Magta tanghali na nang lumabas kami sa kwarto ni Knight. Bitbit na nito ang mga gamit namin dahil pauwi na kami.
Magkahawak kamay kaming naglalakad nang mapansin kong isa isang may nag aabot sa akin ng bulaklak. Napatingin ako sa kanya at napansin kong natatawa siya.
"Ano meron?" tanong ko dito.
"Wala baby" sabi nito at hinila na ako.
Nang malapit na kami sa gathering place ay nakita kong nakahilera ang Hacienderos kasama si Caroline at may hawak silang mga banner. Sa likod nila ay ang mga kaklase namin. Punong puno ng bulaklak ang buong lugar. Hindi ko na nga makilala ang lugar tila nagbagong lugar kami. Napangiti ako nang mabasa ito.
"WILL YOU MARRY ME AGAIN?"
Narinig ko ang mahinang tawa ni Knight. Iniharap niya ako sa kanya.
"Supposedly ngayon talaga ang proposal baby kaso iniyakan mo na ako kagabi eh. I don't want you to doubt my love for you nor even question it. I may not be the perfect lover but I'll do my best to make you happy at all times" seryoso nitong sabi.
"So you really planned this? Hindi lang biglaan ang proposal mo?" gulat kong tanong sa kanya.
"Why do you think I have the ring with me?" kinurot nito ang aking pisngi. "I've planned this since nung araw na pumayag akong sumama ka sa outing na to. My friends helped me to pull this proposal kaso nauna na ako kagabi pa" napakamot siya sa ulo bago hinarap ang mga kaibigan.
"She said 'yes' kagabi pa lang. Umiyak eh kaya di ko na nahintay plano natin" pagpapaalam nito. Kitang kita ang gulat sa mga mata ng Hacienderos bago ibagsak ang mga hawak na banner at lapitan kami.
Nag umpisa silang pabirong saktan si Knight.
"G*go ka! Napuyat puyat pa kami sa pagdedesign niyan" sinuntok ni Tristan ang tyan nito
"Nag swimming na lang sana ako yawa" reklamo din ni Yael.
"Sa susunod magplano ka mag isa ha" sabi ni Lance bago pabirong batukan ito. Malakas lang silang tinawanan ni Knight.
"Congratulations, invited ba ako?" napangiti ako nang lapitan at yakapin ako ni Caroline.
"Oo naman. Maid of honor kita ha" excited kong balita sa kanya.
"Oh I would love to" masayang sagot nito.
"Lance, best man kita ha" nawala ang ngiti ni Caroline matapos marinig ang sinabi ni Knight. Napansin kong nagkatinginan si Lance at Caroline pero sabay na nag iwas ng tingin ang dalawa. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil nakikita ko kami ni Knight nung nagsisimula pa lang kami.
Sabay sabay kaming umalis sa beach resort. Natulog muna ako sa byahe dahil sa pagod na nararamdaman. Ginising ako ni Knight nang nasa bahay na kami.
"We're here baby. I think Mommy and Daddy are here also" sabi nito saka ko lang napansin na may mga sasakyang nakaparada sa labas ng bahay.
Magkahawak kamay kaming pumasok ni Knight sa bahay. Napangiti ako nang makita si Nana na naghihintay sa amin. Tumakbo ako sa kanya para yakapin siya.
"Nana, ano pong ginagawa niyo dito?" masaya kong tanong dito.
"Kanina pa kayo hinihintay ng mga magulang niyo sa study room. May Importante kayong dapat pag usapan. Doon na lang kayo dumiretso." bakas sa mukha ni Nana at sa boses nito na malungkot siya.
Sinunod naman agad namin ang sinabi ni Nana. Pagbukas namin ng pinto ay bumungad ang Mommy at Daddy ni Knight at may kasama silang lalaki sa loob ng study room.
Nagmano ako sa parents ni Knight at nginitian ang lalaki. Napansin ko ang paraan ng pagtitig nito sa akin. Kumapit ako sa braso ni Knight dahil naiilang ako sa paraan ng pagtingin nito.