Inuwi ako ni Caroline sa bahay nila. Napagdesisyunan ko ring dito na matulog. I turned off my cellphone para hindi ako makontak ni Knight.
"I really can't believe this. You are married to Knight Villacorta" hindi makapaniwalang sabi ni Caroline.
"No one should know about this Caroline dahil malalagot talaga ako kay Knight" pagpaalala ko dito.
"Don't worry you're secret is safe with me but is it really true that you like him?" nag aalalangang tanong ni Caroline.
Napabuntong hininga ako bago tumango sa kanya.
"You're in a mess. Alam mo naman na may Ava di ba bakit hinayaan mo pang mahulog sa kumag na yun?" naiinis nitong sabi.
"I know. Anong magagawa ko? Can I teach myself to unlike him?" balik kong tanong dito.
"Ano ba yan! Nakaka stress yang sitwasyon mo!" napakamot si Caroline sa ulo niya. "Don't worry I'll help you para iwasan yang Knight Villacorta para di ka na maipit sa kanila ni Ava." napangiti ako sa sinabi nito at niyakap siya.
"Thank you talaga for being my friend. Babawi ako sayo promise" sabi ko dito.
Marami pa kaming napagkwentuhan ni Caroline bago kami hilahin ng antok. I am really well rested enough ng magising ako. Sabay din kaming pumasok ni Caroline.
Tawa kami ng tawa hanggang sa nasa loob na kami ng room dahil sa mga kwento ni Caroline about her exes.
Nasa ganung sitwasyon kami ng tumahimik bigla ang buong klase and next I knew ay hawak na ni Knight ang kamay ko. Matalim ang mga tingin nito at pinagpapawisan siya. Nagtaka ako ng makitang nakapambahay lang ito at hindi nakauniform.
Hinatak ako ni Knight pero hinawakan din ni Caroline ang kabilang braso ko. Galit na tinignan kami ni Knight.
"Hindi sasama sayo ang kaibigan ko. Let her go" matapang na sabi ni Caroline.
"Drew" isang salitang sinabi ni Knight pero sapat na para bumundol ang malakas na kaba sa dibdib ko. Seryoso ang mukha ni Knight at iba ang pakiramdam ko sa paraan ng pagkakabigkas niya sa pangalan ng kapatid ko.
"I- I need to go" nauutal kong sabi at mabilis na sinikop ang mga gamit ko. Nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa kabang nararamdaman.
Naunang maglakad si Knight habang nakasunod lang ako sa kanya. Pinagtitinginan kami ngayon ng mga estudyante.
I can't feel my toes. Pakiramdam ko ay hindi lumalapat ang paa ko sa lupa. Napahawak ako sa dingding at huminga ng malalim.
"Are you okay?" biglang lumitaw si Knight sa harapan ko at hinawakan ako sa dalawang balikat. Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko.
My eyes started to become blurry because of the tears that are about to come out.
"Tell me he's okay" naiiyak kong sabi sa kanya. Knight looked into my eyes and gently wiped away my tears.
"He's okay. I took care of him but he still needs you" malambing nitong sabi sa akin. Tumango ako sa kanya at pinilit na huwag umiyak.
This time Knight gently hold my hand and intertwined our fingers.
"I'll be with you. Huwag kang mag alala.
Dalawa tayong mag aalaga kay Drew" gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Knight.Mabilis an pinaandar ni Knight ang sasakyan niya at tumigil kami sa isang malaking ospital.
Pagkahinto ng sasakyan ay mabilis akong lumabas at pumasok. Hindi ko alama kung saan pupunta.
"This way" napapitlag ako nang maramdaman ko ang paglapat ng kamay ni Knight sa aking beywang. Napatingin ako sa kanya pero diretso lang ang tingin niya sa daan.