Nagising ako nang may paulit ulit na kumatok sa pintuan ko.
"Delancey, open this door" sigaw ni Knight.
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang boses niya. Inayos ko agad ang buhok ko bago buksan ang pintuan.
"Prepare food for us" sabi nito at tinalikuran ako.
Us? May kasama siya sa bahay namin?
Sinundan ko siya at habang pababa ng hagdan ay nakita ko na kung sino ang tinutukoy niya.
Ava smirked at me habang nakaupo siya sa sofa. Tumabi sa kanya si Knight at hinawakan naman ni Ava ang kamay nito. Plastik itong ngumiti sa akin at kinawayan pa ako.
I just gave her a small smile bago dumiretso sa kusina. Pinaghandaan at pinaglutuan ko sila ng pagkain kahit na gusto ko nang pumikit dahil sa pagod.
At dahil sa antok pa ako ay di ko inaasahang mahiwa ang daliri ko ng kutsilyo.
"Aray" daing ko at dumiretso sa lababo para hugasan yun.
"Matagal pa ba yan?" tinago ko sa likuran ko ang daliri kong nasugatan nang marinig ang boses ni Knight.
"M-malapit na" nauutal kong sagot dito.
"What are you hiding?" tanong nito at lumapit sa akin.
"Nothing" pinilit kong pasiglahin ang tinig ko para di siya maghinala pero mukhang hindi yung bumenta sa kanya. Hinila niya ang kamay kong tinatago.
"What happened?" bakas ang iritasyon sa boses nito bago dinala ang daliri ko sa lababo at siya na mismo ang naghugas noon dahil hindi tumitigil ang pagtulo ng dugo.
"Nadulas yung kutsilyo eh kaya nahiwa" paliwanag ko dito.
"Bakit kasi di ka nag iingat?! Bat di ka na lang kasi nag open ng canned goods eh" inis na sabi nito.
"Sabi mo paghandaan ko kayo ng pagkain eh kaya nagluto ako" pangangatwiran ko dito.
"Tsk. Huwag ka nang magluto" Natigil ako sa isasagot ko nang hinawakan nito ang kamay ko. Napatingin ako sa magkasugpong naming mga palad. Habang nakatunghay sa aming mga kamay ay naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Hala?! Bakit ganito? hindi naman ako nagkape. Bakit parang nagp palpitate ang puso ko.
Hinila ako ni Knight papunta sa medicine cabinet at mula doon ay kinuha niya ang first aid kit. Ipinaghila niya ako ng upuan.
"Sit down" utos nito sa akin. Tahimik ko naman siyang sinunod. Inilagay niya sa lamesa ang kamay kong nasugatan.
Kinuha niya ang alcohol at binuksan yun.
Kinagat ko ang pang ibaba kong labi nang walang pasabi niyang binuhusan ng alcohol ang sugat.Napadaing ako ng mahina. Umangat ang tingin niya sa akin at doon niya lang ata napagtantong mahapdi ang ginawa niya.
"Sorry, masakit ba?" nag aalala nitong tanong.
Tumango ako sa kanya at muling napadaing nang dampian niya ito ng bulak.
"Mahapdi" reklamo ko dito habang nakatingin sa sugat ko.
I heard Knight chuckle kaya naman napatingin ako sa kanya only to found out na nakatingin din pala siya sa akin. Nakangiti siya habang pinapanood ang reaksyon ko.
"Malayo sa bituka yan" natatawa nitong sabi sa akin
"Mahapdi nga eh" reklamo ko sa kanya at inirapan siya. Binawi ko ang kamay ko sa kanya at hinipan ang sugat ko.
Kakainis to eh! Mang aasar pa akala niya ata hindi masakit!
"Akin na" inagaw ni Knight ang kamay ko at dinala yun sa tapat ng kanyang mga labi. Marahan niyang hinipan ang sugat ko na ikinagulat ko.