Chapter 24

534 21 0
                                    

"Delancey kanina ka pa namin hinihintay" hinila ako ni Caroline papunta sa meeting area namin.

"Sorry, nahirapan akong iwan si Drew eh"

"Ayos lang. Susukatan na namin kayo ni Edward. Kanina pa siya naghihintay para sa practice niyo sa rampa at talent portion"

"Sorry talaga" sabi ko at dumiretso agad kung saan nakaupo si Edward. Nginitian ako nito nang makalapit ako sa kanya.

"Pasensya ka na ha. Nahirapan lang akong iwan ang kapatid ko" pagpapaliwanag ko dito

"Hindi, ayos lang." nakangiti nitong sabi. Inabot nito sa akin ang papel na hawak niya.

"Ito sana ang talent natin kung ayos lang sayo. Singing pero pwede naman nating palitan kung gusto mo"

"Hindi, ayos na to pero di ako magaling kumanta ha marunong lang kaya wag kang mag expect. Ikaw pa naman ang champion sa Mckinley Idol for sure magaling kang kumanta" napakamot ito sa batok niya na tila nahihiya.

"Hindi naman. Napractice lang kaya nakatsamba" humble nitong sabi. Kinuha nito ang gitarang nasa tabi niya at nagsimulang tugtugin ang kanta at iparinig sa akin ang kanta.

Hindi ko mapigilang mapatitig at mapangiti sa kanya dahil sa ganda ng boses niya. Tila nanghaharana ito at nakakakalma ang boses nito.

Napapalakpak ako nang matapos siyang kumanta.

"Ang galing mo baka makasira lang ako sa talent natin"

"Hindi yan. Kaya mo yan. Ip practice naman natin eh. Ano try natin?" tumango ako sa kanya bilang pagpayag.

Muli nitong tinugtog ang kantang "Lagi" by Skusta Clee. Nauna siyang kumanta. Napansin kong nagsipagtigilan ang mga kaklase ko sa paggawa at ngayon ay pinapanood na siya lalo tuloy akong kinabahan.

Sa harapan ng pamilya ko lang naman kasi ako kumakanta sabi nila magaling ako at maganda naman daw ang boses ko pero malamang sasabihin nila yun kasi anak nila ako. Nahiya tuloy akong kantahin ang part ko baka mapahiya lang ako.

Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko. Tinitigan ako ni Edward at tinanguan. Senyales na ako na ang kakanta. Tumalikod ako sa mga kaklase ko at napapikit ako bago kantahin ang part ko.

I don't wanna see their faces. Nakakahiya talaga. My eyes are closed hanggang matapos ko ang kanta ko at nagdilat lang ng magsasabay na kami ni Edward sa chorus part.

"Dahil 'di ka nakakasawang tingnan
Pagmasdan ang 'yong mga mata, whoa, whoa, whoa-oh
Susundan, susundan sa'n man magpunta, whoa-whoa
Basta't ngumiti ka lang palagi, lagi, lagi, oh, lagi
Laging ngumiti ka lang sa akin, akin, akin palagi" sabay naming kanta ni Edward. We both smiled nang magkatinginan kami.

Palakpakan ang sunod kong narinig nang matapos ang kanta namin ni Edward. Nilapitan ako ni Caroline at hinampas hampas ang braso ko.

"May tinatago ka pa lang talent dyan Delancey. Buti na lang talaga ikaw ang representative natin bagay na bagay kayo ni Edward" kinikilig na sabi nito.

Nahiya ako sa sinabi nito kaya naman mahina kong kinurot ang tagiliran niya.

"You have a beautiful voice Delancey. Di dapat yan tinatago" puri sa akin ni Edward.

"Salamat" nahihiya kong sabi dito. Hindi ko tuloy alam kung ano ang sunod kong gagawin matapos nang sinabi ni Edward.

"Di ba susukatan niyo na kami. Tara na" tumayo agad ako at hinila na si Caroline para maiba ang usapan.

Sinimulan kaming sukatan ni Edward. Nakita ko ang costume na susuotin namin. Ang ganda nito lalo na yung gown pero may swimsuit pa parang di ko kayang ibilad ang katawan ko.

Hacienderos #1: Ai Lai GuoWhere stories live. Discover now