Pagkalabas ko pa lang ng kwarto namin ay dinig ko na ang ingay sa sala. Ang daming mga boses na nagtatawanan. Dahan dahan akong sumilip only to see na kumpleto ang mga Hacienderos na prenteng nakaupo sa mga couch.
"Delancey, my loves" sigaw ni Tristan. Tumayo siya na tila sasalubungin ako pero hinila siya pabalik ni Yael sa pagkakaupo.
"Tagal naman kumilos ni Mrs. Villacorta" dagdag ni Adam. Inirapan ko lang siya bago ako dumiretsong upo sa tabi ni Knight.
Agad naman nitong iniyakap ang kamay niya sa aking beywang. Nakita ko ang pagsunod ng mga mata ng mga kaibigan ni Knight.
"Anong meron?" tanong ko sa kanila para mawala ang atensyon nila sa kamay ni Knight.
"Binibisita kayo. Ang lagay kayo lang ang mag uunwind. Syempre kami din" sabi ni Yael.
"I'm ready" sigaw ni Drew. Napangiti ako nang makitang nakasuot ito ng pang horseback riding. He looks so cute.
"Let's go na mga kuya. I miss riding horse na" excited na sabi ni Drew at hinatak si Lance patayo. Lance let out a small laugh bago kinarga si Drew.
"Shall we?" tanong nito sa amin. Sabay sabay namang tumayo ang mga Hacienderos. Doon ko lang napansin na nakapang horseback riding na pala ang mga ito.
"Wait, naka dress ako" pigil ko kay Knight. He eyed me from head to foot.
"Okay lang yan. Sa akin ka naman sasakay. You won't ride alone" sabi nito.
"Ayaw" pagtutol ko sa kanya. "I want my own horse. Marunong ako promise. Past time namin yan ni Daddy eh" pamimilit ko dito.
Saglit na tumahimik si Knight at tinignan ang mga kaibigan na nakasakay na sa shuttle.
"Just a minute. Papalitan ko lang to ng damit" sabi nito sabay hila sa akin pabalik sa kwarto. Narinig ko ang sigawn at hiyawan ng mga kaibigan nito.
"Quickie lang ha. Wag niyong tagalan" asar ni Tristan. Hinampas ko ang braso ni Knight dahilan para tignan niya ako.
"Mga pinagsasabi mo mamaya kung anong isipin ng mga yun" dumiretso ako sa cabinet para kunin ang nakahandang damit ko.
"So? Mag asawa naman tayo ah" tila wala itong pakialam sa sinabi ko.
"Sa papel. Kaya wag mong bigyan ng dahilan ang mga yun na isiping mas higit pa tayo dun" mapait kong sabi sa kanya.
Hindi agad nakasagot si Knight. Papasok na ako sa banyo nang hawakan niya ang braso ko.
"Papel o kahit ano pa yan. Asawa pa din kita Delancey. Bitbit mo ang apelyido ko. And so kung mag isip sila ng kung ano. Bakit are you trying to please someone in my friends ha?" malamig nitong sabi. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ano bang sinasabi mo?" inis kong binawi ang braso ko sa kanya. Napahawak siya sa beywang niya at tinitigan ako ng malamig.
"I've been noticing how close you are to Lance. Siya ba ang ayaw mong mag isip ng kung ano sa relasyon natin ha! Are you trying to send a message to him na papel lang ang relasyon nating dalawa?" nangagalaiti nitong sabi. Napanganga ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya.
Pagak akong tumawa.
"Baka nakakalimutan mo. It is you who keeps on telling me that I am your slave. It is you who keeps insisting na itago tong relasyon natin. Ngayon, sino sa ating dalawa ang nag iisip na hanggang sa papel lang ang kasal na ito!" hindi na rin ako makapagtimpi sa inis kong nararamdaman.
Huminga ng malalim si Knight bago ako talikuran at ibagsak ang pintuan ng kwarto. I sighed as I sit down on the bed.
"Ang gandang memories naman nito!" napakamot ako sa ulo bago tuluyang nagpalit ng damit ko.