Gabi na nang ihatid ako ng mga Hacinderos.
"See you tomorrow Delancey" paalam nila sa akin. Nginitian ko sila at kumaway. Hinintay ko munang makaalis sila nang tuluyan bago ako pumasok ng bahay.
Pagkapasok ko nang gate ay siya namang biglaang pagtayo ni Knight. Nakatingin siya sa akin bago nagpagpag. Nag iwas naman ako ng tingin sa kanya bago isara ang gate.
"Hinatid ka ba nila?" malumanay na tanong nito sa akin.
Napatingin ako sa kanya.
"Hinintay kasi kita kaso sabi ni Caroline umalis ka daw kasama ang mga kaibigan ko." dagdag pa nito. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at dire diretsong pumasok sa bahay. Paakyat na ako sa hagdan ng magsalita siya.
"Kumain ka na ba?" nagulat ako sa tanong niya kaya naman nilingon ko siya kaso nakasunod pala siya sa akin kaya naman nagkabunguan kami ng bigla akong humarap sa kanya.
Sabay kaming napaatras sa isa't isa.
"Ipaghahanda kita" sabi nito na ipinagtaka ko.
"What are you doing?" naiinis kong tanong dito.
Natigilan si Knight sa pagpunta sa kusina dahil sa tanong ko.
"Ano to? Ano tong pinapakita mo? Baliw ka na ba?" hindi ko mapigilang tanong dito.
"I-I'm just trying to make up with you" mahina nitong sabi dahilan para matawa ako.
"You don't have to. Don't show me that act of yours. Tanggap ko na naman Knight. I know who you are at kung anong tingin mo sa akin so stop acting like you really care niloloko mo lang ang sarili mo" sabi ko sa kanya at tinalikuran siya.
"Delancey" tawag nito sa pangalan ko. Hindi ko siya nilingon.
"I don't wanna talk to you. Just pretend that I don't exist in this house. You do your thing and I do mine." sabi ko at patakbong umakyat sa kwarto ko.
Isinara ko ang pintuan at napasandal dito. Napapikit ako nang naisip ang inakto ko kanina.
Tama ba ang ginawa ko? Paano kung talagang nagsisisi nga ang taong bato na yun?
Iwinaksi ko ang nasa isipan ko at naghanda na lang para sa pagtulog ko. Kakahiga ko pa lang sa kama nang may kumatok sa pintuan ko.
Napahiga ako at nagpanggap na tulog.
"Delancey, naghanda ako ng pagkain mo baka gutom ka na" tawag ni Knight sa akin pero hindi ko siya sinagot. Ilang beses pa siyang kumatok pero hindi ko yun pinansin.
Ilang saglit pa ay narinig kong bumukas ang pintuan nang kwarto ko. Mabilis akong pumikit at nagpanggap na tulog. Narinig ko ang mga yapak na palapit sa kama.
"Tignan mo to tinulugan lang ako" pabulong na sabi ni Knight. Naramdaman kong itinaas ni Knight ang comforter kong nasa paanan at kinumutan niya ako hanggang sa dibdib ko. Inayos din niya ang ilang hibla ng buhok ko na nakatakip sa mukha ko.
Ano bang ginagawa nito?!
"Sorry" bulong nito sa akin. Napalunok ako nang maramdaman kong hinalikan ako nito sa aking ulo.
Ayan na naman ang puso ko! Nagp palpitate na naman!!
"Good night. Sweet dreams. Don't dream of me baka mabadtrip ka lang kapag nakita mo ko sa panaginip mo" I heard him chuckle at his own joke. I wanna laugh at what he said pero syempre pinigilan ko dahil mabubuking niyang gising ako.
Muli niyang inayos ang kumot ko bago tuluyang lumabas. Nang marinig ko ang pagsarado niya ng pintuan ay nagdilat ako ng aking mata. Tinignan ko ang kumot na yumayakap ngayon sa aking katawan at hinawakan ko ang ulo kong hinalikan ni Knight.