Chapter 26

529 22 0
                                    

Pagpasok ko pa lang sa room namin ay may mga confetti na inihagis ang mga kaklase namin.

"Congratulations" bati nila sa akin dahil naiuuwi ko ang title sa pageant. Maging ako ay hindi makapaniwalang naipapanalo ko yun.

"Dahil dyan napagplanuhan naming magkakaroon tayo ng outing para i celebrate ang pagkapanalo mo at syempre ang pagkakuha natin ng uno kay mam" announcement ng president namin.

Nagsigawan at napapalakpak ang lahat dahil sa anunsiyo nito. Hindi pumasok ang adviser namin sa araw na ito para daw mapagplanuhan ang gagawin naming outing. Sa beach house ng president namin gaganapin ang nasabing outing. Kanya kanyang prisinta na rin sila ng mga dadalhin nila. Syempre tahimik lang ako kasi wala naman akong pera pang ambag sa nasabing outing. Hinayaan ko na ang mga rich friend ko sa pagp'plano.

"You can invite anyone. Don't worry the beach house can accommodate us" sabi ng president namin.

Excited ang lahat ng mag ring ang bell. Kanya kanya silang plano sa mga mangyayari.

"Sasama ka ha" sabi ni Caroline sa akin habang naglalakad kami palabas ng room.

"Papaalam pa ako baka di ako payagan"

"Sus ang higpit naman ng asawa mo. Edi isama mo na rin siya para walang problema" suhestyon nito. Napansin ko ang pagtigil niya sa pagsasalita kaya naman sinundan ko ang tinitignan niya.

Papunta sa direksyon namin si Knight kasama ang mga kaibigan niya.

"U-una na ako Delancey ha. Kita na lang tayo bukas dun sa beach house" sabi nito at nagmamadaling umalis sa tabi ko.

Nakalapit na sa akin ang mga Hacienderos pero nagtaka ako nang lumagpas sa amin si Lance.

"That silly girl" sabi nito bago sundan ang daang tinahak ni Caroline. Napakunot ako ng noo at tinignan si Knight.

"May atraso lang ang bestfriend mo sa bestfriend ko" paliwanag agad nito bago kunin ang bag ko para bitbitin.

"Knight papaalam sana ako sa outing ng ....."

"No" napanguso ako nang hindi pa man natatapos ang sinasabi ko ay umayaw agad ito.

"Please" pakiusap ko dito.

"No, baby" strikto nitong sabi. Kumapit ako sa braso niya at sinilip ang mukha niya.

"Don't use your charm to make me say 'yes'" pagpapauna na nito. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng mga Hacienderos kaya naman tinignan ko sila ng masama. Agad naman nilang itinikom ang kanilang bibig.

"Sige na baby. It's a victory party cause I won the pageant. Are you not proud of me?" tanong ko dito.

Tinignan ako nito.

"I'm proud of you sobra" sabi nito. Hindi ko inaasahan ang sagot niya kaya tuloy nawala agad ang sasabihin ko pa sana sa kanya dahil tanging ngiti na lang ang naisagot ko dito.

Malapit na kami sa parking lot pero pinipilit ko pa rin si Knight.

"You can come. All of you. Sige na please,
Pretty pretty please" pagmamakaawa ko dito

"Oi sama kami" sabi agad ni Tristan

"Sabit mo kami Delancey ha. Balita ko maganda dun sa beach house nila eh" dagdag ni Yael

"Pumayag ka na Knight libre na to oh. Alam naming kuripot ka kaya umuo ka na" pamimilit na rin ni Adam

"We'll be there para bantayan ang asawa mo dude. Say yes" sabi na din ni Luke.

Lahat kami ngayon ay nakatingin kay Knight at naghihintay ng isasagot niya. Napabuntong hininga muna ito bago magsalita.

"Fine but all of us are coming" napapalakpak ako sa pagpayag nito at nakipag apir din ako sa ibang Hacienderos.

Hacienderos #1: Ai Lai GuoWhere stories live. Discover now