Chapter 25

530 20 0
                                    

Rinig na rinig ko ang ingay sa buong paligid ng Mckinley University. Ngayong araw ang pinaka highlight ng aming foundation day. Maraming booth at nagkalat ang mga estudyante. Maririnig mo ang ibang hiyawan, tawanan, asaran.

"Grabe ang wild ng mga tao ngayon" komento ko habang papunta kami ngayon ni Caroline sa naka assign na room sa amin para sa pag aayos sa pageant.

"Kaya nga. Kaya tara na dahil may laban ka pa mamaya" sabi ni Caroline. Hinawakan nito ang braso ko at hinila ako. Malapit na kami sa room nang may biglang humawak sa akin.

"Huli ka Delancey. Your presence is required in the marriage booth" nakangiting sabi ng mga ito.

"Ha? Anong ako? Baka hindi ako" sabi ko dito habang hinihila nila ako. Sa likod ko naman ay nakangiting nakasunod si Caroline.

"Kasal na yan hoy! Ikakasal niyo pa ulit. Ay teka parang kilala ko na kung sinong nag request nito" kinikilig na sabi nito at binigyan ako nang mapang asar na ngiti. Nakuha ko naman agad ang gusto niyang iparating. Nakaramdam tuloy ako ng excitement.

Maraming tao sa may marriage booth. Pinapanood ng mga ito ang kunwariang kasal. Hinawi ng mga tao ang nasa daraanan namin.

"Here's your bride" masiglang sabi ng may hawak sa akin.

"Delancey?"
"Edward?"

Parehas kaming gulat nito. So, hindi si Knight ang nagpahuli sa akin. Nawala ang excitement na naramdaman ko kanina. Napansin ko ang pagbubulungan ng mga estudyante kaya iginala ko ang aking mga mata. Ganun na lang ang gulat ko nang makita kung sino ang nasa pinakagitna at kasalukuyang ikinakasal.

Knight and Ava is standing behind each other. Napakalaki ng ngiti ni Ava sa kanyang mukha habang hindi naman maipinta ang mukha ni Knight.

Nasa part na sila kung saan kailangan nilang sumagot ng "I do". Hindi ko mapigilang makaramdam ng selos ngayong nakikita kong hawak ni Ava ang kamay ni Knight. Mabilis na binanggit ni Ava ang mga katagang "I do".

Pigil ang hininga ko nang si Knight na ang tinanong. Hindi agad ito sumagot at nakatitig lang sa mukha ni Ava. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa mga mata nito. Napahawak ako sa braso ni Edward habang hinihintay ang isasagot ni Knight. Hindi ko ata kaya kung sasagot si Knight ng "I do"

Napabuntong hininga si Knight bago niya itapon ang singsing na hawak.

"This is bullsh*t" sabi nito at tumalikod para maglakad palabas pero natigilan siya nang matanaw niya akong nakapila sa mga ikakasal. Dumako ang mata niya sa kamay kong nakahawak kay Edward. Mabilis ko naman itong binaba.

Pinaningkitan ako nito ng mata bago naglakad sa direksyon ko. Huminto siya sa harapan ko. Tinignan niya muna si Edward bago muling tumitig sa akin.

"Are you gonna stay here baby?" malamig na tanong nito sa akin. Agad akong umiling sa kanya. Nang makita ang sagot ko ay hinawakan niya agad ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin.

"Good because I'm too possessive. I do not share what's mine" diretso nitong sabi sabay baling kay Edward. Saglit na nagtitigan ang dalawa bago ako tuluyang hilahin palabas ni Knight.

Dire diretso lang itong naglakad. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Baby, nasasaktan ako" daing ko sa kanya. Bahagya pang nagulat si Knight sa narinig kaya naman binitawan niya ang aking kamay.

Huminga ito ng malalim bago ulit kinuha ang kamay ko at marahan na hinaplos ang aking kamay.

"Sorry baby. I'm just jealous" mahina nitong sabi na nagpangiti sa akin.

"You don't have to be sabi mo nga you don't share what yours and I am yours baby" paninigurado ko dito. Tuluyan nang sumilay ang ngiti sa mga labi ni Knight na nagpagaan na sa nararamdaman ko.

Hacienderos #1: Ai Lai GuoWhere stories live. Discover now