Chapter 2

551 22 0
                                    

"Ms. ang ganda ganda mo talaga" sabi ni Don ang make up artist ko para sa araw na ito.

"Salamat" walang gana kong sagot

"Hay naku mam. Bawal daw nakasimangot kapag ikakasal. Isang ngiti naman dyan oh. Ang ganda ganda mo pa naman" pangungulit nito sa akin.

Binigyan ko siya nang isang pilit na ngiti para tigilan na ako nito.

"Excuse me, can I talk to my future wife?"

Napalingon ako sa nagsalita. It was Knight leaning against the door frame. Hindi ko mapigilang hanggaan ang itsura niya ngayong araw. Humihiyaw ang dugo niyang Villacorta. Napakagwapo nito.

"Oh yes. Wait lang po" nagmamadaling lumabas si Don sa aking kwarto.

Pagkalabas ni Don ay sinara ni Knight ang pintuan.

"What are you doing here? Sabi nila bawal makita ng groom ang bride bago ikasal" diretso kong sabi

"Let me correct you" tumayo ito isang metro ang layo mula sa akin. I can feel my heart beats faster "You are not my wife. You are my SLAVE" pagbibigay diin nito sa bawat salita.

Natahimik ako sa sinabi nito at nag iwas ng tingin sa kanya.

"By the way, nandito lang ako para dito" may tinaas itong maliit na notebook.

"Nandito lahat ng Do's and Don'ts ko. Basahin mo nang mabuti nang wala kang makaligtaan. No one should read and know about that rules" sabi nito at inihagis sa lap ko ang notebook. Tumalikod ito at naglakad papunta sa pintuan.

Bago lumabas ay huminto muna ito at nilingon ako.

"and welcome to hell Delancey Villacorta" he smirked at me bago pabagsak na sinara ang pintuan.

Napapadyak na lang ako sa inis nang tuluyan na itong makalabas nang pintuan.

Sinimulan kong basahin ang mga rules na nasa notebook na binigay ni Knight. Nanlaki ang mata ko nang makita ang mahabang listahan nito.

Kulang na lang isali niya ang "bawal huminga!"

Pero natigilan ako nang mabasa ang huli sa listahan.

"Don't ever hurt Ava or you will see hell" basa ko dito. Napaisip tuloy ako. Nasaan na kaya si Ava? Anong nangyari sa kanilang dalawa?

Buong gabing nakasimangot si Knight sa reception habang ako ay nangangawit na sa kakangiti sa mga bisita.

"Pwede naman sigurong ngumiti ka. Libre lang naman yun" pabiro kong komento dito

Isang matalim na tingin lang ang ibinigay nito sa akin.

Wrong move again, Delancey!

Itinikom ko na lang ang bibig ko at muling humarap sa mga bisita.

Lumapit sa amin ang Mom ni Knight. Niyakap ako nito nang mahigpit ganun din ang anak.

"You're handsome Knight and I can't believe you're a full grown man now" naiiyak nitong sabi sa anak

"And Delancey you are the most beautiful bride I've ever see. Your beauty stands out tonight" puri nito sa akin

"Thank you po Tita Amelia"

"Oh don't call me Tita. Call me Mom"

Napalingon ako kay Knight nang marinig ang sinabi ng Mom niya. Tinaasan lang ako nito ng kilay bago irapan.

"Yes, Mom" naiilang kong sinunod ang nais nito.

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Knight ang kamay ko kaya naman hinatak ko ulit yun. Nanlaki ang mata ni Knight dahil sa ginawa konv pagbawi pero muling lang nitong kinuha ang kamay ko. Sa pagkakataong ito ay mahigpit na ang hawak nito sa aking kamay.

Hacienderos #1: Ai Lai GuoWhere stories live. Discover now