Chapter 10

544 24 1
                                    

Nawala ang atensyon ko sa mga lalaking nasa harapan ko nang tumunog ang cellphone ko.

"Papunta na" pagkukunwari kong may kausap pero ang totoo ay alarm ko lang yun.

"Una na ako guys saka na lang tayo mag usap" sabi ko sa kanila at mabilis na naglakad palayo sa kanilang sasakyan.

Narinig ko pa ang pagtawag nila sa akin pero hindi ko na sila nilingon. Lakad takbo ang ginawa ko dahil natatakot akong sundan nila ako at kulitin. Wala din naman akong maisasagot sa kanila.

Pawis na pawis ako nang makarating sa classroom.

"Anong nangyari sayo? Nag exercise ka ba papunta dito" bungad ni Caroline sa akin.

"Wala. Mainit lang sa labas" sabi ko at inayos ang sarili ko. Ilang sandali pa ay pumasok na ang prof namin at nagturo.

"By the way, there will be a student council meeting tomorrow. May napili na ba kayong class representative?" tanong ng prof namin siya din kasi ang aming adviser.

Hindi ko na pinansin ang tanong niya dahil wala naman akong alam sa mga ganun. Niligpit ko na ang gamit ko dahil may susunod pa akong klase.

"Mam si Delancey po" napalingon ako sa kaklase kong nagbanggit ng pangalan ko.

"Ayoko" alanganin akong napangiti at tumanggi agad sa nais nila.

"Yes mam si Delancey na lang kasi magaling naman po siya" dagdag pa ng isa

"We agree mam" pagpayag pa ng iba.

Ngumiti sa akin ang adviser namin parang ito ang ngiti na ayaw kong makita.

"Okay. Ms. Devans ikaw na maging class representative since majority naman ng class ay ikaw ang napili"

"Mam, hindi ko po kaya yun saka bago lang po ako dito. Hindi po ako pamilyar sa mga ginagawa dito" pagtanggi kong muli.

"Kaya mo yan saka kapag may di ka maintindihan you can always ask for my help" sabi nito bago umalis ng classroom.

Hindi na nga ako maka bwelo sa sitwasyon namin ni Knight isisingit pa to.

Bumalik ako sa pagliligpit ng gamit ko nang marinig kong magtilian ang mga kaklase ko. Napalingon tuloy ako sa pintuan.

Nakita kong papalapit si Knight sa upuan ko. Malamig ang mga tinging ibinibigay niya sa akin. Nang makarating sa pwesto ko ay walang sabi niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinatak ako.

"Teka" sabi ko at kinuha ang bag ko. Tila wala itong narinig dahil diretso lang siya sa paglalakad. Nabangga pa ako sa lamesa pero hindi man lang siya huminto.

Nakita ko ang pagsipat at pagbubulungan ng mga estudyante sa tuwing madadaanan namin sila kaya naman napayuko na lang ako.

Dinala ako ni Knight sa likod ng gymnasium bago niya pabatong binitawan ang palapulsuhan ko. Ilang beses muna itong napabuntong hininga bago ako hinarap.

"What the hell comes into your mind at nalaman ng mga kaibigan ko na nasa bahay ka at kasal tayo!" galit nitong sabi.

Hindi agad ako nakasagot sa kanya.

"Tell me talaga bang sinasagad mo ang pasensya ko ha! Gusto mong malaman nila ang sitwasyon natin" sabi nito at tinulak ang balikat ko.

"H-hindi ko naman alam na nandun sila. Papasok na ako sa school tapos pagkalabas ko nandun sila" pagpapaliwanag ko dito.

"Kunwari ka pa, sabihin mo gusto mong maging sikat! Gusto mong malaman ng lahat anong namamagitan sa atin! You wanna get the attention of all people here kaya nga di ba dikit ka ng dikit sa grupo namin at sumasama ka kay Lance" bintang nito sa akin.

Hacienderos #1: Ai Lai GuoWhere stories live. Discover now