Hindi ako nakapasok ng dalawang araw matapos ang nangyari sa amin ni Ava. Nakausap kami parehas ng guidance councilor. Ava got punished. She will do community service inside the campus. Wala naman akong natanggap na sanction dahil inosente naman ako sa nangyari.
Knight took care of me during those two days. Binilhan niya ako ng mga kakailanganin kong gamot para sa mga sugat kong natamo.
Bago siya pumasok sa school, he makes sure na may nakahanda nang pagkain para sa kain. Palagi din akong nagigising nang maaga dahil binibigyan ako nito ng halik sa ulo bago siya tuluyang pumasok.
Maaga din siyang umuuwi at may bitbit pa siya palaging pasalubong na nakakapagpasaya sa akin. Pagkauwi niya ay siya ang nagluluto. Nakakatuwa nga dahil hindi niya ako hinahayaang tumulong. Gusto niya lang na nakaupo ako sa harapan niya at pinapanood siya.
I felt like a pampered princess for the whole two days kaya naman bawing bawi ang nangyari sa akin.
"Okay ka na ba talaga?" tanong sa akin ni Caroline nang pumasok na ako.
"Oo nga. See I'm alive saka mga galos lang naman yun eh. Pinagpahinga lang ako para hindi ulit manggalaiti yun si Ava" paliwanag ko dito
"Buti naman. Hay naku. Usap usapan yung nangyari sa inyo ni Ava at alam mong may video pa yung away niyo" nagulat ako sa sinabi nito.
"Ha? Paano? Nakakahiya! Nakita ba dun na nahubaran ako?" kinakabahan kong tanong dito.
"Huwag kang mag-all dumating naman ang Knight in shing armor mo with his friends" sabi nito at tinusok ang tagiliran ko.
"Si Knight?"
"Yup. He was so mad sa nag video sa inyo. Talagang inisa isa nila ang mga rooms to ask kung sinong may kopya at pinagde delete nila lahat. In fairness ha to the rescue ang Hacienderos sayo" sabi nito.
Nawala ang kabang nararamdaman ko matapos marinig na inayos ni Knight ang mga video. Lalo ko tuloy siyang nappreciate ngayon.
"One more thing bago ko makalimutan" naglabas si Caroline nang isang papel.
"Here is the design for your costume" sabi nito at inabot sa akin ang papel.
"My costume?" kinuha ko ang papel at nakita ang ilang drawing.
"Don't tell me hindi sinabi ng asawa mo sayo" mabilis kong tinakpan ang bibig ni Caroline.
"Ano ka ba baka may makarinig sayo!" saway ko dito bago tanggalin muli ang pagkakatakip ko sa bibig niya.
"Fine. Sorry nakalimutan lang" napakamot ito sa ulo niya bago kinuhang muli ang papel sa akin
"Sinabi ko na kay Knight na ikaw ang napili ng class para irepresent tayo dun sa Mr. and Ms. Mckinley. Si Edward ang partner mo"
"Ha? B-bakit ako??" gulat kong tanong dito
"Anong bakit ikaw? Eh ikaw lang ang maganda dito noh saka yang ganyang mukha inirarampa yan saka wala ka nang choice na ipasa na ang name mo depende na lang kung i b betray mo tong buong section natin. Sabi din kasi ni Mam this will be one of our project. Ikaw sa pageant kami naman bahala sa costumes and props mo" masayang balita nito.
"So hindi na ako pwedeng mag back out?"
"Hindi na" nakangiting sabi nito at hinila ako papuntang canteen. Napabuntong hininga ako nang maisip na wala na akong choice pa kundi sumali.
Pagkapasok pa lang namin sa canteen ay bumaling na agad sa amin ang lahat ng tingin. May hawak ang mga estudyante na papel tapos titignan ako.
"Are they staring and laughing at me?" tanong ko Caroline habang naglalakad kami.