Chapter 29

497 16 1
                                    

Humigpit ang hawak namin ni Knight sa isa't isa nang makitang papalapit na ang parents niya at ang Tito ko.

Sabay sabay umupo ang mga ito sa aming harapan. Huminga muna ng malalim si tito bago nagsalita.

"I want you to prove that you really love Delancey" sabi nito ng diretso kay Knight.

"I can" agap agad ni Knight.

"If you really love my niece, can you wait for her then?" nagkatinginan kami ni Knight dahil sa sinabi ni Tito.

"What do you mean po?" tanong ko

"If Knight really loves you, then he will let you succeed in life first before settling in a marriage. If he really loves you, I believe he can wait until both of you are matured and wise enough to build your own family"

"But we are already married tito. Why does he need to prove anything to you? It is me that Knight loves not you" naiinis kong sabi dito

"Anak, tama ang tito mo" napatingin ako sa Mommy ni Knight.

"Your mother is my first love" natigilan ako sa pagsagot sana ng magsalita ang Daddy ni Knight.

"When I heard that she died, kayong magkapatid ang una kong hinanap. I promised her and to your daddy that I will always look after you kapag may nangyari sa kanila. Same as to us. If something happens to us, they will look after my son" nagulat ako sa sinabi ni Daddy Victor

"When your mother died, we want you and Drew to be with us and that's the reason why we had this fixed marriage para maging tuluyan kang maging parte ng pamilya namin" dugtong ng Mommy ni Knight.

"Now let us correct this mistake. If my son really loves you, then he will certainly wait for you. I also wanna see how persistent he is to get you and how much does he loves you"

Hindi ko alam ang isasagot ko mula sa mga narinig sa kanila. Tahimik lang ako at nakatingin sa sahig habang hinihintay ang isasagot ni Knight. Paulit ulit lang nitong hinahaplos ang likurang bahagi ng aking palad.

"If I'm able to do what you want, hahayaan niyo na ba kaming dalawa?"

"I give you my word" sabi ni Tito.

"I'll accept your condition" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Knight. Akala ko ba he'll fight for us? Akala ko ba he'll fight for me? Bakit ngayon pumapayag siyang maghiwalay kami?

Tumulo agad ang aking mga luha nang marinig ang sagot ni Knight. Pinisil niya ang kamay ko bago muling tumingin sa tito ko at sa parents niya.

"Can you keave us two first?" magalang na tanong nito. Tumayo ang mga nakakatanda at sabay sabay na lumabas sa study room. Naiwan kaming dalawa ni Knight sa loob. Paulit ulit na pinupunasan ni Knight ang aking mga luha.

"Stop crying. We can do this baby" pagpapalakas ng loob nito sa akin.

"Why do you have yo give up on us? Why are you giving me away?" iyak ko sa kanya.

"I'm not giving up on us. I'm fighting for us. If I can prove myself worthy for you, nothing will get in between us baby"

"Pero ngayon pa lang tayo nagiging masaya. Ngayon pa lang tayo naging totoo sa nararamdaman natin. I don't need you to prove yourself. I want you Knight. I want you" umiiyak kong sabi sa kanya habang tinuturo ang dibdib niya.

"And you think I don't want you? You are all I ever dream of Delancey. Last one fight and everything will be okay baby. Trust me. We can do this" mahigpit akong niyakap nito at hinalikan ang aking ulo.

"But what if we can't?" humihikbi kong tanong sa kanya.

"What if along the way you meet someone and realized na hindi pala ako ang para sayo? What if magaya ang relasyon natin sa inyo ni Ava? What if walang mangyari sa gagawin mong desisyon ngayon?"

"Baby, listen." Hinawakan ni Knight ang magkabila kong pisngi at diretso akong tinitigan nito sa mata.

"You and Ava are different from one another. You can hold on to my promises baby. Hindi ko to gagawin kung wala akong tiwala sayo o sa pagmamahal ko para sayo. I'm doing this because this is how much I love you. There's no one else beside you. Ikaw lang pangako" sinsero nitong sabi bago ako halikan sa noo at muling yakapin ng mahigpit.

Wala akong nagawa kundi humikbi lamang sa balikat ng lalaking mahal ko. Desidido na siya sa desisyon niya. All I can do right now is to hold on to his words and promises. Hoping he can be true to his words.

Pinatahan ako ni Knight bago kami sabay na lumabas sa kwarto. Nakaabang na sa amin ang mga parents niya at ang tito ko. Nakita ko na din ang mga gamit kong nakaligpit na at nasa tabi ni Nana.

Muli na namang tumulo ang luha ko at mahigpit na niyakap si Knight.

"Delancey, we need to go" sabi ni Tito Arthur lalong humigpit ang yakap ko nang marinig na oras na para umalis kami.

Pwede bang dito na lang? Pwede bang huwag nang umalis?

"Sa susunod sa altar na tayo magkikita mi esposa" bulong nito sa akin. Umiiyak akong tumango sa kanya. Kahit mahirap ay bumitaw ako ng pagkakayakap kay Knight.

Umiiyak akong lumapit sa magulang nito at niyakap din sila ng mahigpit.

"Salamat po ng marami sa pagmamahal at pag-aalaga. Thank you for being my parents po" pasasalamat ko sa kanila.

Inilahad ni Tito Arthur ang kamay niya sa aking harapan. Tinanggap ko naman yun. Nakasakay na ako sa sasakyan nang lingunin ko ulit ang pamilyang Villacorta.

Namumula ang mga mata ni Knight at kahit nagbabadya ang mga luha ay nakuha niya akong ngitian nang napakaganda at kumaway sa akin. Mahigpit ang hawak ko sa pintuan nang sasakyan. Tumunog na ang makina nito.

"Tito sandali lang po" mabilis kong binuksan ang pintuan. Nang makita ni Knight na bumaba ako ay siya ring naging hudyat nito para tumakbo patungo sa akin.

Sa huling pagkakataon ay niyakap ako ni Knight nang napakahigpit. Ibinaon nito ang kanyang mukha sa aking leeg at doon ay paulit ulit na humikbi.

"I want you to know that I love you so much. I hate being away from you but if this is the only way para tuluyan kang mapasakin, gagawin ko baby"

If Knight can do this for me then I can also do this for him. I can patiently wait for him until we're both ready.

Humiwalay ako kay Knight at hinubad ko ang singsing na binigay niya sa akin nang nagp propose siya. Bakas ang gulat sa mga mata niya dahil sa ginawa ko.

"Hihintayin kong isuot mong muli sa akin ang singsing na yan. I will wait for that day where I can say 'I do' in front of everyone. I will wait for you mi esposo" hindi ko na pinagsalita si Knight at agad na hinatak ang batok niya para angkinin ang kanyang mga labi.

I kissed him with all my heart. I kissed him like the first time we kissed each other. I kissed him like it is my last time I can kiss him. I give him a kiss that he will always remember. I kissed him like it is his first and last kiss.

Until then baby.........

Hacienderos #1: Ai Lai GuoWhere stories live. Discover now