Magkahawak kamay kaming lumabas ni Knight ng aming kwarto dahil magsisimula na ang program na inihanda ng president namin.
Nakita ko agad si Caroline. Nakabusangot ang mukha nito at hindi ata ako nakita. Dire diretso ang lakad nitong parang nagdadabog at sa likuran niya ay ang nakangiting si Lance.
"What's with that two?" tanong ko kay Knight.
"Let them baby. Magsasabi naman yang mga yan kung meron man" inakbayan ako ni Knight habang nakangiti ring pinagmamasdan ang dalawa.
"Okay, gather up. Magsisimula na tayo" sigaw ni President kaya naman nagsipaglapitan na kami.
Nakakailang hakbang pa lang ako ng hawakan ni Knight ang kamay ko at mahina akong hilahin paharap sa kanya.
"We'll stay in that area. I'll look after you there, okay?" sabi nito bago ako halikan sa noo at hayaang makalapit sa mga kaklase ko.
Nilingon ko ang lugar na sinabi ni Knight at nakita ko silang nakaupong mga Hacienderos na may kanya kanyang iniinom na drinks. They are casually talking to each other. Ang sarap nilang pagmasdan.
"Kakairita talaga" reklamo ni Caroline.
"Bakit?"
"Ewan ko ba kay Lance. Ang dami daming gustong gawin sa buhay eh"
"Ano bang meron sa inyo?" curious kong tanong dito
"Ha? S-sa amin. W-wala naman" nauutal nitong sabi pero napangiti na lang ako nang makita ang reaksyon niya. Susundin ko na lang si Knight hahayaan kong sila mismo ang mag kwento sa amin.
"Attention everyone" sigaw ng president namin. "Ang first game natin ay the longest line. alam ko namang familiar kayo dun. Lahat lang ng gamit na ilalagay ay ang nasa katawan niyo lang. Bawal nang kumuha pa ng gamit" paalala nito.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang palaro at lahat kami ay kanya kanyang lapag ng gamit. Mabilis na naghubad ang iba ng damit at mga shorts nila kaya halos lahat ay naka bikini na.
Nakita kong mas mahaba pa ang nasa kabila.
"Delancey, remove your clothes na. Biliiiisss" sigaw ng mga kaklase ko. Napatingin ako sa kanila at dun ko napansin na ako na lang pala ang may suot.
Kaya naman di na ako nag alangan pa na hubarin ang top, shorts at ang shaul na nakatabing sa akin para lang mas maging mahaba ang linya namin.
Nagtatalon kami sa tuwa nang makitang mas mahaba ang linyang nagawa namin.
"Oozing sexy body" puri sa akin ni Caroline. Pasagot pa lang ako nang marinig kong may sumipol kaya napalingon ako sa pinanggalingan nun.
Natanaw ko si Knight na nakatayo at nakatingin sa akin. Magkasalubong na ang mga kilay nito. Itinuro niya ang katawan kong naka bikini na lang.
Here we go again, my conservative husband.
Kinuha ko agad ang mga damit ko at isinuot. Nang maayos na ay humarap ako kay Knight at ipinakita ang suot ko. He just give me thumbs up bago muling bumalik sa mga Hacienderos.
"Okay, next game ay "tug of war" kung saan maghihilahan lang kayo sa lubid. Kung sinong team ang makapunta sa side ng kalaban ang talo" paliwanag ng president.
Kanya kanya kaming hawak sa lubid. Pumito ang president namin hudyat na start na ng paghila. Nahirapan kaming makipaghilahan gawa ng nasa buhanginan kami pero di pa rin kami bumigay agad at tuloy na nakipaghilahan. Nasa hulihan ako ng lubid at nakita kong unti unti na kaming napupunta sa side ng kalaban kaya naman binigay ko na lahat ng lakas ko at hinila ang mga kakampi ko.