Chapter 7

568 21 6
                                    

Napagdesisyunan kong umalis na lang nang maaga at iwasan si Knight. Dahan dahan akong bumaba at sumilip muna ako para tignan kung nasa baba ba si Knight pero mukhang tahimik na ang buong bahay.

Napansin kong malinis na ang buong bahay at wala na ang mga kalat kagabi. Tinignan ko ang kusina malinis na rin ito. Wala na ang mga pinggan na nakatambak kagabi.

Pumunta ako sa dining area para tignan kung may tao pa ba pero malinis na din ito pero nakita kong may mga platong nakahain doon at may tasa din.

Tinanggal ko isa isa ang mga nakatakip sa plato. Fried rice, bacon, hotdog, and egg ang nakahain at meron ding hot chocolate. May nakadikit na sticky notes sa baso kaya naman kinuha ko ito at binasa.

Delancey,
I cooked for you! Kainin mo yan. May tinabi din akong baon mo. You keep me awake all night! Can't forget those cold eyes of yours! Basta kainin mo na lang yan.

Natawa ako nang mabasa ang message niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maasar sa mensahe nito. Pati sa sulat naririnig ko ang boses niyang masungit.

"Sige na nga, pwede na to! Mukhang hindi ka naman talaga sanay mag sorry at least may improvement. You call me by my name" gumaan ang loob ko dahil sa ginawa nitong paghahanda ng agahan ko.

Magana kong inubos ang inihanda niya at dinala na rin ang ginawa niyang baon ko. At dahil wala akong sariling sasakyan ay kailangan ko pang maglakad palabas ng subdivision para makasakay ng jeep. Buti na lang at hindi gaanong mainit.

Malapit ko nang marating ang gate nang may bumusina sa akin. Nung una ay hindi ko yun pinansin dahil baka mga bastos lang pero nang paulit ulit itong bumusina ay nilingon ko na ito. Bumaba ang bintana ng sasakyan at mula doon ay dumungaw ang isang gwapong binata.

"Going to school Delancey?" nagtataka akong tinignan siya dahil hindi ko siya matandaan pero mukha siyang pamilyar sa akin.

"Do I know you?" magalang kong tanong dito. Umangat ang labi nito bago tinanggal ang shades na suot nito.

"Ranz?" pagkakatanda ko sa pangalan nito. He chuckled before he corrected me

"Lance, Delancey"

"Oh, sorry. I'm not really good with names" napakamot ako sa batok bago alanganing napangiti.

"You're the first one I know who easily forgets my name" sabi nito "Papasok ka na ba?" ulit nitong tanong

"Oo"

"Sabay ka na" yaya nito

"Talaga? Libre yan?"

"Oo nga. Hop in"

Nakangiti akong tumungo sa shotgun seat.

"Salamat ha. Ang hassle kasing mag jeep lalo na kung ganito na painit na"

"Wala ka bang service?"

"Wala eh. Commute lang"

"I see. Dito ka rin pala nakatira. Ang liit talaga ng mundo. Saang street ka?"

Napatingin ako kay Lance nang magtanong ito ng address. Taga Mckinley to for sure kilala niya si Knight. Hindi niya pwedeng malaman that we are living in one roof.

"Ah, hindi nag overnight lang ako sa tita ko dito sa ibang village ako nakatira" pagsisinungaling ko.

"Kaya pala kasi ngayon lang kita nakita dito eh"

Magaan kasama si Lance. Akala ko nung una ay masungit ito dahil ang tipid niyang magsalita but I think he's really a man of few words pero may sense naman kapag kausap mo na.

Hacienderos #1: Ai Lai GuoWhere stories live. Discover now