Chapter 12

564 23 0
                                    

Lumingon ako sa paligid nang mapansing tahimik ang buong bahay. Mukhang maagang umalis ngayon si Knight.

Dumiretso ako sa kusina para gumawa nang almusal pero napansin kong may nakahain na.

Nilapitan ko yun at nakitang may nakaiwan na naman na note.

I cook for you. Sorry na.

Ilang araw na rin nang pilit kong iniiwasan si Knight. Lagi akong sinusundo ng mga Hacienderos kapag umaga at kapag uwian naman ay sumasabay ako kay Caroline para hindi ako malapitan ni Knight. Pagkauwi ay nagkukulong na ako sa kwarto para di kami magkita ni Knight.

Kinain ko ang ginawa niyang agahan. In fairness to him sumasarap na siyang magluto. Naubos ko ang pagkaing hinanda niya at dinala na din ang pagkaing inihanda niya para baunin ko.

Nakangiti ako nang buksan ko ang pinto pero nawala yun nang makita si Knight na nakasandal sa sasakyan niya. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay tumayo siya ng maayos.

"Sabay na tayo" sabi niya sa akin at nilapitan ako.

"Susunduin ako nila Lance" sabi ko dito at iniwasan siya pero hinawakan nito ang braso ko.

"Pinaalis ko na sila" matamlay nitong sagot. Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"At bakit? Alam mo namang sila ang nagsusundo sa akin eh kaya ganitong oras na ako umaalis. Paano yan mal late ako kapag nag commute pa ako" naiinis kong sabi sa kanya.

"Ako na ang maghahatid sayo" malungkot nitong sabi. Nakaramdam ako ng awa nang makita ang malungkot nitong mga mata.

"Ibigay mo na sa akin to oh. I don't like this. You getting mad at me everyday. Magkasundo naman tayo" parang batang nagsusumamo si Knight sa harapan ko.

Napalunok ako dahil sa sinabi niya.

Ito naman di ba ang gusto niya? Kaya bakit ngayon nanunuyo siya? Binibigay ko na nga ang gusto niya eh!

"Fine" sabi ko at hinawi ang kamay niya. Dumiretso ako sa shotgun seat at nag seatbelt. Sumunod din siya agad.

"Ready?" tanong nito sa akin. Tinanguan ko lang siya at tumingin sa labas ng bintana.

Palabas na kami sa garahe nang may humintong taxi sa tapat ng gate namin. Mula doon ay bumaba si Ava. Napatingin ako kay Knight pero nakadiretso lang itong nakatingin kay Ava.

Kinatok ni Ava ang bintana ng shotgun seat. Tinignan ko muna siya. Iminuwestra niya sa akin na ibaba ko ang bintana kaya naman ginawa ko yun.

"Excuse me, you're seating on my seat" mataray nitong sabi. Narinig ko ang pagbuntong hininga at mahinang paghampas ni Knight sa manibela niya.

I looked at him at hinantay kung may sasabihin ba siya ngunit walang lumabas na kahit anong salita sa kanya. Nakatingin lang siya sa malayo.

"Ano na? Do you want me to kick you off?" Masungit na sabi ni Ava sa akin.

Bumaba ako ng sasakyan at lumipat sa back seat dahil mal late ako kapag nag commute pa ako.

Knight did not look at Ava. Tahimik ang dalawa. Nakakaramdam ako ng tensyon siguro may LQ sila.

"Hon, do you wanna go to...."

"No" agad na pinutol ni Knight ang sasabihin ni Ava.

"How about eating at...."

"No" sagot agad nito. Mahina akong natawa dahil pinutol agad siya ni Knight. Tinignan ako ng masama ni Ava kaya naman napatakip ako ng bibig ko at nag iwas ng tingin sa kanilang dalawa.

Hacienderos #1: Ai Lai GuoWhere stories live. Discover now