Chapter 22

531 21 1
                                    

Napatigil ako sa paglalakad nang huminto sa harapan ko ang sasakyan ni Lance. Mula doon ay bumaba ang bintana nito at nakita ko ang mga Hacienderos.

"Hop in" nakangiting sabi ng mga ito.

"Mukha kang batang hindi napagbigyan ng Mama sa grocery store" asar sa akin ni Adam. Hindi na ako nag isip at agad na pumasok sa back seat.

Pagkapasok ko ay agad kong niyakap si Tristan at malakas na umiyak sa mga balikat niya. Mahigpit naman akong niyakap nito. Mabilis na pinaandar ni Lance ang sasakyan.

"Aww, the baby is crying" asar ni Yael. Hindi ko alam kung tama ba tong mga taong sinamahan ko ngayon.

"Stop, you idi*t" saway sa kanya ni Lance.

"He's so unfair" iyak ko sa kanila pero tinawanan lang ako ng mga ito. Hinampas ko ang braso ni Tristan.

"It's not funny. It's hard to see the man you love being torn whom to choose between me and his ex" patuloy ako sa pag iyak.

"He's giving me mixed signals. I don't know what to think anymore. I don't what to feel. I am so confused right now" humihikbi kong sabi.

"Why don't we ask Knighy?" sabi ni Tristan.

"I don't want to see him right now. He's busy with Ava and for whatever topic they are discussing right now baka nga binalikan na niya!"

"Are you sure? Cause I think he's definitely running after you" kampanteng sabi ni Luke.

"That's impossible! Hindi niya nga ako sinundan nang iwan ko siya. Hindi niya ako pinigilan" naiinis kong sabi sa kanila.

"Then who is that dog that is after us? Mr. Unfair is following us" nakangiting sabi ni Yael habang nakasilip sa side mirror. Napalingon ako sa likuran at nakita ko si Knight na hinahabol ang sasakyan namin.

"Ihihinto ko ba o pahabulin pa natin?" tanong ni Lance.

"Stop the car" sigaw ko
"Pahabulin pa" sabi naman ng mga Hacienderos na sinunod naman ni Lance. Binaba nila ang bintana ng sasakyan

"Habooooolllll paaaa" asar nila kay Knight.

Binilisan pa ni Lance ang takbo ng sasakyan. Nakita ko naman ang pagbilis din ng takbo ni Knight para mahabol kami.

"Lance, stop the car please" pagmamakaawa ko dito pero para itong bingi at hindi ako naririnig. Nilingon kong muli si Knight kahit malayo na kami sa kanya ay hindinpa rin ito tumitigil sa pagtakbo.

Talagang inaasa nila si Knight dahil sa tuwing malapit na kami nitong abutan ay ipapaharurot ni Lance ang sasakyan at kapag nakalayo naman kami ay babagalan niya ang pagpapaandar para makahabol ang kaibigan.

"Stop the car o tatalon ako" pananakot ko dito nang maawa na ako kay Knight dahil bakas na ang pagod sa mukha nito at hinawakan ang pintuan ng kotse. Isang biglaang preno naman ang ginawa ni Lance.

Pagkahinto niya ay mabilis akong bumaba at sinalubong si Knight sa pagtakbo. Nang makita ako ni Knight ay nagliwanag ang kanyang mga mata at umaliwalas ang kanyang mukha.

Huminto siya sa harapan ko at hingal na hingal ito.

"WHY DID YOU LEAVE!?" inis na tanong nito habang hinahabol ang hininga. Tinignan ko siya ng masama.

"Cause I don't know what to do?! Hindi ko kayang tignan at pakinggan kayo ni Ava. Nasasaktan ako. Hindi ko kaya kung babalikan mo man siya" muli kong naramdaman ang nagbabadya kong mga luha.

"I told you Ava and I are over" inis na sabi nito. Napahawak pa siya sa dibdib niya dahil sa pagkakahingal.

"Malay ko ba. You're not answering her earlier and I don't even know if you like me. Hindi ko alam kung dapat ba kitang ilaban" inis kong sabi sa kanya.

"What the hell is that answer! So ano yun yung mga pinakita ko sayo does it not answer your question? Yung pag aalaga, pagtatanggol, the kisses I made with you, do you think wala lang yun ha?! My god Delancey" napasapo ito sa kanyang noo habang nakakunot ang noo na pinagmamasdan ako

"Y-you like me?" hindi ko mapigilang itanong dito.

"NO!!!!" malakas niyang sigaw. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I am confused. He doesn't like me pero nandito siya sa harapan ko.

He doesn't like me but he's telling me that everything he did has meaning. Bumagsak ang balikat ko matapos marinig ang sinagot niya sa akin. He doesn't like me. Everything is a show. Para akong binuhusan ng malamig na yelo matapos ang narinig.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya bago tumulo ang luha sa aking mga mata.

Ang g*go mo talaga Villacorta!

Bumuntong hininga ako bago ko siya talikuran. Tahimik akong humikbi habang dinadama ang kirot sa puso ko matapos marinig ang sagot niya. Naglakad ako pabalik kila Lance na ngayon ay nasa labas na ng sasakyan at pinapanood kaming dalawa.

"I don't like you Delancey" sigaw pa nito dahilan para lalo akong maiyak. Pinunasan ko ang mga luhang ayaw tumigil sa pagbagsak.

Hindi ako bingi!!!!!

"I don't like you cause I LOVE YOU"

Awtomatikong tumigil ang paa ko sa paglalakad matapos marinig ang huling sinabi ni Knight.

"I LOVE YOU MI ESPOSA!!!!" malakas nitong sigaw na naging dahilan nang mabilis na pagtibok nang puso ko. Dahan dahan akong humarap sa kanya.

Napakalaki ng ngiting nasa mga labi ni Knight habang pinagmamasdan ako.

"MAHAL KITA DELANCEY! Mahal na kita and I can't afford to lose you not in this lifetime or in other lifetime. You are bound to me baby" proud nitong sabi.

Lalo akong naiyak matapos marinig ang pagtatapat nito sa akin. Nagtitigan kaming dalawa. Ibinuka niya ang kanyang mga braso at hindi na ako nagdalawang isip na takbuhin siya.

Knight is standing while waiting for me. Iniyakap ko ang aking mga braso sa kanyang leeg nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Ibinaon ko ang mukha ko sa kanyang balikat while I heard him laughing while hugging me back. This is the first time that I heard him laughing this loud. His laughs sounds magic in my ears.

"I love you baby" bulong nito sa akin. Tumango ako nang marinig ang winika niya. Ang saya saya ng puso ko nang sa wakas ay marinig ang mga salitang matagal ko nang gustong marinig mula sa kanya.

"I love you too" humihikbi kong pagtatapat sa kanya. Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Paulit ulit na hinalikan ni Knight ang aking ulo habang mahigpit kaming nakayakap sa isa't isa.

Nakarinig ako ng hiyawan at palakpakan dahilan para humiwalay kami mula sa pagkakahagkan namin sa isa't isa. Nakita ko ang mga nakangiting Hacienderos sa amin. They are all cheering for us.

"Thank you f*ckers" sigaw ni Knight bago bigyan ang mga ito ng dirty finger dahilan para matawa kaming lahat.

Knight suddenly cupped my cheeks and sealed everything with a kiss.

"This time, this is real baby. You are offcially mine" wika ni Knight bago ako buhatin at ikot ikot. Malakas akong tumawa dahil sa ginawa nito. I looked into his eyes and there I see a new start with him.

Let's build our own world together baby...........

Hacienderos #1: Ai Lai GuoWhere stories live. Discover now