko na lilinisin ang mga kalat" dire diretso akong umakyat sa aking kwarto at tinakbo ang aking kama.
Ibinaon ko ang aking mukha sa unan at doon pumalahaw ng iyak.
"Mommy, Daddy take me out of here please. Ayoko na po dito. Ayoko nang kasama siya" iyak ko sa unan.
Hindi ako tumigil sa kakaiyak hanggang sa nakatulog na ako. Nagising ako nang tumama ang sinag ng araw sa aking mga mata. Kinusot ko ang aking mga mata bago naupo sa aking kama.
Masakit pa ang mga mata ko mula sa pag iyak kagabi nang mapansin na nakakumot na ako at maayos na ang pagkakahiga ko. Wala na din ang suot kong sapatos at medyas.
Muli akong napaisip sa pagkakatanda ko ay humiga lang ako agad ni hindi ko na naalis pa ang mga sapatos na suot ko at di na rin ako nakapag kumot pa.
Napatingin ako sa pintuan.
"Hindi kaya si Knight? Pero imposible bato ang puso nun sa akin kaya imposibleng gawan niya ko ng kabutihan! Baka hindi ko lang maalala" muli akong humiga sa kama dahil naisip ko na naman na muli kaming magkikita ni Knight kapag lumabas ako ng kwarto. Hindi pa ako handang makita siya matapos ang komprontasyon namin kagabi.
Haaayy, ganito ba talaga kagulo ang buhay may asawa!