Start na ng klase ngayon. Second year college na ako, fashion designing ang kinukuha ko si Knight naman ay Business Management parehas kami sa Mckinley University pumapasok.
Pagbaba ko nakita kong hinihintay na ako ni Knight. Nakaramdam tuloy ako ng excitement. Dumiretso agad ako sa sasakyan nito. Papasakay na sana ako sa kotse niya nang bigla niya akong pigilan.
"Mag taxi ka na lang. Dadaanan ko pa si Ava" sabi nito at pinaandar ang kotse niya.
"Oh, how sweet" asar kong sabi
Wala na akong nagawa kundi ang mag taxi na lang. Namangha ako pagdating sa bagong school na papasukan ko. Napakaganda nito at napakalaki pa. Sa itsura pa lang nito halatang mayayaman na ang mga pumapasok dito. Nagkalat ang mga magaganda at gwapong estudyante. Inilibot ko ang aking mata sa buong campus sa laki nito paano ako hahanapin ang room ko. Nagsimula na akong maglakad nang may magandang babaeng lumitaw sa harapan ko.
"Hi, I'm Caroline" bati nito sa akin.
"H-hi, I'm Delancey, Delancey Devans" pagpapakilala ko dito.
Devans pa rin ang ginagamit kong apelyido habang nag-aaral ako para naman daw hindi ako mailang at hindi ako ma issure kay Knight.
"Girl ang ganda mo, inggit ako" sabi nito
"Salamat"
"Anong course mo?" tanong nitong muli
"Fashion Designing" nakangiti kong sagot dito. Napakapit ito sa braso ko.
"Same here. Anong section mo?"
"2-1D"
"Hala, magkaklase tayo. Tara hanapin na natin ang room natin"
Sabay kaming tumungo sa room namin. Napahinto kami nang may nagtatakbuhang mga estudyante mapapalaki at babae man. May iba pang tumitili.
"Anong meron?" curious kong tanong
"Ahh, yung mga Hacienderos siguro"
"Hacienderos?"
"Oo. Isang kilalang grupo dito sa University. Mga gwapo, mayayaman, matalino, at kilalang estudyante dito sa school" paliwanag nito.
Nakisilip din ako sa pinagkakaguluhan ng mga estudyante and there I see my gorgeous husband. Nasa gitna siya habang nasa tabi niya si Ava. Magkahawak kamay silang naglalakad.
"Yang tinititigan mo ngayon, that's Knight Villacorta. Siya ang leader ng grupo at yung babaeng katabi niya, that's his long time girlfriend, Ava Allejo" napatango na lang ako sa sinabi ni Caroline.
I know them very well, Caroline.
Nanigas ang buo kong katawan nang biglang matuon ang tingin ni Knight sa kinatatayuan ko. Nagtama agad ang paningin namin.. Pinaningkitan ako nito ng mata kaya naman mabilis akong nag iwas ng tingin dito.
Hinila ko ang braso ni Caroline.
"Tara na baka ma late pa tayo sa klase natin" yaya ko dito at hinatak na siya palayo sa grupo nila Knight.
At dahil first day of class pa lang ay wala pang masyadong ginawa. Mostly puro introduction lang.
"Kain tayo Delancey" yaya ni Caroline nang magkaroon kami ng break.
Nqgpatianod naman ako sa gusto nito. Hindi na ako tumanggi dahil napakasayang kasama nito. Hindi siya nauubusan ng kwento dahilan kung bakit mas mabilis na gumaan ang pakiramdam ko dito.
Pagpasok namin sa canteen, agad kong napansin ang grupo nila Knight. Sa pagkakataong ito ay hindi niya kasama si Ava.
"Anong gusto mo?" tanong ni Caroline