Chapter 18

532 21 3
                                    

After the kissed that Knight and I shared ay mabilis akong tumakbo papasok sa villa. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para tugunin ang mga halik niya.

Agad akong dumiretso sa banyo. Napasandal ako sa pintuan at hinawakan ko ang dibdib ko na hindi ko malaman kung ano ba ang nasa loob ngayon.

"Delancey naman! Masyado kang padalos dalos eh. Masasaktan ka niyan" sermon ko sa sarili ko bago pumasok sa loob ng shower room.

Naka robe ako nang lumabas ng cr. Pagkabukas ko pa lang ay si Knight agad ang bumungad sa akin. Tulad ko ay bakas ang hiya sa mukha nito.

"S-sorry. Hindi ko alam na nasa loob ka" nag iwas ito ng tingin sa akin.

"Ayos lang tapos na naman ako. You can use the bathroom" sabi ko at tuluyang umalis sa pagkakaharang sa banyo. Pumasok agad si Knight dito. Narinig ko ang paglock niya sq pinto.

Akala mo naman sisilipan ka!

Nag b blower ako ng buhok nang lumabas ng bathroom si Knight. Nagpupunas pa siya ng basa niyang buhok. Nang matapos ay dumiretso siya sa kama halos kalahati ng kama ang nasakop niya.

Mula sa salamin ay nagtama ang mga tingin namin.

"You're occupying my space" puna ko sa kanya habang nagb blower ng buhok.

"Ang dami mong alam. We both own the space. Kung anong sayo ay akin din. We're married, mi esposa" pang aasar nito sa akin.

Pinatay ko ang blower at tumungo sa kama. Kinuha ko ang hotdog na unan at inilagay sa gitna naming dalawa.

"Ah basta! Bawal lumagpas sa unan na to!" sabi ko sa kanya. Kinuha ito ni Knight at inilagay sa kabilang gilid niya.

Umakyat ako sa kama para kunin ito at muling ibalik sa gitna naming dalawa.

"Huwag ka ngang makulit! Basta yan ang partition" pag uulit ko dito. Kinuha niya ulit ito at tinapon naman sa gilid.

Tinignan ko siya ng masama bago hampasin ang tyan niya na ikinatawa niya.

"Ang kulit naman Knight Villacorta! Behave okay" kinuha ko ang hotdog na unan at muling binalik sa gitna naming dalawa.

He was about to say something nang malakas na tumunog ang cellphone niya. Sabay kaming napatingin dito.

Ava.....

Mabilis akong nag iwas ng tingin sa kanya at nahiga sa kama. Tinalikuran ko siya. Naramdaman ko naman ang pagtayo niya sa kama at narinig ko ang pagbukas niya ng sliding door ng veranda mukhang doon niya kakausapin ang dalaga.

Marahan ko siyang sinilip at nakita kong nakasandal siya sa sliding glass door habang nasa tenga ang cellphone. Tinitigan ko siya at tinitignan ang reaksyon niya. I saw him smiling.

Napabuntong hininga ako at muling humiga. Mahigpit kong hinawakan ang kumot ko. Nakaramdam ako ng inis sa puso ko at tila may karayom na tumutusok dito hindi ko namalayang may luhang tumulo sa aking mga mata.

Kulit mo kasi eh.......

Hindi ko alam kung gaano sila katagal ni Ava na nag usap dahil nakatulog na ako sa kakapigil ko sa paghikbi.

Mabigat ang aking damdamin nang magising ako. Iminulat ko ang aking mga mata at ang brasong nakayakap sa akin ang una kong napansin.

Mainit ang hininga nang tumatama sa aking ulo at matigas na dibdib ang aking inuunanan. Dahan dahan akong tumingala at nakita si Knight na mahimbing na natutulog.

Malaya kong napagmasdan ang gwapo at payapa niyang mukha. Tulad niya ay iniyakap ko rin ang aking braso sa kanyang beywang. Kahit ngayon lang, kahit tulog ka, gusto kong maramdaman na akin ka. Kahit pansamantala gusto kong angkinin ka.

Hacienderos #1: Ai Lai GuoWhere stories live. Discover now