Maaga akong nagising. Nagluto ako ng pancakes, bacon, hotdog, and toasted bread. Nakahain na lahat. Umupo ako sa lamesa.
Nakaramdam ako nang lungkot nang makitang maraming bakanteng upuan sa mga katabi ko.
"Ang laki nga ng bahay na to kaso dalawa lang kami. Kamusta na kaya si Drew? I miss him so bad" sinunod sunod ko ang subo ng pagkain sa bibig ko para sana hindi maiyak kaso nabigo ako.
Naramdaman ko ang pamamasa ng pisngi ko dahil sa pagdaloy ng aking mga luha.
I miss my life. I miss Drew, Manang Susan, Mom and Dad. I missed them so much. Everything is change from now on.
Napaangat ako nang tingin nang maramdaman na may nakamasid sa akin. True enough, Knight is watching me from the door's kitchen.
Mabilis akong tumayo at niligpit ang mga kinakain ko. Inilagay ko ito sa lababo bago siya muling hinarap.
"Good morning" bati ko dito pero hindi niya ako sinagot. Ipinaghila ko siya ng upuan at umupo naman agad siya doon. Naghain na ako ng plato niya at ang kape na iinumin nito.
Rule #1: Ipaghanda siya ng makakain
Rule#2: Bawal siyang sabayan kumainNagsimula itong kumain. Aalis na sana ako nang magsalita ito.
"May isa pa pala akong idadagdag sa rules ko" nilingon ko siya dahil sa sinabi niya.
"Never cry in front of me!" Sabi nito at muling kumain
Tumango ako sa huling sinabi nito bago tuluyan siyang iwan sa dining table. Nang matapos siyang kumain ay bumalik na ako sa kusina.Naghugas ako ng pinggan at nakita siyang nakabihis. Mukhang may lakad ito
"Saan ka pupunta?" tanong ko dito
"Dad told me to fix and prepare your transferee paper"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Nagpunas ako ng kamay at tumakbo papunta sa kanya. Nakangiti akong tumayo sa harapan niya.
"I'm going back to school?" excited kong tanong sa kanya pero hindi ako nito sinagot at dire diretsong lumabas lang ng bahay.
"Sungit talaga" inis kong sabi dito pero hindi ko na lang siya ininis pa dahil naging maganda ang mood ko matapos marinig ang balita niya sa akin.
Natapos na ako sa gawaing bahay. Naupo ako sa sofa nang maalala si Drew. Ilang araw ko na rin siyang hindi nabibisita. Mabilis akong nagbihis at nag-iwan ng note baka kasi hanapin ako ni Knight
"I'll be back......"
"Hay Delancey buti dinalaw mo yang kapatid mo. Medyo matigas ang ulo eh. Hindi masyadong kumakain at hindi umiinom ng gamot" sumbong ni Manang Susan.
"Drew, is that true?"
"I miss you ate" paglalambing nito sa akin imbes na sagutin ang tanong ko.
"You still don't answer my question, baby"
"Can we go the mall ate? Please, please" tanong nito with his puppy eyes.
Napailing na lang ako bago pisilin ang dalawang matabang pisngi nito.
"Okay fine but promise me first no more pasaway to Manang. You'll drink your medicine on time"
"Yes ate! Promise" masayang sabi nito.
Halata sa mukha ni Drew ang excitement habang naglalakad kami. Umaabot sa mata niya ang ngiti.
"Ate look" kinuha niya ang isang teddy bear.
"That's cute Drew. Do you like it?"
"Yes ate" masaya nitong tugon
"Okay, let's buy it" kinuha ko ang teddy bear para bayaran ito pero natigilan ako nang matanaw ko ang dalawang magkasintahan sa di kalayuan.