"Drew, where are you?" sigaw ko
"I'm here ate" tawag niya sa akin. Natagpuan ko siya sa swing sa may garden.
"Hey, what are you doing here?"
"I'm just checking the stars. I wonder which star belongs to Mom and Dad" napangiti ako sa sinabi nito
"Hmm... let me see" inilibot ko ang aking mata sa kalangitan.
"There!" excited kong sabi at tinuro ang pinakamakinang na bituin sa langit.
"See even in skies, they are shining so bright"
Niyakap ako ni Drew at umupo sa kandungan ko.
"Yes ate. They look so beautiful and bright" ilang sandali kaming nanatili sa garden at tinitigan ang magandang kalangitan.
"Handa na ang sasakyan" sabi ni Manang Susan.
Tumayo ako at sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang buong mansyon. Napahinga ako ng malalim at kinagat ang aking labi para hindi maiyak.
For 19 years, this become my home but now we have to let it go. Yung mga memories ng buo kong pamilya ay nandito pero wala akong choice. I have to do this para sa future ng kapatid ko.
Bumili ako nang isang maliit na condo para kay Drew at kay Manang. Kakababa ko pa lang ng maleta ay nag vibrate na agad ang cellphone ko.
"Meet me at Starbucks" message ni Mr. Villacorta.
"Manang kayo na po muna ang bahala kay Drew. Kailangan ko lang pong kitain si Mr. Villacorta"
"Sige na Delancey. Ako na ang bahala sa kapatid mo"
Dumating ako sa nasabing lugar at agad kong natanaw si Mr. Villacorta. Napansin kong may kasama itong babaeng maganda mga kasing edad din nito. Lumapit ako sa kanila at sinalubong naman ako ng mga ito ng magandang ngiti.
"Good evening po" bati ko sa mga ito
"So you are Delancey. Tama nga si Victor, you look gorgeous and stunning" puri nito sa akin "Here take a seat" ipinaghila ako nito ng upuan
"Salamat po"
Kinausap nila ako at nalaman kong napakabait pala ng mag-asawang Villacorta. Agad nilang nakuha ang loob ko at kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Kung mabait ang magulang siguro'y mabait din ang anak.
"Nasaan na ba ang anak mo? Yung batang yun talaga. Nakakahiya kay Delancey" sabi ni Mrs. Villacorta
"Paparating na daw Amelia" sabi ni Mr. Villacorta.
"Hmm... excuse lang po pupunta lang po ako sa comfort room"
Tumayo ako at nagtungo sa comfort room. Kinakabahan ako hindi ko kasi alam na ipapakilala na pala nila ako sa anak nila. I will meet my future or should I say my soon to be husband. Huminga ako nang malalim at tinignan ang sarili sa salamin.
"Kaya mo yan Delancey" pagpapalakas ko sa aking loob.
Ngumiti ako bago lumabas pero agad na napaaray nang paglabas ko ay sa dibdib ako nang isang lalaki tumama. Alanganin akong tumingin sa mukha ng taong nakabanggaan ko. Nagulat ako nang makilala ang lalaking nasa harapan ko.
He's the cemetery man.....
Madilim at nakakatakot ang mga mata nitong nakatingin nang diretso sa akin. Sandali akong napipilan dahil sa pagkagulat.
"Something to say?" nakataas ang kilay na tanong nito
"Sorry" sagot ko dito
"Sa susunod huwag kang tat*nga-tang*. May mata ka naman. I just want to inform you na ginagamit ang mga mata sa paglalakad" sabi nito at binangga ako. Tumigil ito at nilingon pa ako
"And please don't block my way" masungit nitong sabi at nagpatuloy sa paglalakad.
"Ang sungit! Gwapo ka pa naman sana" hinaing ko sa hangin
Lumabas na ako at nakita kong may lalaking nakatalikod mula sa kinauupuan nila Mr. Villacorta.
Siya na siguro yung anak nila.
Kinakabahan na naman ako habang papalapit sa lamesa ng mga pamilyang Villacorta. Ngumiti si Mr. Villacorta nang matanaw ako.
"Delancey, meet our son, Knight Villacorta" sambit nito
Halos lumuwa ang mga mata ko at maparalisa ang buo kong katawan nang mapagtanto kung sino ang mapapangasawa ko.
Ag lalaking nasa sementeryo, ang lalaking masungit kanina at ang lalaking pakakasalan ko ay iisa.
Pero di ba may girlfriend siya? Wait! Oo, meron nga. Ava, that's his girlfriend's name!
Tiningnan ako nito bakas sa mukha nito ang pagkagulat pero mabilis itong napalitan ng walang emosyon at galit na mga mata.
"O, so iiwan na namin kayo para makilala niyo pa ang isa't isa" mabilis na umalis ang mag asawa at wala na nga akong nagawa kundi manatili kasama si Knight.
Umupo ako sa katapat nitong upuan.
"Did I tell you to sit down?"
Napataas ako ng kilay sa sinabi nito
"Why? Do I have to ask permission to you first, before I sit down?" naiirita kong tanong
"Oo, cause I will soon to be your boss" mayabang nitong sabi
"Excuse me. You're not my boss and I am not your slave! I am soon to be your wife" pambabara ko dito
Ngumiti siya nang nakakatakot. He leaned to the back of his chair at naka cross arm siya habang nakatitig sa akin. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa paraan ng pagtitig nito.
"Let me remind you Ms. Devans. Kung hindi ako pumayag sa arrangement na to malamang nasa kulungan ka na. Baka humihimas ka na sa malamig na rehas and that makes me your boss!" seryoso nitong sabi
"Pakitatak sa utak mo that I am your boss and you are my slave after our show off wedding"
"Pero...."
"Walang pero pero. Wala kang karapatang magreklamo at wala kang karapatan sa akin. Lahat nang gusto ko ay susundin mo. Tandaan mo 'pambayad-utang' ka lang. YOU ARE MY SLAVE, dear Delancey" pagak itong tumawa bago tumayo at umalis.
Naiwan akong tulala sa lamesa. "PAMBAYAD UTANG" Paulit-ulit ang mga katagang ito sa aking utak. Tama naman siya at naisip ko na rin yun pero masakit pa lang marinig kapag sa ibang tao galing.
Hindi ko mapigilan ang luhang dumaloy sa aking mga mata. Hindi ko rin maiwasan ang magtampo sa aking mga magulang. Kung bakit kasi kailangan pa nila akong iwanan nang ganitong kabigat na responsibiladad at obligasyon. Kung bakit ang aga nila kaming iniwan ni Drew.
Hindi ko nga alam kung anong mangyayari sa akin pagkatapos ng kasal. Paano ako? Ano nang magiging buhay ko? Mararanasan ko pa kayang maging normal na teenager o kailangan ko nang gampanan ang papel nang pagiging asawa dahil tulad ng sinabi ni Knight:
"PAMBAYAD UTANG KA LANG DELANCEY"
Right now, there's only one thing that I am sure. My life with Knight will not be easy......