We spent the weekends kasama ang pamilya ni Knight. It was so fun and we made a lot of memorable memories. We had a bonfire in the sea where Knight sang "Color Everywhere" that now meant a lot to me. Pakiramdam ko kasi I was the "you" that the song is talking about. Hindi naman siguro masamang umasa.
Pero as we all know all beautiful dreams must come to an end. We have to return in our reality. Pagkabalik sa bahay ay sa kanya kanyang kwarto pa rin kami natulog. We didn't actually had the chance to talk about us dahil siguro sa pagod dahil parehas kaming bagsak sa kama pagkauwi.
Pagkagising ko ay wala na si Knight. Nakaramdam agad ako ng lungkot nang maisip na baka pumunta siya kay Ava para bumawi sa mga araw na hindi niya ito kasama.
I was walking to our kitchen nang mahagip ko sa sala ang isang pink rose. Nilapitan ko ito and there I saw a note.
Good morning mi esposa,
Have to leave early may kailangan lang ayusin. I cooked and prepared your food. Don't worry pinasundo kita kay Lance para di ka na mag commute. See you in school. Wait for me, okay. Sa akin ka sasabay pa uwi
Kinikilig kong kinuha ang pink rose at inamoy yun. Napapikit ako ng maamoy ang mabangong halimuyak nito. Masaya kong kinain ang mga hinanda ni Knight para sa akin.
Ilang sandali pa ay narinig ko na ang busina ni Lance kaya naman nagmadali akong lumabas.
"Good morning" nakangiti kong bati dito
"Ganda ng gising ah" puna nito sa mood ko.
"Ang ganda ko kasi" sabi ko at pinakita ang pink rose na hawak ko. Tumawa si Lance nang mapagtantong kay Knight galing yun.
"Corny" sabi nito at pinaandar ang sasakyan. Kinuha ko ang diary ko at doon ko inipit ang pink rose. Hindi ko aalisin yun dun hanggang sa maging flat siya at gagawin kong bookmark yun para palagi kong maaalala si Knight.
Maaga pa ng nakarating kami ni Lance sa school. Pansin kong medyo busy ang mga estudyante marahil dahil sa nalalapit na foundation day.
"Thank you sa paghatid" pasasalamat ko kay Lance.
"May choice ba ko? May atraso ako sa asawa mo eh. Hindi ko pwedeng tanggihan" natawa ako nang marealize ang tinutukoy niyang pangba badtrip nito nung nasa bakasyon kami.
"Andyan ka na pala. Kanina pa kita hinihintay" mabilis na inangkla ni Caroline ang braso niya sa akin. Napansin ko ang pagnakaw niya ng tingin kay Lance pero hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.
"Bakit? Anong meron?" takang tanong ko dito. Muli pang sumulyap si Caroline kay Lance bago ako tignan. Pinaningkitan ko siya ng mata dahil nakakahalata na ako sa ikinikilos nito. Pinandilatan naman ako nito ng mata.
"Una na ako Delancey ha. See you when I see you" paalam ni Lance. We waved goodbye to him.
"Umamin ka nga type mo si Lance noh?" pang aasar ko sa kaibigan. Agad na namula ang maputing mukha ni Caroline at hindi siya makatingin sa akin.
"Ano ba baka may makarinig sayo!" saway nito sa akin dahilan para malakas akong tumawa.
"Gusto mo ilakad kita?" tanong ko dito. Ako pa ang kinikilig ngayong nalaman kong may lihim pala itong pagtingin sa binata.
"Tumigil ka nga Delancey. Masyadong mataas si Lance Otarde para sa akin. Saka hindi naman yun ang ic chika ko sayo eh" sabi nito.
"Tignan mo. Kalat na kalat na to sa buong school" inabot sa akin ni Caroline ang cellphone niya.
Napatakip ako sa bibig nang makita ang isang video ni Ava at ni Franco while they are doing some intimate moments with each other. Base sa background nila, mukhang ito ang araw na narinig ko sila sa shower area. Hindi ko tinapos ang video dahil nandidiri akong panoorin ito kaya pinili kong ibalik yun kay Caroline.