Chapter 8

523 21 1
                                    

Pagkabalik namin sa room napansin kong may stem of white rose na nasa desk ko. Napalinga ako sa loob ng room.

"Kanino galing?" tanong ko sa katabi ko.

"May naglapag lang dyan eh. May note na iniwan check mo" nakangiti nitong sabi.

"Sorry about yesterday" - Master

Hindi ko mapigilang mapangiti nang mapagtanto kung kanino galing ang bulaklak. May ganitong side din pala si Knight. Napapikit ako nang inamoy ang puting rosas.

"Haba talaga ng hair ng frenny ko" tinusok ni Caroline ang tagiliran ko. "So, sino si Master?" pang iintriga nito.

"Aba ewan ko" sabi ko at naupo na. Naagaw ang atensyon ko nang may nagsalita mula sa pintuan.

"Excuse me! Can I talk to Delancey Devans?" nakahalukipkip at nakataas ang kilay ni Ava habang sinisipat ako sa loob ng classroom.

"Bat ka hinahanap?" tanong ni Caroline pero nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko rin naman alam bakit ako nito hinahanap.

Tumayo ako at lahat ng mata ay bumaling sa akin. I walked towards Ava at naririnig ko ang mumunting bulungan ng mga kaklase ko.

"I would like to talk to you alone" seryoso nitong sabi. Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Nauna siyang maglakad sa akin kaya naman nakasunod lang ako sa likuran niya.

Dinala niya ako sa likod ng gymnasium.

"Anong pag uusapan natin?" tanong ko nang huminto siya sa paglalakad.

Lumingon siya sa akin at itinaas niya ang cellphone niya. Nabigla ako nang makita ang litrato namin ni Knight. Ito ay kuha nung hinalikan ako ni Knight sa canteen.

"Care to explain why your lips are on the lips of my boyfriend?" mataray nitong tanong.

"It was Knight's fault. He kissed me because of a bet. I didn't even know that he will do it. Nabigla din ako dyan" pagpapaliwanag ko dito.

Pagak na tumawa si Ava sa akin bago ipasok sa bulsa ang cellphone niya.

"Are you telling me that my man likes you?" humakbang siya paharap kaya naman napaatras ako.

"No. It was just a bet game. 5,000 para sa lalaking makakahalik sa akin. That's all I know" patuloy ako sa pag atras dahil sa patuloy niyang paglapit.

Hinablot niya ang braso ko at ramdam ko ang pagbaon ng kuko niya.

"Stay away from Knight. Konti na lang ang pasensya ko sayo. Stop seducing him or else you wouldn't like what I will do" sabi nito at itinulak ako.

"I'm not seducing him. Siya ang lumapit sa akin. Siya ang humalik. Siya ang may gusto....." napahinto ako sa pagsasalita nang lumapat ang palad ni Ava sa pisngi ko.

Hinawakan ko ang kanang pisngi ko at tinignan ng masama si Ava.

"Uulitin ko stay away from Knight! Know your place hanggang sa papel lang ang relasyon niyo ni Knight cause he belongs to me alone!" sabi nito bago ako banggain dahilan para matumba ako. Naitukod ko ang siko sa semento kaya naman nagkaroon ako ng konting gasgas.

Iniwan ako ni Ava matapos ang sinabi niya. I can't help but to feel so frustrated. First time kong masampal. No one dared to do that to me not even my parents.

Ano ba tong pinasok ko? Hindi naman ako ang may gusto nun pero bakit sa akin ang balik ng galit!

Pinilit kong huwag umiyak kahit na nasasaktan ako pisikal at emosyonal. Paulit ulit kong naririnig ang sinabi ni Ava. Tama naman siya.

Hacienderos #1: Ai Lai GuoWhere stories live. Discover now