Chapter 15

534 23 2
                                    

Ilang araw na akong binabagabag ng mga narinig ko sa shower room. Until now di ko pa rin magawang sabihin kay Knight ang mga narinig ko. Pakiramdam ko ay wala ako sa lugar.

Kakababa ko pa lang ng sasakyan ni Knight nang may umakbay sa akin.

"Hindi ka na pinapasabay sa amin ng mister mo ah" napangiti ako nang makita si Adam sa tabi ko.

"Hindi niyo kasi ako sinusundo. Nagtatampo na ako"

"Sus if I know na eenjoy mo naman ang bonding niyo" asar sa akin ni Luke.

Napangiti lang ako sa sinabi nito. Sasagot na sana ako nang biglang pumagitna sa amin ni Adam si Knight.

"Hands off id*ot" sabi nito at inalis ang kamay ni Adam na nakaakbay sa akin.

Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Tristan dahil sa ginawa ni Knight.

"Delancey" nakita ko si Caroline na nakatayo sa waiting shed at kinakawayan ako. Lumapit siya sa amin.

Umangkla siya sa braso ko.

"Wala daw tayong class today. May meeting ang mga prof" masayang sabi ni Caroline.

"Really? Then join us. Maglalaro kami ng soccer" yaya ni Yael

Nagkatinginan kami ni Caroline at sabay na napangiti.

"Sure" sabay naming pagpayag. Tinungo namin ang soccer field. Walang masyadong tao ngayon sa lugar at di rin ganun kasakit sa balat ang araw dahil maaga pa naman.

Dumiretso agad ang mga Hacienderos sa field. Naiwan naman kami ni Caroline sa bleacher.

"You wanna join?" tanong sa akin ni Lance

"I want to kaso pagpapawisan ako eh"

"You don't have an extra shirt?" tanong nito sa akin.

"Wala eh di ko naman kasi alam na mag gaganito pala"

Ngumiti sa akin si Lance bago may kunin na tshirt sa loob ng bag niya.

"Here. Wear this" inabot nito sa akin ang t shirt. Nakangiti ko naman itong tinanggap.

"Ikaw Caroline?" tanong ko sa kaibigan ko.

"No Delancey. I am not physically fit sa mga ganyan baka maubusan ako ng hangin sa katawan" pagtanggi nito dahil may asthma siya.

"I'll just stay here at i c cheer ko na lang kayo" sabi nito sa akin. "Go change your clothes" utos nito sa akin.

Mabilis naman akong pumunta sa cr para magpalit ng t shirt. Paglabas ko ng cr ay nakita ko si Lance na hinihintay ako. Ngumiti siya sa akin nang makitang suot ko ang t shirt na may apelyido niya sa likod.

"It looks good on you" puri nito sa akin.

"Thank you. Huwag kang mag alala lalabhan ko bago ko ibalik sayo" sabi ko dito

"No need. Keep that. Remembrance ko na sayo"

"Hindi ko tatanggihan yan" nakangiti kong sabi dito. Natahimik kami ni Lance habang naglalakad pabalik sa field.

"Are you and Knight are doing okay?" tanong nito sa akin.

"Yeah. Hindi ko nga rin akalain na magkakasundo kami nun" natatawa kong sabi sa kanya.

"It's good to know na okay na kayo. I'm leaving by the way" nagulat ako sa sinabi niya.

"Leaving???" ulit ko sa sinabi nito.

"Yeah. I'm going to States. Family matter" tipid nitong sagot. Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi nito.

"When?"

Hacienderos #1: Ai Lai GuoWhere stories live. Discover now