Chapter 30

525 20 1
                                    

"Ms. Devans, here's your appointment for today" lumapit sa table ko ang aking secretary. Upon seeing my schedule ay nakaramdam agad ako ng pagod.

My eyes noticed the date today and suddenly the atmosphere felt gloomy.

"Cancel everything" walang gana kong sabi

"Pero mam...."

"Please Alicia, just cancel everything" sabi ko dito at itinalikod ang aking swivel chair. Naramdaman ko ang paglandas ng aking luha sa aking mga mata.

Hinayaan ko lang itong dumaloy habang nakatingin sa malawak na kalangitan. Today is our 5th year anniversary. Limang taon na pala simula nang maikasal ako kay Knight. It's been 4 years since we separated our ways.

Ang tahimik kong pag iyak ay unti unting lumakas habang pinupunasan ko ang aking mga luha. Until now, it still hurts. Hindi ko alam kung anong nangyari sa amin.

After I left the Philippines, we lost our communication. Walang sulat walang message. All of his social media accounts are deactivated. Wala akong naging balita sa kanya. Everyday was a torture to me parang gusto ko na lang bumalik sa Pilipinas at awayin siya.

My Tito Arthur would always tell me if you love Knight then trust his words. Ginawa ko yun hanggang ngayon kaya mas masakit cause I don't know kung may hinihintay pa ba ako. Minsan napapatanong ako sa sarili ko "Are all of these worth it?"

For 4 years, wala akong ginawa kundi magpaka busy sa pag aaral at sa trabaho ko. I am now successful in the fashion industry but I still feel empty. Siguro dahil bitbit ni Knight ang kalahati ng puso ko.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako maghihintay sa kanya o kung dapat ko pa ba siyang hintayin. All I know about him is that he is a business tycoon. Kilala na siya sa buong mundo dahil sa napakarami niyang successful business. Part of me is happy for what he achieved but part of me is wishing that I am part of it.

Kung sino sinong babae ang nal link sa kanya but he never confirmed anything about it. Wala kang mababasang tungkol sa personal life niya. Sa lahat ng magazine na nabasa ko ay tungkol lang sa business niya. He is not open to talk about his personal life. No one even knew na minsan siyang nagpakasal.

Inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas ng office. Taas noo akong naglalakad palabas nang nasa receiving area na ako ay unti unting bumagal ang lakad ko nang makilala ang lalaking nasa telebisyon ngayon at iniinterview.

Knight is beautifully sitting in front of the camera. Seryoso ang mukha nito at diretso niyang sinasagot ang mga tanong na ibinabato sa kanya. My heart thumped so loud nang ifocus sa kanya ang camera. Napakagwapo niya. Mas nadepina pa ang mga parte ng kanyang mukha ngayong nag matured siya.

"Everyone is curious Mr. Villacorta. You are one of the hottest bachelor in your field. Lahat kami ay nag aabang kung meron na bang nakabihag sa puso mo o naghahanap ka pa rin sa mga nakapila?" kinikilig na tanong ng babaeng host.

Knight smirked dahilan para magtilian ang mga babaeng audience. Napalunok ako nang i close up sa kanya ang camera. Knight suddenly shook his head.

"You'll definitely know if I have one. I will never hide my woman" nakangiti nitong sagot.

"Confirmed. Mr. Villacorta is still in the list of the hottest bachelors" anunsiyo ng host na babae. Mas lumakas ang sigawan ng mga babae matapos ang sagot ni Knight.

Bumigat ang pakiramdam ko matapos ang sagot niya. I'm happy that he is still single but at the same time disappointed.

So what am I? A girl in his past?

"J*rk" di ko mapigilang magbigay ng komento kasabay nito ay ang pagtulo ng luha ko. Pinunasan ko agad yun at baka may makakita pa.

Paglabas ko ng building ay sinalubong ako ni Drew ng yakap.

Hacienderos #1: Ai Lai GuoWhere stories live. Discover now